Kabanata 57

106 8 0
                                    

"Señorita! Señorita! Si Señor Cristobal nandiyan po sa may salas!" Sigaw ng isang cariada.

"Nasaan si Emilia?! Paalisin ninyo siya!" Naiirita kong utos.

Nakakainis napakaidiota ng mga taong indiyo na ito.

"O?! Bakit hindi pa kayo magsikilos?!" Naiinis kong tanong.

"Kasi po Señorita..."

"Ano nga?!"

"Hawak po ngayon ni Señor Cristobal si Emilia," takot na takot nilang sagot sa akin.

Nanlaki ang aking mga mata at napatayo sa aking pagkakaupo sa aking cama.

"¡No poder ser!" Napasigaw kong sabi.

Lumabas na ako ng aking silid at dali-dali akomg bumaba ng hagdan. Hindi ako masamang tao para hayaan ang aking doncella.

"CRISTOBAL BITAWAN MO SI EMILIA!!!" Galit na galit kong utos sa kaniya.

Nakita kong may hawak na patalim si Cristobal na nakatutok kay Emilia.

Lumuluha si Emilia ng sobra-sobra.

"ERENDA! HAHAHHA! NATATAKOT KA NA BA SA KUNG ANONG KAYA KONG GAWIN?!" Sigaw ni Cristobal sa akin.

"CRISTOBAL HUWAG MO SIYANG SASAKTAN KUNG HINDI MAPIPILITAN AKONG GAWIN ITO,"matapang na sabi ko sabay hablot ng baril na nakadikit sa may pader.

Nagulat ako hindi ko alam ang ginagawa ko.

"SIGE! IPUTOK MO! SIGE IPUTOK MOOO!!!"

*BANG!*

*Gasp*

Hinabol ko ang aking hininga. Panaginip lang pala. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Napansin kong madilim pa sa labas.

Siguro kailangan ko lang uminom ng tubig. Dinala ko ang lampara ko at bumaba mula sa pangalawang palapag. Humikab pa ako habang papasok sa kusina upang kumuha ng isang baso ng tubig.

Inilapag ko ang aking lampara sa may lamesa.

Kumuha ako ng baso at nagbuhos ng tubig.

Uminom na ako at nakahinga na ako ng maluwag kahit paano.

"Pssst!" Rinig ko pagtawag ng isang boses.

Napalingon ako sa buong paligid ko.

Ako lang naman mag-isa bakit magpumapwasit sa akin?

May multo ba dito?

"Erenda!" Rinig ko na pagtawag sa akin.

Natakot na ako.

Napahawak ako sa may lababo.

"Sino nandyan? Magpakita ka!" Nagtatapang-tapangan kong sabi.

May nakita akong lumalabas na isang tao sa may madilim na sulok.

"Ahhh-"

May nagtakip ng aking bibig. Napupumiglas ako hagang sa maanigan ko sa liwanag kung sino ang nagtakip ng aking bibig.

Gabriel?!

Dahan-dahan niyang tinaggal ang kaniyang kamay  sa aking bibig at umiwas ng tingin.

"Ehem!"

"Aba! Lakas ng loob mong maghimasok tapos-"

"Yung kasuotan mo," sabi niya nang hindi makatingin sa akin.

Napatingin ako sa aking sarili.

Nakapangtulog pala ako. Nalimutan ko na sa panahon na ito ay hindi kaayaaya ang ganitong asal.

Sa Pangalawang PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon