Kabanata 27 (Warning)

5.9K 104 2
                                    

Mature content/R-18

Kabanata 27: Heart’s Pov

Tinuyo ko muna ang mukha ko bago lumabas ng banyo. Dumiretso ako sa nakasaradong pinto upang pagbuksan ang kumakatok doon.

Bumungad sa akin si Davil. “Anong kailangan mo?” tanong ko.

“Ang misis ko po…”

Itinago ko ang naging impak niyon sa puso ko.

“Bakit?”

“Can I invite her downstair?”

Hindi pa man ako sumasagot ay hinuli na niya ang kamay ko at hinila palabas. Napasunod na lang ako.

“Importante ba? May pasok pa ako…” sabi ko.

“Hindi ka papasok ngayon, in-excuse kita. Bukas ulit ang pasok ng misis ko.”

Unti-unti niya na namang nakukuha ang loob ko sa malalambing niyang salita. Dahan-dahan na nama akong natutunaw.

Hinayaan ko si Davil na dalhin ako sa kung saan. Tumigil kami sa tapat ng pinto ng isang guest room. Pumunta si Davil sa likuran ko habang nakahawak sa magkabila kong balikat.

His touch. I miss his touch.

Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Inabot ni Davil ang siradura at tinulak ang pinto pabukas. Bumungad sa akin ang sari-saring lobo na nagkalat sa sahig ng silid, habang may ibang nakadikit sa kisame. Sa pader na nasa harap ko ay may malalaking letra na nakadikit.

“I’m sorry…” bulong pa ni Davil, na tila binasa ang nakadikit na mga letra para sa akin.

Hindi ko alam kung anong ire-react ko, pinoproseso pa ng isipan ko ang mga nakikita. At habang namamangha sa paligid ay hindi ko na namalayan na umalis na pala si Davil sa likuran ko.

Napalingon ako kay Davil nang kalabitin ako. Paglingon ko sa kaniya ay bumungad ang napakalaking palunpon ng bulaklak. Bouquet of flowers na halos yakapin na sa dami ng bulaklak.

“Hindi ko ginawa ito para mapatawad mo. Ginawa ko ito para patunayan sa’yo na sobra akong nagsisisi sa ginawa ko. Hindi ako mapapagod na suyuin ka araw-araw para lang mapatawad mo. I didn’t mean to hurt you…g-gusto ko lang lambingin mo ‘ko.”

Habang sinasabi niya iyon ay hindi ko makita ang reaksyon niya dahil sa bouquet. Pero sinsero ang boses niya.

Binaba niya ng kunti ang bouquet dahilan upang makita ko na ang mukha niya. Namamasa ang mata.

He’s…crying?

“I’m sorry for making you feel not enough. I’m so sorry, I made you feel not worthy. I’m sorry, I disrespect you. I’m you, baby…hindi ko na gagawin.”

Parang may sariling isip ang katawan ko. Ang paa ko, natagpuan kong humahakbang na palapit sa kaniya. At ang kamay ko, inaabot na ang mukha niya…para tuyuin ang luhang umaagos sa pisngi niya.

“You know h-how much I loved you. Hinding hindi ko magagawang magmahal ng iba, hinding hindi ko hahayaan na may humahawak sa akin na iba.”

“Alam ko…mahal na mahal mo ako. At may mga pagkakataon talaga na nasasaktan na natin ang mahal natin…pero hindi ibig sabihin niyon ay hindi na natin sila mahal. May mga pagkakataon na kailangan nating saktan ang mahal natin…kasi parte iyon ng pagmamahal, Davil.”

Nilapag niya ang bouquet sa ibabaw ng lamesa na halos sinakop na ng mga bulaklak.

“But what I did to you is too much…”

Napailing iling ako.

“I hurt you…I let you sleep with a heavy heart. I made you cry.”

“B-bakit mo nga ba ginawa ‘yon?” I ask, softly.

“I got mad. Nagtampo, nagselos, nag-overthink.”

“Dahil?”

“Dahil kinalimutan mong wedding monthsary natin no’ng nakaraang araw…”

Umawang ang bibig ko at hindi agad nakaimik. Inalala ko ang petsa ng kasal namin…oo nga. Sh*t…nakalimutan ko nga!

“Nagkasakit ako dahil doon. Mas tumindi ang sama ng loob ko dahil doon.”

“Umiyak ka dahil doon…” mahinang saad ko.

He encircled his arms around my waist and pulled me closer to him. Sinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko.

“I’m sorry…nakalimutan ko,” saad ko at hinaplos ang buhok niya. “May mga iniisip lang akong pagbabago sa sarili theses past few days kaya nakalimutan ko.”

“You’re forgiven.”

Hinigpitan ko ang yakap sa kaniya at sindal ang ulo sa ulo niya. I miss him. I miss to be hug like this.

“Do you still love me?”

Tumango ako. “Yes, I still love you.”

“Can I kiss you now?”

Mahina akong natawa. Sa loob loob ko ay kinikilig na ako.

Lumayo siya ng bahagya sa akin. Hindi nagtagal ay nagtagpo ang labi namin. Muli kong naramdaman ang tila pagsabog ng mga paru-paro sa tiyan ko, naramdaman ko sila ulit. Tila nabuhayan muli ako at nagising ang kalamnan ko.

“D-dahil, I want you…” halinghing ko nang maglayo ang labi namin.

Naging mapungay ang mga mata niya. Sinalubong ko ang labi niya ng sunggaban ako, ngayon ay malalim at maiinit na ang halik.

To be continued….

My Husband is My Professor (Secret Marriage Series #1)Where stories live. Discover now