Mature content/R-18
Kabanata 11: Heart’s Pov
“So anong ginagawa mo roon?” agad na tanong ko nang bumaba kami sa sasakyan.
“Baby, katatapos lang natin mag-make love inaaway mo na naman agad ako,” aniya.
Nakaalalay siya ngayon sa baywang ko. Dahil nga sa nangyari ay medyo iika-ika akong maglakad ngayon. Hindi pa rin ako sanay sa laki ng alaga niya.
“Ano ngang ginagawa mo roon?” bahid ng inis na sabi ko.
“Forget it.” Sinamaan ko siya ng tingin. “Tss fine! Sinusundan kita.”
“Wala kang dini-date?”
“Seriously? May pera ako kaya kung may idi-date ako, sa Disneyland ko dadalhin.”
Natahimik ako. Tama naman. Pero hindi naman ibig sabihin ay cheap ang carnival na pinuntahan namin.
“So…kelan moko sinimulan na sundan?” tanong ko.
Naalala ko iyong pagtulog sa labas. Kung sinusundan niya ako simula pa kagabi ay siguradong nakita niya ako sa gano’ng sitwasyon.
“Actually, ang lalaki ang sinundan ko. Sinisigurado ko na wala siyang ibang babae para paglaruan ka,” seryosong saad niya.
Hindi na ako nagsalita. I sighed in relief.
Pagkapasok namin sa mansyon ay inalis ko na ang pag-aalalay niya sa akin. Dumiretso ako sa pag-akyat ng hagdan dahil bigat na bigat na talaga ang katawan ko, gusto ko ng magpahinga. Busog pa rin naman ako.
“What do you want to eat?” tanong ni Davil na nakasunod sa akin.
“Busog pa ako…”
“It’s still early to sleep without eating, baby. Bibilhan na lang kita ng pagkain, para mamaya kapag nagising ka sa gutom may makakain ka. Anong gusto mo?” pangungulit niya.
“Ayoko. Gusto ko ipagluto mo ako–,” natigil ako nang bumungad sa akin ang mga plushies stuffed toys, matapos kong buksan ang master’s bedroom. “What is this…”
“Oh I bought them for you…”
Parang nagningning ang mga mata ko. Para akong biglang naging bata. Ngunit hindi ako agad nakagalaw para lapitan ang mga iyon at hawakan.
“W-why? Hindi mo ba nagustuhan?” may halong kaba na tanong niya.
Hindi ako umimik. Gusto kong sabihin na hindi para asarin siya, pero mukhang naaasar na siya ngayon sa hindi ko pagsasalita. Parang may nabubuo na sa isipan niya na hindi ko nagustuhan ang mga stuffed toys.
“Bakit mo binili ang mga ‘yan?” usal ko.
Lumapit siya sa akin at pinaikot ang braso sa baywang ko, parang bata na gagawin ang lahat para matuwa ako sa kaniya.
“It’s okay if you don’t like it, right? Magkakabati pa rin naman tayo kahit ayaw mo sa kanila, ‘di ba?” puno ng pag-iingat ang tono niya.
“Para saan nga ang mga ‘yan?”
“For forgiveness? Baby, please, I’m so sorry. Can you forgive me hmm? Hindi na kita pagso-solve-in sa harap, promise. Hindi na rin ako magagalit kapag na-late ka, kahit ang reason niyon ay nakipagkita ka sa lalaking iyon. I won’t be mad at you anymore…”
Nakasuksok na siya ngayon sa leeg ko. Para na siyang bata na takot mapagalitan ng Nanay kaya nagpapakabait.
“Fine.”
“I love you…” mahinang usal niya na hindi ko nagawang sagutin.
Inalis ko ulit ang pagkakayapos niya sa akin at lumapit na sa kama para mahiga. I’m so tired…
“So what do you want to eat? I will cook for you,” aniya habang kinukumotan ako.
Para akong binalot ng mainit na yakap. Naibsan ang lamig ng katawan ko sa init ng kumot.
“Gusto ko ng beef steak. Sweet corn and boiled eggs.”
“My eggs?”
Inis ko siyang inismiran. Natawa siya sa reaksyon ko. Tumango-tango siya na parang sinasaulo ang mga gusto ko.
“Ayoko ng maalat na itlog,” sabi ko at pumihit para talikuran ang lalaki.
“Ayaw mo rin ng hotdog? Hotdog ko? Matamis ‘to,” aniya sunod ay humalakhak.
Napaikot na lang ako ng mata. “Tumigil ka kung ayaw mong awayin na naman kita,” pagbabanta ko.
“Okay, enough na Davil. Dimo na naman kakayanin kapag inaway ka ni misis,” sabi niya sa sarili.
Lumubog ang kama sa likuran ko. Sunod na naramdaman ko ay ang paglapat ng malambot na labi ni Davil sa pisngi at sintido ko.
“Sleep well. I will cook for you. I love you misis ko.”
Tila hinele ako ng lambing ng boses niya. Pagpikit ng mata ko ay tinangay ako agad ng antok.
Pero bago ako tuluyang nilubayan ng diwa ko ay tila naglaway pa muna ako sa siopao na sinasawsaw sa asin, at may palaman na manggang maasim.
To be continued….
YOU ARE READING
My Husband is My Professor (Secret Marriage Series #1)
RomanceSecret Marriage #1: complete Heart.