Kabanata 47

99 7 1
                                    

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa mga susunod na mga salitang maririnig ko.

Hindi ko rin alam kung anong magyayari pagkatapos nang mga iyon.

Huminga muna ng malalim si Emilia ng malalim.

"May kinalaman po si Señor Reinaldo kung bakit umalis si Señor Gabriel. Lalo na po sa kasunduang ikakasal po kayo kay Señor Miguel," malungkot niyang sabi.

"Si Señor Reinaldo po ang may gusto na maikasal po kayo kay Señor Miguel at hindi kay Señor Gabriel," paliwanag niya.

Ano?!

Si papa? Bakit niya ito nagawa sa akin.

"Sa katunayan po niyan si Señora Alejandra, ang iyong mama at si Señora Beatriz ang nagkasundo na maikasal kayo ni Señor Gabriel," sabi niya.

"Teka lang. Ano ba ang nagyayari?" Naguguluhan kong tanong.

"Matagal na po dapat na itinakdang ikasal kayo ni Señor Gabriel ngunit tutol si Señor Reinaldo sa kagustuhan ng iyong Mama," malungkot niyang saad.

Napaupo ako sa may silya sa tabi ko.

Parang bumigay ang buong katawan ko sa mga narinig ko.

Hindi ko akalain na ganito ang kahihinatnan ng lahat.

Hindi ko akalain na nakatadhana sa akin si Gabriel una palang.

Kay rami kong hindi akalain.

Ngayon na wala na siya. Ngayon na hindi ko na siya makikita.

Wala na magyayari.

Wala na.

Dahil tinapos na naming dalawa.

Napasapo ako sa aking noo.

"Anong ginawa ko?" Bulong ko sa aking sarili.

Ramdam kong nagsisimula nanamang mamuo ang aking mga luha.

Gusto ko nanaman umiyak. Umiyak dahil pinalaya ko ang taong dapat ay akin.

"Señorita, kinalulungkot ko po ang nagyari sa inyo ni Señor Gabriel," malungkot niyang sabi.

Tumingin ako kay Emilia na ngayon ay nakayuko sa labis na pagdadalamhati para sa akin.

"Wala kang dapat ikalungkot dahil... Dahil dapat iyon ang magyari," pagsisinungaling ko.

Kahit gaano kong kagusto na ipagtanggol ang pag-ibig ko kay Gabriel ay hindi naman maaari.

Hindi kami pwede.

Malungkot akong tumayo sa aking kinauupuan.

"Wala bang liham na ipinadala sa iyo si Lauren?" Tanong ko nalang para maiba na ang topic.

"Wala po Señorita,"malungkot niyang tugon.

Tumango-tango nalang ako.

"Nais ko munang mapag-isa," malungkot kong pakiusap.

"Masusunod po."

Malungkot na lumabas si Emilia sa aking silid.

Ngayon ako nalang mag-isa sa kwarto ko.

Hindi ko akalain na ganito pala kalungkot ang buhay ni Erenda pero paano naman niya kinakayanan na manatiling masaya?

Napahinga nalang ako ng malalim.

May napansin akong isang sobre sa study table ko.

Isang kulay puting sobre.

Dinampot ko ito at binuksan ng dahan-dahan.

Walang pangalan ang nakalagay sa likod kaya nakakapagtaka kung para kanino ito.

Nang aking basahin. Biglang naluha ang aking mga mata.

Hunyo 26, 1777

Mahal kong Erenda,

Hindi ko alam kung kailan ka magigising o kung gigising ka pa. Malungkot kong nais mo mabatid na kahit tayo'y nagkukunwari lamang hindi ko na maiwasan na mag-alala sa iyo ng tunay na walang halong pagpapanggap. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Patawarin mo ako kung hindi ko mapaliwanag ang lahat sa iyo ng maayos. Nangako ako sa iyo noon na hindi ka na mag-iisa. Nangako ako sa iyo na hindi ka na malulungkot o iiyak ngunit siguro yun ay isang pangakong hindi ko kayang tuparin. Erenda kay rami ko nais marinig mula sa iyo kay rami klng nais sabihin sa iyo ngunit hindi maaari. Gusto ko man sagutin ang mga tanong mo, tanong ng puso mo ngunit hindi ko kaya. Ngunit tatandaan mo na mananatili ka sa aking puso.

Hanggang sa muli,

Gbariel.

Iyun na yata ang pinakamasakit na nabasa ko sa buong tanang ng buhay ko. Ang liham ng taong mahal mo sa iyo na namamaalam na dahil kahit kailan ay hindi na kayo magkikita pa.

Hindi ko namalayan
Naglalaro nalang pala tayo
Akala ko'y ipaglalaban
Ako lang din pala ang matatalo

Masakit pero tapos na. Kung kailan wala na siya huli ko na nabasa ang liham niya.

Kung kailan andyan ako wala siya.

Kami'y magkasalungat. Ganon din ang daan ng aming mga puso sa isa't isa.

Kung andyan siya wala ako.

'Di na ba sapat?
Hindi ba ako sapat?

Mananatili bang
Langit lupa ang pagitan
Nating dalawa
Wala na ba akong pag-asa?

Na muli kang mahagkan
Parang araw at buwan
Kahit isang saglit man lamang
Mananatili bang langit at lupa?

Ako'y hindi makawala sa yakap mong sumusuko
Bakit 'di makawala?
Ano pa bang magagawa kung ang pag-ibig ay naglalaho

'Di pa ba sapat?
(Di pa ba sapat?)
Hindi ba ako sapat?
(Hindi pa ba?)

Mananatili bang
Langit lupa ang pagitan
Nating dalawa
Wala na ba akong pag-asa?

Na muli kang mahagkan
Parang araw at buwan
Kahit isang saglit man lamang
Mananatili bang langit at lupa?

Patawad na kung aalis
Hindi ko na pipilitin patagpuin 'di na maaari
'Di lahat ng sugatan tama ang pinaglaban
Paalam na

Paalam na dahil...

Mananatili nang
Langit lupa ang pagitan
Nating dalawa
Natuyo na ang pag-asa

Na muli kang mahagkan
Parang araw at buwan
Kahit na isang saglit lang wala na
Mananatili na langit at lupa

Song: Langit at Lupa by Moira Dela Torre ft. Inigo Pascual.

Sa Pangalawang PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon