Kabanata 12 (Warning)

8.8K 135 11
                                    

Mature content/R-18

Kabanata 12: Heart’s Pov

Nagising ako na mabigat ang katawan at lamig na lamig. Kahit na balot na balot naman ako ng makapal na kumot.

“Baby, wake up…you have to eat,” malalambing na usal ni Davil ang narinig ko.

Pumihit ako paharap sa lalaki. “A-ang sakit ng ulo ko…” mahinang saad ko.

“I know, you have a fever.” Hinaplos niya ang noo ko. “Makakaupo ka ba? Kailangan mong kumain para makainom ng gamot.”

Tinulungan niya akong bumangon. Bigat na bigat ako sa sarili ko.

“God…please take my wife’s fever away,” mahinang bulong niya.

“Ha? M-may sinasabi ka ba?”

“Don’t worry. Gagaling ka na.”

Umalis siya sa harapan ko. Nilapitan niya ang tray na may lamang mga pagkain na sinabi ko. May umuusok pang sopas sa tabi niyon.

Nilagay niya ang tray sa harapan ko. Kumalam ang tiyan ko nang maamoy ang pagkain.

“Susubuan na lang kita,” aniya, tumango na lang ako. “Sabihin mo sa’kin kung may gusto ka pa. Open your mouth, ah…”

Halos mapapikit ako sa sarap. Halos maubos ko ang mga niluto niya. Nabusog pa ako. Ininom ko ang gamot pagkatapos.

Medyo gumaan gaan na ang pakiramdam ko. Hindi lang pala magaling na professor itong asawa ko, masarap din magluto.

Asawa ko…

“Why? What’s the problem?” pati siya ay natigilan sa pagsubo.

Hindi ko na pala namalayan na natigilan ako. Umangat ang tingin ko sa kaniya at pinagkatitigan siya. Hindi ko alam kung dahil lang ba ito sa sakit ko kaya ko biglang napapansin ang kakisigan niya, at naa-appreciate ang mga ginagawa niya. O…talagang ngayon ko lang siya naa-appreciate dahil iniiwasan kong mapalapit ako sa kaniya…o mahulog sa kaniya.

Umangat ang kamay ko. Hinaplos ko ng marahan ang mukha ni Davil. Habang ang lalaki ay titig na titig sa akin na tila dinadama ang haplos ko.

“Davil…b-bakit moko mahal?” usal ko.

Hindi agad siya sumagot. Hinaplos niya ang kamay kong nasa pisngi niya. Napapikit siya sa pagdama sa palad ko. Nang magdilat siya ay nagtama ang mata namin. Ang mga mata niya…tila sumisigaw kung paano siya ka-gentle sa akin. Sumisigaw ng labis na adorasyon at pagmamahal.

“I don’t know the reason exactly. I just found myself falling in love with you… Walang saktong rason, basta minamahal kita. Habang lumilipas ang mga araw…lalong lumalalim.”

“H-hindi na ba ‘yan magbabago? Hindi na ba mawawala ‘yang pagmamahal mo sa a-akin?”

“Hindi na, sigurado ako. Wala ng hangganan ‘to. Kahit umabot tayong pareho sa kabilang buhay…” umiling iling siya. “Ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin ko.”

Pumatak ang butil ng luha ko. Akala ko ay wala ng taong magmamahal sa akin, dahil kahit ang pamilya ko ay ayaw sa akin. Pero dumating siya…at minamahal ako.

Siguro nga mali na sinasaktan ko pa ang sarili ko para lang mahalin ako ng pamilya ko. Siguro kailangan ko na lang tanggapin na kahit anong sakripisyo ang gawin ko para sa kanila…hinding hindi nila ako mamahalin at ituturing na pamilya.

Si Davil…na nagmamahal sa akin. Sa kaniya ko na lang ipararamdam ang pagmamahal ko na hindi maramdaman ng pamilya ko. Si Davil na lang ang ituturing kong pamilya.

“Stop crying. Hindi kita pinaglalaruan. I really love you. Please trust me, paniwalaan mo ang pagmamahal ko hmm? Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko, okay?”

Napuno ng pag-aalala ang hitura niya dahil sa pagluha ko. Mabigat man ang pakiramdam ay nagawa ko pa siyang ngitian. Hindi ko alam, pero natutuwa ako kapag nag-aalala siya para sa maramdaman ko. Palagi niyang iniisip ang mararamdaman ko sa mga gagawin niya.

“Kapag ikaw nagmahal ng iba…” sabi ko at sinamaan siya ng tingin.

Mula sa pangamba at pag-aalala ay napalitan ng tuwa ang mga mata niya. Tumawa pa siya.

“Hindi ko gagawin. Kung may mamahalin pa akong ibang babae, ‘yon ay ang anak nating babae.”

“Paano kung mahulog ka sa babaeng mas sexy sa akin at mas maganda? Tapos hindi ka pinagsusungitan?”

Natawa siya. “Baby, I don’t look for physical appearance. Doon ako sa kung saan titibok ang puso ko. I don’t care whatever your flaws, basta mahal kita, mahal kita.”

“Eh pa’no kung may makilala ka na perfect na babae?”

“Baby, you’re perfect in my eyes.” Mabilis niya pang dinampian ng halik ang ibaba ng mata ko. “Walang ibang makakakuha ng atensiyon ko kundi ikaw, kung iyon ang inaalala mo.”

Napanguso ako. Umayos ako sa pagkakaupo at dahan-dahang umayos sa paghiga. Inalalayan niya pa ako.

“Nabusog ka ba?”

“Hmm. Salamat…”

Biglang dumampi ang labi niya sa labi ko. “You’re always welcome, my love.”

Ang bilis niya talaga pagdating sa paghalik!

“Kukuha lang ako ng cold compress, okay?”

Tumango ako. Pumikit ako ng umalis siya. Hindi nagtagal ay bumalik siya at naramdaman kong may pinapatong na siya sa noo ko, malamig.

“Sleep now. Bukas magaling ka na…” saad niya.

Marahan lang akong tumango at hindi na nagdilat pa ng mata. Natagpuan ko na lamang ang kamay ko na gumagapang na tila nangangati sa gustong hawak. Nakapa ko ang matigas sa loob ng short ni Davil.

“Baby, you’re sick…” mahinang bulong niya.

“Hahawakan ko lang,” sabi ko at pinasok ang kamay sa loob ng boxer niya.

Malalim na buntong-hininga ang narinig ko mula kay Davil nang matagpuan ko ang sandata niya.

Ang init at…matigas.

Nakatulog ako agad habang nakahawak doon.

To be continued…..

My Husband is My Professor (Secret Marriage Series #1)Where stories live. Discover now