New day nanaman.
Pagbangon ko bumungad sa akin ang nakahandang damit na susuotin ko. Emerald green. Nice ang ganda rin palang mamili nang damit ni Erenda.
Nagmadali na akong maligo kasi excited na akong suotin ang new outfit ko for the day. May paganon pa akong nalalaman lel.
Nang matapos akong maligo. Nagmadali na akong isuot ang aking damit na Emerald Green ang kulay. Ang ganda talaga nang kulay.
Napagdisisyunan kong hindi ko nalang i-updo ang buhok ko para maiba naman yung style. Yung ala Remedios ang hairstyle yung tipong nasa balconahe siya tas si Goyo nasa baba. Yung hairstyle niyang yun, ganon ang ginawa ko.
Bumagay naman sa akin. Makulot nang kautin ang buhok ko pero matuwid pa rin? Basta mahirap i-explain.
Hindi na ako maglalagay nang kung-ano-ano maliban sa chocker. Para feel ko presence nang past at kunwari nagco-cosplaying lang ako.
Tumayo na ako at lumabas nang aking kwarto.
Same as usual tahimik at walang salitaan kaming nag-umagahan. At dahil sanay na ang lahat na tumutulong ako sa gawaing bahay hindi na sila nagtataka nor nagpupumilit na sila na ang gumawa ng ginagawa ko.
Nandito nanaman ako sa kusina at kasama si Emilia habang nagbabasa ako ng libro.
"Señorita? Bakit dito po kayo nagbabasa ng libro? Eh mayroon naman po libraria sa bahay," sabi ni Emilia.
"Tamad na akong pumanik, kwarto ko nga kinatatamaran kong panikin, libraria pa kaya?" Pamimilosopo ko.
Tumango-tango na lamang siya.
"Nga pala pang gawa mo akong ng tea!" Utos ko with a beautiful smile.
Bumabakas nanaman sa kaniyang mukha ang pagkalito.
"Sabi ko pagtimpla mo akong kape," walang ganang sabi ko.
#nabadmood
"Ano po ba ang iyong binabasa at bakit tutok na tutok po kayo riyan," tanong ni Emilia.
"Ah... 'Te Amo Todo Mí Corazon' ang aking binabasa," sagot ko naman.
Tumango-tango naman siya.
"Mga ilang kabanata po ang meron diyan?" Tanong niya.
"Hagang animnapu't lima?" Sagot ko.
Nanlaki naman ang kaniyang mga mata. "Grabe naman po kayo Señorita," nasabi nalang niya.
Bigla tuloy ako natawa.
"Huwag ka mas bet ko pa rin ang 'I Love you Since 1892' ni BinibiningMia at ang 'El Hombre et El Letrato' ni Binibing Lightstarblue," share ko lang.
Halatang wala siya naintindihan.
"Señorita, hindi po ako gaanong karunong sa wikang Inglés at wikang Español," sabi niya.
Ay oo nga pala ilang araw na niya ako nakakasama so yeah sanay na siya sa akin. Nice.
"Okay lang yan. No need. At isa pa kung nais mong mapag-aralan. Punta kang Estados Unidos," sabi ko nalang.
Nang-aasar yata ako eh.
So ayun natawa nalang siya.
"Eto na po Señorita. Tapos na po ang iyong kape," sabi niya sa akin.
Inabot niya sa akin ang tasa na may laman na mainit at masarap na kape.
Binitawan ko muna ang libro ko sa mahabang lamesa at hihigop na sana ako ng kape kaso biglang tinawag ako nang isang criada na may bisita raw ako.
BINABASA MO ANG
Sa Pangalawang Pagkakataon
Historical FictionMinsan ka na bang nasaktan ng taong hindi mo inaasahang iyong mamahalin? Nabuo na ba ang mga katanungan na "Bakit" sa iyong isipan kung bakit hindi ikaw ang kaniyang pinili? Pinangakuan ka na rin ba niya pero sa huli nabali rin ang kaniyang salita. ...