Pilit akong pinapatahan ni Iago sa labis na aking pagngungulila at paghihinagpis sa sobrang sakit na nararamdaman ko.
"Tahan na Señorita Erenda," malungkotnniyang sabi sa akin.
"Hindi lamang ako makapaniwala Iago. Hindi ko kayang tanggapin," umiiyak kong sabi.
"Siya lamang ang rason kung bakit ako nandito," dagdag ko pa.
"Señorita, alam ko kung gaano kasakit masaktan," biglaan niyang sabi.
Napatigil ako sa aking pag-iyak.
Nandito pa rin kami sa kinalulugaran namin.
"Dahil alam ko kung gaano kasakit ang magmahal nang isang tao na hindi mo pwedeng mahalin," malungkot niyang sabi sa akin.
Parang pinana ang aking puso.
Gusto kong sumuntok sa pader kaso wag nalang sayang ang maganda kong mga kamay.
"Anong ibig mong sabihin Señor?" Nagtatakang tanong ko.
"Dahil umibig ako sa isang dukha,"malungkot niyang sabi. "Mahirap maging buena familia. Kung maaari ko lamang ipagpalit ang aking buhay sa iba para makapiling ko siya ay labis akong papayag," paliwanag niya sa akin ng malinaw.
"Sino ang iyong tinutukoy Señor?"
Napahinga siya nang malalim.
"Walang iba Erenda. Walang iba kung hindi si Emilia na iyong doncella," malungkot niyang sabi.
Naalala ko tuloy ang sinabi sa akin ni Emilia about sa pag-ibig niya kay Iago na hindi maaari at alam daw niyang hinding hindi siya nito magugustuhan ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana at hindi nalaman ni Emilia ang totoo, at iyon ay may pagtingin si Iago sa kaniya.
Napahinga nalang ako nang malaim.
"Sadyang mapaglaro ang tadhana Señor Iago," malungkot kong sabi sa kaniya habang nakatingin sa tala.
Ang daming makikinang na bituin ngayon. Naalala ko tuloy ang huling pagkikita namin ni Gabriel.
"Siyang totoo,"pagsang-ayon niya sa akin.
"Ang dami kong nais balikan ngunit anong magyayari kung mababago ko ang nakaraan?" Tanong ko. "Paano kung una palang ay hindi na ako umibig kay Gabriel ano kaya ang buhay niya ngayon?"
"Tiyak na may pamilya na siya at hindi ka niya nakilala at ganon din ako," tugon niya.
"Ano ang ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ko.
"Nakilala lamang kita dahil lagi kang kinukwento ni Gabriel," sabi ni Iago.
"Sa katunayan nga nyan pinilit ko lamang siya na ikwento niya sa akin ang binibining humahanga sa kanya ngunit ayaw niya hanggang sa napapayag ko siya," tugon niya.
"Bakit mo naman iyon ginawa?" Nagtatakang tanong ko ulit.
"Dahil hindi ko na siya maintindihan. Napansin ko na kada magkakatinginan kayo ay umiiwas siya," sabi niya sa akin.
Ibig sabihin iniwasan ni Gabriel si Erenda?
"Ngunit bakit?" Nagtatakang tanong ko.
"Dahil natatakot siya muling umibig pa," diretsyong sabi niya.
At that moment my heart sink.
Hindi ako ang first love niya.
"Ngunit kung sino man iyon ay hindi ako tulad ng babaeng iyon," sabi ko.
"Malayong malayo kayo sa isa't isa Señorita Erenda," sabi niya.
Nagtaka tuloy ako bigla.
"Ano ang pinagkaibahan namin?"
BINABASA MO ANG
Sa Pangalawang Pagkakataon
Historical FictionMinsan ka na bang nasaktan ng taong hindi mo inaasahang iyong mamahalin? Nabuo na ba ang mga katanungan na "Bakit" sa iyong isipan kung bakit hindi ikaw ang kaniyang pinili? Pinangakuan ka na rin ba niya pero sa huli nabali rin ang kaniyang salita. ...