Kabanata 40

138 7 0
                                    

"Walang halaga ang pag-iibig kung ito'y nabibili. Walang kwenta kung babaliwalain ang lahat ng sakripisyo at ang tawag doon ay hindi tunay na pag-ibig."

"Ikaw

Sa pagsikat ng umaga
Ikaw ang nais makita
Kahit hindi tinadhana
Ako'y kokontra

Ikaw ang aking liwanag
Sa dilim na walang pag-asa
Ikaw ang ilaw
Sa gabing madilim

Mas malalim pa sa salita
Ang ibig kong sabihin
Ngunit kapag andiriyan ka
Ako'y napipipe na

Bingi man ang puso
Ramdam ko ang lamig mo
Kahit sing tigas ng yelo
Papalambutin ko ito

Iinit muli ang malamig mong haplos
Sa mga salita kong hindi pa natatapos
Sa dadamin kong walang hatungan
At walang kamatayan. "

Bakit ganon? Bakit naririnig ko ang pamilyar na boses ni Gabriel.

Sinundan niya ba ako o nananaginip lang ako dahil patay na ako.

Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata.

Nakakita ako ng napakaliwanag na sinag ng araw.

Uti-uting humina ang kaliwanagan at nakita ko si Gabriel.

Si Gabriel na malamig ay naging bata.

Naiiyak akong kumaripas ng takbo papunta sa kaniya para lapitan.

Lumusot ako sa kaniyang mga bisig.

"Gabriel?"

Napasabi ko nalang.

Napansin kong ang layo ng kaniyang tingin.

Naluha ako kung sino ang kaniyang tinitignan sa malayo.

Ako. Ako ang kaniyang tinitignan. Ako na si Erenda. Noong trece palang ako.

Pinagmasdan ko ang teen version ko.

Kasama ko si Emilia.

"Bakit ba ganito ako makatitig sa iyo Erenda?" Tanong ni Gabriel sa kaniyang sarili.

Umiling-iling si Gabriel at naglakad na papalayo.

Napansin kong napalingon si Erenda sa gawi niya. Ang ngiti sa mukha niya ay nawala at napalitan ng hapdi. Hapdi na nasasaktan.

Hindi ko akalain na bata palang silang dalawa ay may nagyayari na na tutol si Tadhana ngunit bakit?

Bakit kailangan kumontra si Tadhana.

Nakaramdam ako ng kung anong paghila at biglang nararamdaman ko ang aking hininga. Ramdam ko ang aking puso. Ramdam ko ang aking init.

May naririnig akong tumutula ng aking sinulat ng paulit-ulit. Humihikbi na ito ng iyak.

"Erenda, hindi ko na masisilayan ang maganda mong pagtula. Pag-awit lalo na ang iyong masayahing ngiti. Ang mabilis mong maasar na pagmumukha. Erenda lahat ng kung sino ka o ano ka tanggap ko pero ako... Hindi ko alam kung kaya ko tanggapin ang sarili ko," rinig kong sabi ni Gabriel.

Hindi ang batang Gabriel kundi ang tunay na Gabriel. The present one.

Ibig bang sabihin nito ay nabuhay ako? Ibig bang sabihin nito ay may chance pa ako? Ibig bang sabihin nito I have more time left?

"Eto ba ang tinatanong mo dati kung paano... Kung paano kung mawala ka? Erenda hindi ko kaya!" Sabi niya habang naghihinagpis sa sakit ng kaniyang nararamdaman.

Minulat ko ng marahan ang aking mga mata. Nakita ko ang pamilyar na kwarto ni Emilia.

Ang kwarto ko.

Napatingin ako kung nasaan si Gabriel.

Sa study table kong makaluma ang peg.

Binabasa ang aking tula habang umiiyak.

Nakita ko kung paano niya itong yakapin at humangulngol ng mas malakas pa sa iyak ng isang babae kapag nabibigo sa pag-ibig.

Gabriel...

Gusto ko siyang tawagin pero hindi ko magawa. Ang tanging kaya ko lang gawin ay lumunok at lumuha.

Gusto kong humangulngol ngunit hindi ko magawa.

Natatakot ako na baka iwan ko siya. Namaiwan ko siya ulit.

Ayaw ko nang umalis sa buhay na ito. Ayaw ko nang lumayo sa bagong buhay na nakasanayan ko na.

Ipinikit ko nalang muli ang aking mga mata at pinakiramdaman kung paano siya lumisan ng aking silid ngunit bago iyon. Ramdam kong dumapi ang kaniyang mga labi sa aking noo.

Umalis na siya na walang iniwan na kahit anong salita.

Naluha nalang muli ako.

Saktong dumating si Emilia nakita niya akong lumuluha.

"Señora! Señor! Lumuha po ang Señorita Erenda!" Maiyak-iyak sa saya na sabi ni Emilia.

Minulat ko na ang aking mga mata.

"Señorita, buhay po kayo," humihikbi niyang sabi.

Tumango ako ng dahan-dahan at ngumiti.

Ramdam kong naghihina ako. Ramdam ko pa rin na mahina pa rin ako.

Tatayo sana ako kaso pinigilan ako ni Emilia.

"Señorita, pakiusap magpahinga muna po kayo,"pagmamakaawa niya. "Makakasama po sa inyo ang kulang sa pahinga sabi ng doktor," sabi niya sa akin.

Hindi na ako nagpumilit pa.

"Emilia? Kamusta si Gabriel?" Malungkot na naghihina kong tanong.

"Patawad po Señorita mukhang hindi na po ninyo makikita si Señor Gabriel kahit kailan," malungkot niyang tugon.

Parang ako nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya.

Anong ibig niyang sabihin na hindi ko na makikita si Gabriel?

Anong ibig niyang sabihin!

Pinilit kong umiling.

"Hindi. Hindi totoo yan. Sabihin mo sa akin na nagbibiro ka lang," pagmamakaawa ko sa kaniya na sabihin niya sa akin na nagbibiro lamang siya.

Umiling si Emilia habang umiiyak.

"Tama po ang narinig ninyo, Señorita. Hindi na po kayo muling magkikita pa," sabi niya sa akin.

Naiyak ako.

Hindi ito maaari.

"Tatlong araw na po ang nakakaraan noong akala namin ay nabawian na po kayo ng buhay," panimula niya. "Araw-araw ay nagpupunta po rito si Señor Gabriel upang bisitahin po kayo dahil lahat po kami ay umaasa na gigising pa po kayo ngunit kanina lang ay sumuko na kaming lahat dahil sabi ng doktor ay hindi na po kayo talagang humihinga," pahayag niya na punong puno ng lungkot.

"Ang buong akala namin ay patay na po kayo. Ngayon ay inibigay ko na po ang sulat ninyo para kay Señor Gabriel bilang iyong huling kahilingan," sabi niya pa sa akin.

"Kung nagising po kayo kaagad sa mga nagdaang araw kailangan lamang ninyo po magpahinga at manunumbalik ang inyong lakas," sabi niya sa akin.

"Hindi na ako lalakas Emilia. Wala na si Gabriel. Wala na ang taong dahilan kung bakit ako nagbalik," humihikbi kong sabi.

Hindi ko masabi na nagkukunwari lamang kami ni Gabriel noong mga panahon na iyon.

"Señorita. Alam ko na po ang lahat," sabi niya sa akin.

Nagulat ako sa kaniyang sinabi. Hindi ko alam kung paano magre-react sa sinabi niyang alam na niya ang lahat.

Anong ibig niyang sabihin. Paano niya nalaman ang lahat? Anong naging reaksyon nila mama at papa?

Sa Pangalawang PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon