Warning: Mature content/R-18
Kabanata 2: Heart’s Pov
Napatigil ako sa pagpasok sa mansyon nang makita si Mama sa sala. Natigil din siya sa iniinom nang makita ako. Malapad siyang napangiti at tumayo para lapitan ako.
“Ang mayaman kong anak,” aniya. “Kumusta naman ang pag-aaral mo ngayon sa pribadong paaralan?”
Nakabuka ang mga braso niya para yakapin ako. Nanigas lang ako ng kinatatayuan ko, hindi ginantihan ang yakap niya.
“Anong ginagawa niyo rito?” pigil na galit na sabi ko.
Sa lahat ng ginawa niya sa akin para sa kasiyahan niya, ayaw na ayaw ko ng makita ni anino niya.
“Aba, may I remind you, Heart. Kung hindi dahil sa tulong ko, hindi ka ngayon nakatira sa mansion na ito. Kung hindi dahil sa akin, naroon ka pa rin sana sa bulok na pampublikong paaralan na iyon!”
Kumuyom ang palad ko. Parang gusto kong mandurog.
“Gusto niyo pang magpasalamat ako sa inyo?” Humakbang ako palapit sa kaniya. “Kapalit ng kasiyahan niyo ang siya namang paghihirap ko. Para lang mabayaran ang mga utang niyo sa sugalan, kinailangan niyong ipakasal ako basta! Ma, para niyo na akong binenta? Hindi pa ba sapat sa’yo iyon para layuan ako?”
Nanubig ang mata ko.
Masama akong tiningnan ni Mama. Napapikit ako sa paglipad ng palad niya sa pisngi ko.
“Wala ka man lang utang na loob. At anong gusto mong mangyari? Na layuan kita? Hinding hindi, Heart, dahil kailangan pa kita. Hindi kita lulubayan hangga’t kailangan kita,” matitigas niyang sinabi. “Narito ako para humingi ng pera, para sa ate mong sinugod ko sa hospital dahil nasugatan ang kamay.”
Lalong kumuyom ang kamay ko. Umigting ang panga ko. Huminga ako nang malalim para pigilan ang galit.
Anong pera? Pera na naman? Para na naman sa ate ko na ‘yon na hindi rin ako tinuturing na kapatid?
At dahil lang nasugatan sa kamay…sinugod na niya sa hospital? Samantalang ako na inapoy ng lagnat noon pero kahit gamot hindi nila ako binigyan.
Nilunok ko ang bumara sa lalamunan ko. “Hindi lang ako ang ginagamit nito,” usal ko. “Pati na rin ang lalaking pinakasal niyo sa’kin inaabuso niyo.”
“Bakit? ‘Wag mong sabihin na minamahal mo na ngayon ang professor mo? Pero sige, mas madali kong makukuha ang perang kakailanganin ko kapag nahulog na kayo sa isa’t isa.”
“Ang kapal ng mukha mo, Ma…” naisatinig ko.
Muling dumapo sa akin ang palad niya. Tumulo ang butil ng luha ko. Durog na durog na’ko dahil sa ina ko na ‘to.
“Nasasabi mo lang ‘yan ngayon. Pero nasisiguro ko na balang araw…matutulad ka sa’kin. Kakapal din ang mukha mo katulad ng paratang mo sa akin,” galit niyang saad saka ako tinalikuran.
Bumalik siya sa couch at kinuha ang bag niya saka bumalik ulit sa harapan ko. “Ipadala mo agad ang perang kailangan ko mamayang gabi,” sabi pa niya bago umalis.
Parang nanghina ang katawan ko. Sa sobrang galit sa ina ay pipigilan ko na naman ang sumabog.
Ako? Tutulad sa kaniya? Hinding hindi. Hinding hindi ko gagawin sa magiging anak ko ang ginagawa niya sa akin ngayon. Hinding hindi…
Pahabakbang na ako paakyat sa hagdan nang matigalgal ako matapos maramdaman ang brasong umikot sa baywang ko.
Damn…
“Hi, misis, I just got home. Are you tired? Let’s go get some rest? Magpapa-deliver na lang tayo,” malambing na saad ni Davil sa tabi ko.
Dahil sa presensya niya ay tila biglang naglaho ang galit sa kalooban ko ng dahil sa Nanay ko.
Napapikit ako nang amoy-amoyin niya ang buhok ko. Dalawang braso na niya ngayon ang pumalupot sa baywang ko.
“What’s wrong, my love? Do we have a problem here?” malambing niyang usal nang hindi ko siya kinibo.
Umiling ako. “Gusto ko ng magpahinga,” saad ko.
“Okay. My baby wants some rest.”
Tinanggal ko ang braso niya sa baywang ko, hinayaan niya naman ako.
“A-akyat na ‘ko…” sabi ko.
“Okay, susunod ako. Magpapa-deliver lang,” aniya at mabilis pa akong dinampian ng halik sa pisngi. “Rest well, kasi baka mamaya…pagurin kita ulit.”
Uminit ang buong mukha ko. Hindi ko na siya nilingon at lumakad na. Baka pa niya makita kung gaano ngayon kapula ang mukha ko.
To be continued….
YOU ARE READING
My Husband is My Professor (Secret Marriage Series #1)
RomansaSecret Marriage #1: complete Heart.