Naiiyak nanaman tuloy ako pero nagulat ako nang may narinig akong isang malakas na putok ng baril.
"Gabriel!" Napasigaw kong sabi.
Dali-dali ako ulit lumabas at kumaripas nang takbo papunta sa tulay. Naririnig ko ang pagtawag sa akin ni Emilia ngunit hindi ko siya pinansin.
Sa pagdating ko sa kaninang pwesto ko. Nanlaki ang aking mga mata sa aking nakita. Naglambot ako sa aking nasaksihan.
Nakahandusay sa sahig si Gabriel sa sahig na duguan at wala si Ramira sa kaniyang tabi.
Hindi ito maaari.
Hindi pwedeng mamatay si Gabriel.
Humanap ako nang daan pababa. At sa awa naman ng Panginoon nakahanap ako ng daanan.
Kumaripas akong ng takbo pababa ng tulay at tumakbo sa piling niya.
Hinagkan ko siya sa aking mga bisig.
"Gabriel!" Sigaw ko.
Dahan-dahan niyang minulat ang kaniyang mga mata.
"Gabriel naririnig mo ba ako?!" Tanong ko.
"Gabriel huwag kang bibitaw!" Pagmamakaawa ko habang humahangulngol nang iyak.
Dahan-dahan niyang hinaplos ang aking mukha na may dugo.
"Erenda," huling niyang sinabi bago niya ipikit ang kaniyang mga mata.
Hindi! HINDI!!! HINDI GABRIEL HINDI!
"GABRIEL! GABRIEL! GABRIEL HUWAG MO AKONG IWAN!" Hungungol ko habang yakap-yakap siya sa aking mga bisig.
Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Emilia.
Umiiyak din ngayon si Emilia.
"Gabriel... Gabriel..." Paulit-ulit kong pagtawag sa kaniya.
Idinikit ko ang noo ko sa kaniyang noo.
"Gabriel, pakiusap..."
"TULONG! TULUNGAN MO PA KAMI!" Malakas na sigaw ni Emilia.
"TULONG ! TULONGAN NIYO PO KAMIII!" Malakas na pag-ulit niya.
Hindi nagtagal may mga kalalakihan na tumatakbo papunta sa amin.
Binuhat nila si Gabriel sa kanilang bisig at inalayo na sa akin.
Naiwan ako sa gitna na nangungilila sa kaniya at nasasaktan.
Hindi ko siya masundan dahil hindi maaari.
Hindi ko alam kung sa mga susunod na umagaw ay makikita ko pa siya. Kung andyan pa siya. Kung siya pa rin ang makikita ko sa mga araw nagigising ako kahit na sa malayo lang.
Napahawak ako sa aking puso.
Hindi ko kayang ganito ang mga pangyayaring ito.
Hindi ko alam kung bakit kailangan magyari ito sa akin o sa kaniya man.
O Gabriel! Aking irog! Bakit mo ako iniwan?
"Señorita, halika na po," umiiyak na sabi ni Emilia habang inaalalayan ako patayo.
Wala na akong nagawa kung hindi tumayo sa aking pagkakaupo.
Unakayat na kami muli at bumalik na sa loob ng karwahe. Pinagpatuloy na namin ang aming byahe patungon sa daungan ng mga barko.
Wala na. Wala nang saysay ang buhay na ito dahil wala na si Gabriel. Magmukha man akong cliché tulad ng ibang babae pero wala na akong pake. Ganito ang nagyayari sa mga tao kapag nagmamahal ng lubos.
Isa itong malaking pagsisi.
Makalipas ang isang oras nakarating na rin kami.
Tulala lang ako. Wala nga akong gana na umalis sa loob ng karwahe dahil para saan pa?
Ano babati ako ng wala sa mood? Magagalit lng sila mama at papa kapag nagyari iyon.
"Señorita? Hindi ka po ba bababa?"
Napatingin ako kay Emilia na ngayon ay nasa labas na ng karwahe.
"Hindi ko alam Emilia. Hindi ko alam," tanging sagot ko na walang gana.
"Señorita, kailangan niyo pong batiin ang inying mga magulang. Masakit man ang pagkawala ni Señor Gabriel ngunit kailangan magpatuloy ang iyong buhay," sabi niya.
"Huwag kang magsalita nang ganyan!" Pagsuway ko. "Hindi pa patay si Gabriel," dagdag ko pa. "Kakayanin niya iyon. Lalaba siya para sa akin."
Napahinga nalang nang malalim si Emilia.
Ganon din ako.
Wala na akong magagawa mukhang hindi naman aalis si Emilia kung hindi ako bababa dito sa karwaheng ito.
Bumaba na ako nang naglalambot.
Hindi ko pa rin tanggap. Ayos na sa akin na maikasal siya kay Ramira huwag lamang siya mamatay.
"Emilia, ano na ang gagawin ko?" Wala sa sarili kong tanong.
"Hindi ko rin po alam," malungkot na tugon niya.
Naanigan na namin sila mama at papa. Ang ganda ng ngiti sa akin ni mama habang si papa ay wala lang.
"Anak!" Sabi ni mama sabay yakap sa akin.
Hindi ako yumakap pabalik. Humiwalay na siya sa akin.
"Kamusta ka na?" Maligaya niyang tanong.
Hindi lamang ako nagsasalita.
Biglang napalitan ng pagtataka ang mukha ni mama.
"Bakit may pahid ka ng dugo sa iyong mukha?" Nagtatakang tanong niya.
Hindi pa rin ako sumasagot.
"Erenda?" Pagtawag niya sa akin.
Hindi gising ang aking konsensya. Wala. Patay lamang ito.
Wala akong masabi. Ano ang aking sasabihin.
Ano?
Basta nalang akong umiyak at niyakap ang aking mama. Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin o kung paano ko ipapaliwanag.
"Emilia? Anong nagyari?" Tanong ni mama na nag-aalala na.
Hindi rin makakibo si Emilia.
Pinatahan nalang ako ni mama.
Gabriel nawa ay makita pa kita.
BINABASA MO ANG
Sa Pangalawang Pagkakataon
Historical FictionMinsan ka na bang nasaktan ng taong hindi mo inaasahang iyong mamahalin? Nabuo na ba ang mga katanungan na "Bakit" sa iyong isipan kung bakit hindi ikaw ang kaniyang pinili? Pinangakuan ka na rin ba niya pero sa huli nabali rin ang kaniyang salita. ...