Kabanata 53

107 7 1
                                    

"Erenda, bakit ba minsan nananahimik ka nalang?" Tanong ni Gabriel.

"Mahirap ipaliwanag. Kasi minsan mas mabuti nang huwag aminin ang nararamdaman," tanging sagot ko.

Matagal-tagal na rin ako sa hacienda Collins siguro panahon na para umuwi sa aming tahanan.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako dito sa sofá.

Haysss....

Napansin ko si Amilia na naghahanda ng aking almusal sa salas.

"Amilia, bakit nag-abala ka pa. Hindi na ako mag-uumagahan," matamlay kong sabi.

"Po? Ngunit makakasama po iyan sa inyong kalusugan," nag-aalalang sabi niya.

"Huwag mo na akong alalahanin dahil aalis na naman na ako ngayon," sabi ko nalang.

Bumakas sa kaniyang mukha ang pagkalungkot at pagkagulat.

"Aalis na po kayo?" Malungkot niyang pag-ulit.

Tumango nalanga ko.

"Hindi ako nararapat dito. Tsaka tiyak na hinahanap na ako nila mama at papa," malungkot kong tugon.

Dahan-dahan naupo si Amilia sa isang upuan.

Napakalungkot ng kaniyang mukha.

Humarap siya sa akin at ngumiti.

"Hindi po namin kayo malilimutan Señorita," mapait niyang sabi.

Ngumiti rin ako nang may pait sa aking mga labi.

"Halika na po at ihahatid na po namin kayo," pag-aya niya.

Tumango nalang ako bilang tugon.

Habang nasa byahe napansin ko na mahaba-haba rin pala ang lalakbayin namin. Mga tatlong oras na kami nagbyabyahe papunta sa bayan ng San Pablo.

Naalala ko ang sabi sa akin dati ni Emilia na ang hacienda Collins ay malayo sa San Pablo.

Nakarating na nga kami sa San Isidro.

Matapos ang isang pang oras sa wakas ay nakarating na rin kami sa bayan ng San Pablo. Ngayon makakauwi na ako ng maayos.

Dahan-dahan akong bumaba sa karwahe.

"Maraming salamat Amilia," pamamaalam ko.

Ngumiti siya sa akin. "Maraming salamat din po Señorita Erenda," malugod niyang sabi.

Ngumiti nalang ako at kumaway na nang paalam.

Pinag masdan ko lamang kung paano siya umalis.

Hindi sa kalayuan may narinig akong isang pamilyar na boses.

"Naku, amigo sigurado ka na ba?"

"Hindi ko alam sa totoo lang."

"Hahhaha nakakatawa ka talaga."

Tama! Pamilyar nga sa akin ang boses na iyon.

Hindi kaya si Gabriel iyon.

Lumingon ako kung nasaan ang mga nag-uusap.

Sa aking paglingon nakita ko na ang matagal ko nang nais na makita.

Si Gabriel.

Nagbalik na si Gabriel.

Nakita kong lahat sila ay nagtatawanan.

Hindi ko namalayan na tumulo na ang aking mga luha sa aking magkabilang pisngi.

Napatingin sa akin si Gabriel at unti-unting nawala ang kaniyang ngiti at napalitan ito ng pagdadalamhati.

Napansin siya nang kasama niyang lalaki at napatingin din sa akin.

Sa Pangalawang PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon