This is the work of Fiction. Names, characters, business, places, events and incidents are either the products for the author's imagination resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this study in any way. Please obtain permission.
Be advised that this story contains, sensitive contents, mature themes and strong language that are not suitable for very young audiences.
Secret Marriage Series est. 2024
This is the first book of Secret Marriage Series.
Note:
Please if you encounter typographical errors that confused you, tell me so I can fix it right away. This story is a mature content/or not suitable for young audiences. You can skip this story if you're not comfortable.
***************************
Simula
Heart's Pov
“Ilan score mo sa quiz kanina sa Mathematics?” tanong ni Ali sa akin, ang kaibigan ko na kaklase ko rin.
“Two,” matipid na sagot ko.
Nanlaki ang mata niya na tila hindi makapaniwala. “Seriously, Heart? Is that you?”
Nilapag ko ang papel kung saan ako sumagot kanina. Ang isang kaklase ko ang nag-check niyon.
Nanlaki ulit ang mga mata ni Ali, umawang pa ang bibig. Napatakip pa siya sa bibig.
“My god, Heart, anong nangyayari sa’yo?”
Inismiran ko ang kaibigan at tumayo na. Dinampot ko ang bag saka lumabas. Patakbong sumunod si Ali, nakatingin pa rin sa papel ko.
“Heart, what’s wrong with you? Ikaw ang palaging highest sa atin. Hindi mo man ma-perfect, ikaw pa rin ang highest! ‘Tsaka mathematics ito, Heart, favorite subject mo!”
Tuloy-tuloy lang akong naglakad.
“Heart, sabihin mo sa’kin. Anong problema? I know you! May nangyari ba? Family problem ulit? I can help you.”
“Pagod lang ako, Ali,” mahinang saad ko.
“Tsk! ‘Yong totoo? Saan ka napagod kung gano’n?”
Sa pamilya. Pagod na pagod na ako sa pamilya ko. Napagod ako dahil sa mga nangyari kahapon. Pagod na ang buong katawan ko sa kasusunod sa gustong mangyari ng Mama ko. At iyon ngang nangyari kahapon.
Pinakasal niya ako para may pangbayad ng utang.
Pinakasal niya ako sa professor ko. Sa Calculus Prof ko!
“Tell me, Heart. What can I help? How can I help you?” nag-aalalang tanong niya.
“Wala, Ali. Pagod lang talaga ako,” sabi ko at nanguna ng umalis.
Naiwan ko ang kaibigan dahil sa bilis ng lakad. Ngayon, uuwi na ako sa bahay ng halimaw na iyon.
Dirediretso akong pumasok pagdating sa mansion ng diyablo. Hindi ko alam kung bakit pumayag naman ang bakunawang iyon.
YOU ARE READING
My Husband is My Professor (Secret Marriage Series #1)
Storie d'amoreSecret Marriage #1: complete Heart.