Kinuwento ko na kilala mama at papa ang buong pagyayari sa nasaksihan ko kung paano namatay si Gabriel. Hindi rin sila makapaniwala at nalungkot din sa aking kinuwento.
Isang linggo na ang nakakaraan matapos ang pagyayaring iyon. Dahil sa pagyayaring iyon ay hindi na napag-usapan ang kasal namin ni Miguel.
Sa kadahilanan na wala akong gana na pag-usapan pa dahil wala naman na ang lalaking tunay na tinitibok nang aking puso.
Ngunit hindi naman ako dramatic na to the max dahil ikakasal pa rin ako Miguel. Gagawin ko lamang iyon para sa ngalan ng aming pamilya at hindi dahil mahal ko siya or ano.
malungkot lang akong nagkukulong sa aking kwarto.
Nakatingin sa bintana at inaasahan na darating si Gabriel saka-sakali.
Iniisip ko paano kung hindi ako nakipaghiwalay sa kaniya hindi kaya magyayari ito?
Napahinga nalanga ko nang malalim. Yakap-yakap ko ang balabal na ibinigay niya sa akin noon.
Ito nalang ang natatangi kong memorya sa kaniya.
May kumatok sa aking pintuan.
"Bukas ang pinto! Maaari kang pumasok," malakas kong sabi.
Hindi ko lang pinansin kung sino ang pumasok dahil busy akong tumingin sa labas.
Baka si Emilia lamang iyon.
Dali-dali akong humarap at nagulat ako kung sino ang bumungad sa akin.
"Ramira anong ginagawa mo rito?" Nagtatakang tanong ko.
Nanlilisik ang mga mata niya sa akin. Ngunit hindi siya nag-iisa. May mga kasama siyang guardia civil.
Napatayo ako.
"Anong ibig sabihin nito?!" Matapang kong tanong.
"Inaaresto ka namin dahil sa salang pagpatay kay Gonzalo Raúl Gabriel Amador," tugon ng isa sa mga guardia civil.
"Pinatay? Inaaresto? Tama ba ang mga naririnig ko?" Pangungupirma ko.
"Ganon na nga kung kaya sumama ka na sa amin," sabi niya.
Napatingin ako kay Ramira na ngayon na umiiyak na kuno.
"Siya ang nagpapatay sa aking pinakamamahal na kasintahan! Arestuhin nyo na siya!" Sigaw ni Ramira.
Lumapit sa akin ang dalawang guardia civil at hinawakan ako sa magkabila kong balikat at hinawakan din nila ako sa aking braso nang napakahigpit na para hindi ako makatakas.
"Teka! Wala akong kinalaman sa pagkamatay ni Gabriel! Hinding hindi ko iyon magagawa!" Depensa ko habang nagpupumiglas.
Nabitawan ko tuloy ang balabal na tanging memorya na lamang sa akin ni Gabriel.
"Ang dami mong satsat!" Sabi ng isa sa kanila at sinikmuraan ako.
Kinalakad na nila ako palabas nang aking silid. Nang makarating kami sa unang palapag nakita kong nakaluhod sila mama, papa at Emilia.
Hindi! Hindi ito maaari!
"Bitawan ninyo ako!" Pagpupumilit ko.
"Bitawan ninyo ako sabi!"
"Tumahimik ka!" Sinikmuraan nila ako muli.
"Anak!" Sigaw ni mama.
"Señorita!" Pagtawag sa akin ni Emilia habang umiiyak.
Napasuka ako ng dugo ngunit wala pa ring pakealam ang mga taong 'to.
Mga hayup sila!
Nagpumiglas pa rin ako nang pilit at hanggang sa hinapas na ako ng baril.
BINABASA MO ANG
Sa Pangalawang Pagkakataon
Historical FictionMinsan ka na bang nasaktan ng taong hindi mo inaasahang iyong mamahalin? Nabuo na ba ang mga katanungan na "Bakit" sa iyong isipan kung bakit hindi ikaw ang kaniyang pinili? Pinangakuan ka na rin ba niya pero sa huli nabali rin ang kaniyang salita. ...