Kabanata 46

105 6 2
                                    

Ngayon na wala na si Gabriel. Unti-unti ko nang sinasanay ang aking sarili.

Alam kong hindi na siya babalik at alam kong hindi ko na siya makikita kahit kailan.

Nag-aayos ako ng aking sarili ngayon.

Sinusuklay ko ang mahaba kong buhok na tulala sa salamin.

Inapdu ko nalang ito dahil baka maalala ko pa ang scenario na kung saan nais kong asarin si Gabriel pero hindi siya naasar.

Nang matapos na ako. Walang gana akong bumaba ng hagdan dahil alam kong hindi na siya ang makikita ko kung hindi si Miguel.

Ngayon bibigyan ko na nang pagkakataon si Miguel na patibukin ang puso kong nadurog dahil kay Gabriel.

Dahan-dahan lang akong bumababa ng hagdan.

Nakita ko na agad si Miguel na may hawak na kulay pulang mga rosas.

Huminga nalang ako nang malalim.

Siguro maganda na rin ito na start para limutin ko si Gabriel.

Nakangiti sa akin si Miguel.

Sinubukan kong ngumiti ngunit hindi ko kaya. Hindi ko magawa na ngitian siya. Hindi ko ba alam kung bakit. Basta ang alam ko hindi ko talaga kayang gawin.

"Magandang umaga Señorita Erenda," bati niya sa akin ng ubod ng saya.

Samantalang ako parang lantang gulay.

"Magandang umaga rin," walang gana kong bati.

Hindi pa rin nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi at iniabot sa akin ang pulang rosas.

Walang gana ko naman ito tinanggap.

"Marami akong plano para sa ating dalawa ngayon araw Señorita,"sabi niya sa akin.

Tumango nalang ako.

"Nasaan si Emilia?" Out of the topic na tanong ko.

"Ah! Nasa kusina naghuhugas bakit?" Tugon naman niya.

"Wala lang," sabi ko.

"Halika na at maramirami pa ang ating pupuntahan," sabi niya.

Tumango nalang ako at naglakad na kami palabas.

Nang makapunta kami sa destinasyon kung saan niya ako gustong ipasyal nagulat ako sa lungkot.

Dahil dinala niya ako sa lugar kung saan ako unang pinasyal ni Gabriel.

Ang hardin na mabulaklakin na hindi dalawin ng mga tao.

"Ang ganda dito diba?" Masaya niyang tanong.

Hindi nalang ako kumibo.

Sa sobrang pagkalungkot ko nabitawan ko ang rosas na binigay sa akin ni Miguel kanina.

"Gabriel..."bulong ko sa hangin.

Ramdam kong may namumuo nang mga luha sa aking mga mata.

"Erenda, ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Miguel.

Nang paglingon ko kay Miguel. Nakita ko ang mukha ni Gabriel.

Kumurap-kurap ako.

Nag-i-illusionate lang pala ako.

Wala nga pala si Gabriel.

"Erenda, ano ba ang bumabagabag sa isipan mo?" Nagtatakang tanong niya sa akin.

"Wala ito Miguel. Ayos lang ako,"pagsisinungaling ko.

Alam kong magagalit siya kapag sinabi ko si Gabriel ang iniisip ko.

Sa Pangalawang PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon