Matapos ang pangyayaring iyon. Nagkulong na si Laurenzo sa kaniyang silid at ayaw nang lumabas. Siguro naramdaman niya nang buong buo ang mga sugat sa kaniyang puso. Naawa ako para sa kaniya ngunit wala naman na ako magagawa dahil nagyari na.
Gabi na ngayon at mabuti nalang at kasama ko si Emilia.
"Emilia, ibigay mo na kaya itong kwintas kay Laurenzo?" Sabi ko.
Tumango na lamang siya.
Paalis na sana siya nang bigla siyang nagbalik.
"Señorita, hindi naman po sa nais kong maging chismosa ngunit maaari ko bang malaman kung ano ang inyong pinag-usapan ni Señorito Laurenzo?" Tanong niya.
"Wala naman gaanong kaimportante. Puro tungkol lang kay Lauren," sagot ko naman.
Naupo siya sa tabi ko. "T-talaga po? Ano po ang kwento ng Señorito?" Tanong niya.
"Umibig siya sa dilag na may kasintahan na," sabi ko.
Biglang nanlaki ang mga mata niya. Halatang nagulat siya.
"May kasintahan po siya?" Gulat na tanong niya.
Tumango naman ako.
"Sino po?" Tanong niya.
"Si Vincent Cornell," matipid na tugon ko.
"Señor Vincet Cornell? Saan po sila nagkakilala?" Tanong niya.
Napakunot yung noo ko na natatawa.
"Sa Engla- Inglatera malamang," sabi ko.
Patango-tango naman si Emilia.
Natatawa tuloy ako sa kaniya.
"Sige na magpapahinga na ako," sabi ko sa kaniya.
Tumango naman siya at lumabas na ng aking silid. Humiga na ako kaagad. Nakakapagod ang buong araw na ito. Lalo na sa nalaman ko kanina.
Pumukit na ako.
Nagdaan ang mga araw. May pagbabago naman na ngayon kay Laurenzo. Naging masayahin naman na ang binatilyo. Hay salamat.
Ganon pa man pinapahanap ko kay Emilia ang lahat ng information tungkol kay Lauren Collins.
Nagkakapagtaka nga lang. Bakit hindi pa hinahanap ng mga magulang ni Laurenzo siya sa halip ilang araw na siya na wawala?
Nagbabasa ngayon ako ng libro sa kusina habang ang mga criada ay nagluluto at ang iba naman ay naglilinis. Wala kasi akong makakausap ngayon dahil ipinasyal muna ni Emilia si Laurenzo.
Hayst sana sumama nalang ako.
Naiinis tuloy ako.
Hindi nagtagal mayroon isang criada ang lumapit sa akin.
"Señorita, may bisita po kayo," sabi niya.
Wala kasi ngayon sina Mama at Papa dahil may aasikasuhin sa negosyo namin. Mah goodness.
Binitawan ko ang libro na binabasa ko sa isang mahabang lamesa sa kusina. Pinulot kaagad ito nang isang criada at itinabi.
Lumabas na ako at nagtungong sala.
"Ano pong maiitulong ko?" Straight forward kong sabi. Grabe feeling ko wala akong galang.
Isang mag-asawa at isang binata ang nasa harap ko ngayon. Buti nalang gwapo si Kuya lel.
"Nandirito po ba si Laurenzo?" Naluluhang tanong ng babae.
"Oo. Ako ang kumupkop sa kaniya," sabi ko.
BINABASA MO ANG
Sa Pangalawang Pagkakataon
Historical FictionMinsan ka na bang nasaktan ng taong hindi mo inaasahang iyong mamahalin? Nabuo na ba ang mga katanungan na "Bakit" sa iyong isipan kung bakit hindi ikaw ang kaniyang pinili? Pinangakuan ka na rin ba niya pero sa huli nabali rin ang kaniyang salita. ...