Kabanata 59 (Warning)

5.2K 90 7
                                    

Kabanata 59: Heart’s Pov

Halos takbuhin ko na ang hospital pagkababa ng sasakyan para lang makarating agad sa kung nasaang kwarto si Davil.

“Ma’am Heart, magdahan dahan ka at ang bata,” suway sa akin ni manang nang makarating kami sa nurse station.

Hindi ito ang hospital kung saan doctor si Damon.

Hindi na ako makapagsalita nang maayos sa panginginig kaya si manang na ang kumausap sa nurse. Hindi niya ang kinaroroonan ni Davil. Agad kaming sumakay sa elevator.

Nabungaran namin agad ang tatlong pulis na may kausap na isang doktor sa labas ng room ni Davil.

“Sir, kumusta po ang a-asawa ko?”

Lahat sila napabaling sa akin. Natanaw ko si Davil sa loob gawa ng salamin na nakapagitan sa amin. May tubo siya sa bibig at may nakikinita akong galos sa pisngi at noo niya.

“Mrs. Santillan. May isang motorista po ang nawalan ng break, at dahil sa mabilis na pagpapatakbo nito ay nag-‘cause siya ng aksidente. Nasa presinto siya ngayon. Hindi siya tuluyang nasalpok sa sasakyan ng asawa ninyo, ayon sa cctvs sa lugar ng aksidente. Umiwas ang asawa ninyo, dahilan upang siya ang sumalpok sa katawan ng puno.”

“K-kumusta na po ngayon ang asawa ko?”

Hindi ko mapirmi ang boses at ang panginginig ng katawan.

“Malalaman natin ang tunay na kalagayan ng asawa ninyo, Mrs. Santillan, kapag nagising na siya.”

“K-kailan po kaya siya magigising?”

Lumapit ako sa salamin at kinapa roon ang asawa ko, kahit imposible ko siyang mahawakan.

“Hihintayin po natin ang pagkakaroon niya ng malay bukas, hanggang sa susunod na araw,” ani ng doctor.

Hinarap ko ang doctor sa sinabing iyon. “Gano’n po ba?”

Tumango siya. “Ayon naman sa nakuha niyang galos, ay wala namang malala. Pasalamat tayo dahil mabababaw lang ang nakuha niyang galos at walang naapektuhan sa internal body niya.”

Bahagya akong nakahinga nang maluwag doon.

“Mrs. Santillan.”

Lumapit sa akin ang pulis. Bumaba ang tingin ko sa inabot niya at kinuha iyon.

“Pag-aari po ng asawa niyo.”

“Salamat po.”

Umupo ako pagkaalis ng mga pulis at ng doctor. P’wede kong lapitan ang asawa ko, pero wala akong lakas na harapin siya.

“Ma’am Heart, ako na po muna ang bahala rito kay sir. Umuwi muna po ako at magpahinga. Hindi pa rin kayo kumakain.”

“Hindi ako uuwi.”

“Nakausap ko po ang Lola ni sir at si sir Damon. Maya-maya lang ay nandito na sila.”

Tumango ako at binalingan siya. “Kayo na po ang magpahinga, Manang. Kayo na muna po ang bahala kay Kendrick. Hindi ko maiiwanan dito si Davil,” sabi ko.

“Sige po. Pero bukas pagkahatid ko kay Kendrick ay babalik ako rito para dalhan kayo ng pamalit at pagkain na rin.”

Tumango ako. “Salamat, Manang.”

Tumayo na rin ako nang tumayo si Manang. Bago umalis ang ginang ay tinulungan muna niya akong isuot ang  ppe para makapasok sa room ni Davil. Pinadala ko na rin kay Manang ang binigay ng pulis sa akin kanina.

Hindi ko nilulubayan ng tingin si Davil hanggang sa makaupo ako sa upuang dinala ko sa tabi ng hospital bed niya.

“H-hindi ka p’wedeng ma-comatose ulit. Ilang taon pa ang lilipas kapag nangyari ‘yon. “S-sige ka…mag-aasawa na ako ng iba.”

My Husband is My Professor (Secret Marriage Series #1)Where stories live. Discover now