Kabanata 20

246 15 0
                                    

Matapos ang matinding away namin ni Gabriel ay ilang araw nanaman siyang hindi nagpakita sa akin. Sa susunod na buwan na ang aming kasal at hindi na ako nae-excite dahil kung ang mismong magiging asawa ko ay hindi magiging masaya na makasama ako.

Nakakalungkot isipin na sa haba na ng aming pinagsamahan biglang mag-novío sa kontrata ay wala pa rin siyang pakealam sa akin. Siguro ganon lang talaga siya. Masakit man pero yun ang katotohanan.

Walang gana kong sinusuklayan ang aking sarili. Buti nalang ay andito si Emilia para tulungan akong ayusin ko ang aking sarili.

"Señorita, ang aga-aga naman ang haba na ng iyong mukha," sabi niya.

"Para saan pa upang sumaya?" Bukod tangi kong tanong.

"Huwag na po ninyong gaano isipin si Señor Gabriel. Malay nyo po masama lang ang araw non kaya naging ganon siya kahapon," sabi niya para ma-cheer up ako.

Matapos niya akong ayusan lumabas na kami ng kwarto.

"Emilia, wala akong ganang kumain. Halika at dumiretsyo na tayo kila Aling Tesang," sabi ko.

"Sige po," sagot niya.

Lumabas na kami ng mansion at sumakay na sa karwahe. Ang lawak talaga ng hacienda namin.

Dahan-dahan akong sumadal sa bintana.

"Malungkot pa rin po kayo?" Tanong ni Emilia.

Hindi ako kumibo.

"Señorita, naaalala ko tuloy ang dating ikaw," sabi niya.

Sa kaniyang huling sinambit nakuha niya ang aking atensyon.

"Anong ibig mong sabihin Emilia?" Nagtatakang tanong ko.

Umiling lamang siya at hindi na nagsalita.

Mukhang may tinatago si Emilia sa akin ngunit ayaw ko nang alamin. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Gabriel sa akin.

"Mahirap ipaliwanag Erenda. Minsan mas maganda nang huwag nalang sagutin ang mga katangunan kaysa sa malaman dahil mas lalo ka lang masasaktan," sabi niya nang naluluha na rin, sabay tayo sa kinauupuan.

Naluluha nanaman tuloy ako. Hindi ko nanaman alam kung paano ko kakalimutan yun pero somewhat kasi may point siya eh. Totoo naman.

Napahinga nalang ako ng malalim.

Pagdating sa bayan ng San Pablo kaagad akong bumaba at dumeretsyo na sa patahian ni Aling Tesang. Hindi ko na hinintay si Emilia dahil nga malungkot ako pero nakasunod naman siya sa akin.

Pagdating sa patahian ni Aling Tesang nakita kong may costumer siya. Naupo nalang muna ako sa upuan.Pinagmasdan ko kung gaano ka-handy at hands-on sa kaniyang mga costumer. So far eto lang naman ako malungkot at nag-iisa. Ay wait hindi pala ako mag-isa hayst! Nako naman!

Hingal na hingal namang lumapit sa akin si Emilia.

"Señorita, kay bilis naman po pala ninyong maglakad," sabi niya habang hinihingal.

"Naku...Emilia pagpasensyahan mo na ako," sabi ko sa kaniya. "Talagang hindi lang maganda ang aking araw," dagdag ko.

Patango-tango nalang si Emilia. Napansin ko wala na ang costumer ni Aling Tesang.

"Hija, pasensya na ha kung medyo natagalan," paghingi niya ng paumahin.

"Ayos lang po iyon Aling Tesang," sabi ko naman.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at kinuha naman na ni Aling Tesang ang kaniyang kagamitan upang ako'y sukatan.

Habang sinusukatan niya ako siya ay nagkwekwento tungkol sa kaniyang kabataan. Nakikinig naman ako nang maayos at minsan natatawa ako sa kaniyang mga kinukwento.

Sa Pangalawang PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon