Kabanata 59

100 7 0
                                    

Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata.

Napakaganda ng aking panaginip kagabi.

Dahan-dahan akong bumangon. Napansin kong may nakalagay sa aking higaan.

Nanlaki ang aking mga mata.

Ito ang balabal na ibigay sa akin ni Gabriel.

Dinampot ko iyun.

Ibig sabihin hindi ako nananaginip?

Totoo ang nagyari kagabi?

Napatakip ako ng aking bibig.

Ibig sabihin nakipagkita ako sa lalaking hindi ko kasintahan at isang malaming kasalanan iyon. Ngunit hindi naman namin masisi ang aming mga sarili kung nagkita kaming dalawa.

Napasapo ako sa aking ulo.

"Ano ba naman kasi ang pumasok sa isip ninyong dalawa Erenda?" Tanong ko sa sarili ko.

Napansin kong kararating lamang ni Emilia.

"Señorita, ang aga naman niyo po yatang nagising," sabi niya.

Pumunta siya sa mga amparador at kumuha ng mga damit na aking isusuot sa araw na ito.

Bigla siyang napatingin sa balabal na aking hawak-hawak.

"Mukhang hindi po pamilyar sa akin ang balabal na iyan Señorita. Saan niyo po iyan galing? Sa pagkakaalam ko ay wala kayong ganyan na balabal dahil ayaw ninyo ng mga simpleng disenyo," nagtatakang sabi at pagtatanong niya sa akin.

Hindi ko alam kung aamin ako sa kaniya o magsisinungaling ako pero pinagkakatiwalaan ko naman si Emilia.

Huminga ako ng malalim at tumayo sa aking pagkakaupo. Lumapit ako sa kaniya at hawak-hawak pa rin ang aking balabal.

"Emilia, may kailangan kang malaman," sabi ko.

Nanlaki ang kaniyang mga mata at halatang kinalabahan.

"A-ano po iyon Señorita?" Kinakabahan at nauutal niyang tanong sa akin.

"Dumating kagabi si Señor Gabriel at lumabas kami ng hacienda," seryoso kong tugon.

Nanlaki ang kaniyang mga mata at napahawak sa kaniyang bibig.

"Nakipagkita po kayo sa taong hindi na ninyong kasintahan? Hindi po ba mali iyon?"

"Alam ko Emilia ngunit nagpaalam lamang kami sa isa't isa at wala nang ibang nagyari," depensa ko.

"Ngunit Señorita maling makita ka niyang nakapangtulog lalo na nakatakda na ikasal ka kay Señor Miguel," nalulungkot na sabi niya sa akin.

"Wala naman nagyari sa amin. Tsaka hindi siya mapagsamantala. Nakapikit si Gabriel nung makita niya akong nakaganito. Pinandala pa nga niya ako ng balabal at tsinelas,"pagtatanggol ko.

"Po? Anong ibig niyo pong sabihin? Talagang umalis kayo?" Hindi niya makapaniwalang tanong.

"Oo nga! Umalis nga kami," tugon ko naman.

Halatang hindi alam ni Emilia ang kaniyang gagawin o sasabihin.

"Paano po kapag nalaman ito ni Señor Miguel? Tiyak na magagalit iyon," natatakot na sabi niya sa akin.

Hinawakan ko ang kaniyang balikat.

"Emilia parang awa mo na huwag na huwag mong hayaan na malaman ito nila Mama, Papa at lalo na si Miguel, pakiusap," pakikiusap ko sa kaniya.

"Huwag po kayong mag-alala Señorita walang makakaalam na nakipagkita ka kay Señor Gabriel kagabi," tugon niya sa aking pakikiusap.

Ngumiti ako sa kaniya at niyakap siya.

Sa Pangalawang PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon