"Araw ng mga Puso"
Lahat ay abala sa pang-araw araw na ganap dito sa hacienda. Ngunit ganon pa man ramdam kong may kakaiba ngayon.
"Señorita! Señorita! Halina't kayo ay mag-ayos na!" Aya ni Emilia.
"Hala bakit, anong meron?" Bhi! Bakit mo naman ako minamadali kagigising ko lang!
"Señorita, hindi mo ba alam kung anong araw ngayon?"
Napaisip ako ng saglit bago kong sabihin na hindi. Napasapo naman siya sa kaniyang ulo at napailing nalang.
"Señorita, araw ng mga puso ngayon! Araw ni Santo Valentine!"
"Weh? True ba? Valentine's ngayon? Tapos wala akong ka-date?"
Binigyan niya ako ng tingin na halata sa mukha niya na hindi niya alam ang salitang "ka-date".
"Señorita ano po yung 'ka-date' na inyong sinasabi?" Tanong niya sa akin.
Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kasi hindi gumagana ang aking brain cells sa umagang kay ganda.
"Umm... Parang siyang... Kapag may taong nag-aya sa iyo kung pwede ba kayong lumabas o maglibot na kayong dalawa lang ganon... Tas tawag doon date and may ka-date ka na kapag ganon."
Sana gets mo Emilia. Ngumiti nalang ako.
Napatakip bibig naman siya bigla after niya maintindihan yung sinabi ko.
"Bakit Emilia? Anong meron?" Concern kong tanong sa kaniya.
Napahawak siya sa aking manggas at nanlalaki sa gulat ang kaniyang mga mata.
"SEÑORITA! K-Kung ganon... Ako ay inaya ni Señor Iago sa isang date?!" Napalakas niyang tanong dahilan upang mapatingin ang ibang kasambahay sa amin.
Natawa ako sa kaniya na may halong asar.
"Naku, naku, naku Emilia... Tsk! Tsk! Tsk! Lagot ka!" Asar ko.
"Kanino po ako lagot?" May pangamba sa kaniyang salita.
Napailing nalang ako habang nakangiti. Huminga muna ako ng malalim at siya ay aking inakbayan.
"Sa tingin ko... Hindi ako yung kailangan mag-ayos ngayon..."
"Po?"
"Bakit... What if ikaw nalang yung ayusan this day? Ano game?"
"Game?"
"Okie! Sabi mo yan! Let's go!"
"Señorita???"
Hinila ko siya sa aking silid at kinandado ang pinto para hindi siya tatakas. Kailangan siya yung pinakamagandang dilag na makikita ni Señor Iago mamaya. Hindi ako papayag na may aagaw sa crush ng beshiwapwaps ko.
"Señorita, hindi mo naman po kailangan gawin ang lahat ng ito... Pwede ko naman sabihin kay Señor Iago mamaya na 'hindi' ang aking sagot sa kaniya... Tiyak ako na maraming babae ang karapatdapat na makipag-date sa ginoo... Hindi isang hamak na doncella lamang.." malungkot niyang hayag.
BINABASA MO ANG
Sa Pangalawang Pagkakataon
Historical FictionMinsan ka na bang nasaktan ng taong hindi mo inaasahang iyong mamahalin? Nabuo na ba ang mga katanungan na "Bakit" sa iyong isipan kung bakit hindi ikaw ang kaniyang pinili? Pinangakuan ka na rin ba niya pero sa huli nabali rin ang kaniyang salita. ...