Kabanata 37

137 10 0
                                    

After nang mga pagyayaring yun. No sign na ako kay Gabriel at naging malungkutin na rin ako.

Ito ba ang iniiwasan ni Emilia na maranasan ko? Hindi ko naman nasasabing ulit dahil hindi ko naman naranasan ang sakit na naranasan ni Erenda noon.

Napahinga nalang ako ng malalim habang nakatingin sa tanawin ng aming hacienda. Andirito ako ngayon sa isang Veranda ng bahay. Nagkakape at kumakain ng pan de coco.

"Señorita, ayos lang po ba kayo?" Nag-aalalang tanong ni Emilia.

Umiling nalang ako.

Naupo siya sa may tapat kong silya.

"Señorita, ano po ba ang bumabagabag sa iyo?" Tanong niya.

Nahinga ako ng malalim.

"Marami Emilia. Napakarami," tanging tugon ko.

Natahimik nalang siya.

Marahan kong ipinikit ang aking mga mata.

"Walang hiya ka!" Pagsapal sa akin ni mama.

"Hindi mo alam kung ano ang iyong ginawa!" Galit na sabi niya sa akin.

Napahawak ako sa aking pisngi na kaniyang sinampal na napakalakas. Hindi na ako makaiyak sa sakit.

"Bakit mo sinira ang kasunduan na ikasal ka kay Miguel?!" Galit na tanong niya.

Sinubukan kong tumayo sa aking pagkakabagsak ngunit naghihina ako sa sobrang sakit ng sampal ni mama.

"Dahil ayaw ko sa kaniya!" Sigaw ko.

Napamulat kaagad ang aking mga mata.

Bakit nakita kong sinaktan ako ni mama na kahit kailan naman ay hindi naman niya ginawa sa akin iyon.

Napatingin ako kay Emilia na akmang kagagat na sa pan de coco.

"Emilia, nasaan sila Mama at Papa?" Nagtatakang tanong ko.

Syempre mahirap na baka anong magyaring hindi maganda.

Hayst. Okay pa sana kung alternate universe ang pinasok ko kaso hindi e. Buhay ko ang putragis na ito.

Napahawak ako sa aking ulo.

Kaagad akong hinawakan ni Emilia sa may kaliwa kong balikat.

"Señorita, sumasakit nanaman po ba ang inyong ulo?" Nag-aalalang tanong ni Emilia.

"Ah- wala lang ito," sabi ko nalang.

Umiling-iling si Emilia sa sinabi ko.

"Naku po Señorita. Lagi nalang po ninyong sinasabi iyan at sa kada sinasabi ninyo iyan ay nakakaramdam kayo ng malubhang karamdaman," sabi niya na nakapamewang pa.

Napangiti nalang ako.

"Bakit hindi nalang ikaw ang naging matalik na kaibigan ni Erenda?" Tanong ko.

Napakurap-kurap siya.

"Po?"

"Ang sabi ko bakit hindi kita naging kaibigan?" Sabi ko.

"Po? Hindi po ba magkaibigan na tayo?" Sabi niya habang natatawa.

Umiling ako at huminga ng malalim na may ngiti sa aking mga labi.

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Ang ibig kong sabihin bakit hindi IKAW ang best friend ko or matalik na kaibigan," pagpapaliwanag ko sa kaniya.

Bigla siyang natahimik at napayuko. Nagsimula na siyang laruin ang kaniyang mga daliri.

"Sa kadahilanan na mahirap lang ako at tanging tagasilbi mo lang po ako," sabi niya sa akin.

Nakaramdam ako ng lungkot. Ramdam ko sa puso ko na na-guilty ang tunay na Erenda.

Hinawakan ko ang kaniyang mga kamay.

"Patawarin mo ako sa mga ginawa ko noon sa iyo. Lalo na kung paano kita tratuhin," paghihingi ko ng tawag para kay Erenda.

Ngumiti siya sa akin ng napakapait.

Hinawakan niya ang aking kamay at tinapik-tapik ang mga iyon.

"Señorita, wala po kayong kasalanan. Kung wala po kayo, wala ako," sabi niya sa akin.

Ngayon ko lang na-realize kung gaano kaimportanteng character si Emilia sa new story ko dahil kung wala siya wala nang kasangga ang bida. At ang bidang yun ay ako.

"Tama na nga yan! Nagdradrama nanaman tayo," pagbibiro ko sabay halakhak ng tawa.

Natawa bigla sa akin si Emilia.

"Señorita, ngayon lamang po kita nakitang humalakhak," sabi niya habang tumatawa ng mahinhin.

Hay nako. Kung binata na si Laurenzo tiyak iibigin niya itong si Emilia.

Nahinga nalanga ko ng malalim.

"Pwede tayong mag-artista alam mo ba yun," sabi ko sabay tawa.

Napakunot ang kaniyang noo.

"Ano po ang artista?" Nagtatakang tanong niya.

Bakas sa kaniya mukhang ang pagakauhaw sa mga impormasyon at bagong kaalaman na alam ko.

"Yung mga umaarte sa teatro," sabi ko nalang.

Bakit ganon din naman yun ah.

"Ah... Aktress at aktor lamang po kasi ang alam kong tawag sa artista na iyong pong tinutukoy,"sabi niya sabay tawa ng mahinhin.

"Kamusta na kaya ang Señorito Laurenzo?" Biglaan niyang tanong.

Napatingin ako sa kaniya na ngayon na nakatingin sa kalangitan.

Mukhang malalim ang kaniyang iinisip para sa Señorito.

"Bakit? Miss mo na ba siya?" Tanong ko sa nag-aasar na tano habang nakangisi.

"Po? Hindi po," sabi niya.

Tinawanan ko siya.

"Huwag mong sabihin na napapaibig ka na sa binatilyong yun," sabi ko sa kaniya.

Bigla siyang nagtakip ng mukha.

"Hindi po! Maling mali na umibig sa isang tulad niya at isa pa ang bata-bata pa niya noh!" Depensa niya na ramdam ko na nagbla-blush na siya.

Natawa nalang ako ng mahinhin.

Aray nalang para sa kanila.

Kapag nagkagusto nga si Emilia kay Laurenzo at ganon din si Laurenzo sa kaniya tiyak na magkakaroon ng malaking gulo dahil hindi sila maaari.

Napahinga nalang ako ng malalim.

Buti nalang hindi na ako babalik sa dati kong buhay para at least kung magkagusto na nga ako ng tuluyan kay Gabriel eh hindi naman na ako gaanong masasaktan dahil alam kong hindi na ako mawawala.

Parehas na kami ngayon ni Emilia na nakatingin sa kalangitan.

Sa pinakaayaw ko pa naman ay pag-ibig.

Mahirap magmahal. Mahirap masaktan.

Pero ano ba ang magagawa ko? Iyon ang buhay.

Sa Pangalawang PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon