Kabanata 19

249 14 0
                                    

Wala nang saya ang mukha ko. Hindi na rin ako nae-excite magising dahil para saan pa? Sanay naman na akong sing lamig ng yelo sa Alaska si Gabriel at alam kong one sided love lang naman ang meron na namamagitan sa amin.

Ngayon ay nakatitig lang ako sa altar ng simbahan. Kasama ko si Emilia.

Sa simbahan na ito dito kami ikakasal ni Gabriel.

Naluluha ako habang iniisip ko ang kasal namin ni Gabriel.

"Señorita? Ayos lang po ba kayo?" Tanong ni Emilia.

Hindi ako umimik.

"Emilia paano kung umiibig ka sa isang taong wala naman nararamdaman para sa iyo. Ano ang gagawin mo?" Biglaan kong tanong.

Napatingin lang sa akin si Emilia habang ako ay naluluha na nakatitig pa rin sa altar.

"Itatago ko nalang po ang nararamdaman ko," malungkot na sagot niya at napatingin na rin sa altar ng simbahan. "Kahit na alam kong patuloy po akong masasaktan," dagdag pa niya.

Napatingin ako kay Emilia. Tumulo na ang luha ko sa magkabila kong pisngi.

Umibig na rin ba si Emilia? Parang alam niya kasi kung gaano kasakit ang nararamdaman ko.

"Erenda?" Narinig kong tawag ng isang hindi pamilyar na boses.

Pinunasan ko kaagad ang mga luha ko gamit ng palad ko.

Paglingon ko nakita ko ang isang padre na ang ganda ng ngiti sa akin.

"Hija! Kamusta ka na?," tanong niya.

Hindi naman ako makasagot dahil hindi ko siya kilala.

"Paumanhin po Padre Nasaro ngunit na sa malungkot na sitwasyon po ngayon si Señorita Erenda," pagsubat ni Emilia.

Bakas sa mukha ng Padre ang pagkagulat.

"Ano? Ngunit diba nalalapit na ang kasal ninyo ni Gabriel? Bakit ka pa malulungkot?" Tanong ni Padre Nasaro.

"Naku po! Huwag nyo na po akong alalahanin," sabi ko at tumawa ng pilit.

Alam na pala ng Padreng ito na nalalapit na ang kasal namin ni Gabriel. Siguro siya ang magkakasal sa amin.

"Sige po Padre Nasaro mauuna na po kami ni Señorita Erenda," pamamaalam ni Emilia.

"O, siya sige. Ingat kayo," sabi nito.

Tumango nalang kaming dalawa. Inalalayan ako ni Emilia palabas ng simbahan. Sa hindi rin inaasahan nakikita naman si Cristobal sa 'di kalayuan. Napatigil kami sa paglakad.

"Emilia, sabihin mo sa akin ano ko ba talaga itong si Cristobal?" Tanong ko.

"Señorita, alam ko po magagalit sa akin si Señor pero hindi ko na po kayang magsinungaling sa inyo," sabi ni Emilia sa akin na bakas sa kaniyang mukha ang pagkatakot.

"Bakit Emilia? Ano ang nais mong iparating?" Tanong ko.

Tumingin muna siya sa buong paligid. Napatingin siya kung nasaan si Cristobal.

"Señorita, hindi po dito ang tamang lugar para malaman ninyo ang katotohanan," sabi niya.

Inalalayan na niya akong pumasok sa loob ng karwahe.

Habang nasa biyahe kinakabahan pa rin si Emilia.

"Señorita, hindi ko po alam kung saan magsisimula," sabi niya.

Nagtataka na tuloy ako.

"Ano ba ang nais mong sabihin? Ako'y naguguluhan sa iyo Emilia. Kinakabahan na rin tuloy ako," sabi ko.

Sa Pangalawang PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon