Hindi ko akalain na masasaksihan ko ang pagyayaring ito. Hindi ko aakalain na magkakawatak ang magulang ni Erenda.
"Sino ang anak mo sa labas?!" Galit na tanong ni mama.
"Si...si Emilia," nangingiyak na sambit ni papa.
Napaluha ako. Napatingin ako kay Emilia. Nais ko siya ikamuhian.
Hindi! Hindi totoo ito!
Lumapit ako kila mama at papa.
"Anong ibig sabihin ng lahat ng narinig ko?" Tanong ko kay papa.
"Mayroon kang kapatid Erenda at iyon ay si Emilia," nangingiyak na sagot niya.
Umiling-iling ako. Ayaw kong paniwalaan ang sinasabi niya. Hindi totoo ito.
Napatingin ako kay mama na ngayon ay gulat na gulat.
"Ano? Ang... Ang babaeng sumubaybay sa anak natin ang anak mo sa labas?" Hindi makapaniwalang sabi ni mama.
Kahit din ako ay hindi makapaniwala. Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin.
Hindi totoo ang mga nagyayaring ito hindi ba?
Tumango lamang si papa sa tanong ni mama.
Malakas na sinapal siya ni mama.
"HAYOP KA! NAKAKADIRI KA!" Sigaw ni mama habang lumuluha.
"Alejandra, pakiusap hayaan mo muna akong magpaliwanag," pagsusumamo ni papa.
Mariin na umiling si mama.
"Wala ka nang kailangan pang ipaliwanag,"naghihinagpis na sabi ni mama.
Lumapit siya kay Emilia.
"Pinagkatiwalaan kita Emilia. Itinuring kita kapamilya ngunit hindi ko alam na ang maharot ming INA ang mang-aakit sa aking asawa. Ngayon ay hindi na ako magtataka kung bakit ka dinala rito sa pamamahay namin ni Reinaldo," naghihinagpis na sabi ni mama. Tumingin pa ng huling beses si mama kay papa at tsaka umakyat sa pangalawang palapag.Hinarap ko si Emilia.
"Akala ko iyon lamang ang mga kasalanan mo. Hindi ko alam na pati ito ay kasalanan mo. Sana maging masaya ka... Emilia," huling sabi ko sabay layo sa kaniya.
Umalis muna ako sa loob ng bahay. Ayaw ko na makasaksi pa ng kahit anong kaguluhan dito sa pamamahay na ito.
Nang ako'y makalabas na ng aming hacienda ay nakasalubong ko si Gabriel.
"Anong ginagawa mo rito?" Malamig kong tanong.
"Ako nga ang magtatanong niyan. Anong ginagawa mo sa labas ng inyong hacienda?" Nagtatakang tanong niya sa akin.
"Wala ka na roon. Wala naman may pakialam kung bakit ako nasa labas," nanginginig kong sabi.
Nais kong umiyak.
"Anong nagyari Erenda?" Tanong niya.
"Salamat sa iyong pagmamalasakit ngunit hindi ko sasagutin ang katanungan mo," diretsyo kong sagot.
Aalis na sana ako ng bigla niya akong hilain.
"Alam kong may nagyaring hindi maganda Erenda kung kaya sabihin mo na sa akin nang sa ganon ay mabawasan ang sakit na iyong nadarama," sabi niya na may pag-aalala.
"Salamat sa iyong pag-aalala ngunit hindi mo na ako malilinlang Gabriel. Sa tingin mo ba matapos ng iyong mga nagawa sa akin ay paniniwalaan pa kita?" Mataray kong sabi.
"Erenda, nagbago ka na. Noon kahit magpakita ako sa iyo ng mga ganong bagay kahit tratuhin kita ng ganon hindi mo ako ginanyan," seryosong sabi niya.
BINABASA MO ANG
Sa Pangalawang Pagkakataon
Ficção HistóricaMinsan ka na bang nasaktan ng taong hindi mo inaasahang iyong mamahalin? Nabuo na ba ang mga katanungan na "Bakit" sa iyong isipan kung bakit hindi ikaw ang kaniyang pinili? Pinangakuan ka na rin ba niya pero sa huli nabali rin ang kaniyang salita. ...