Hindi ako tinigilan na kulitin ni Miguel na magkabalikan kami ngunit hindi pa rin ako pumayag. Ayaw ko nga no.
Mas gusto kong makitang patunayan sa akin ni Gabriel na gusto nga niyang bawiin ang aking mga kamay sa kasal.
Paano nga kung tunay na ang kaniyang sinasabi ano naman ang gagawin ko?
Nakakalumbaba ako ngayon sa durungawan ng aking bintana.
Bakit ba ang lalim ng iniisip ko.
Hayst.
"Gusto mo bang ipasyal kita sa buong lugar ng San Pablo?" Tanong niya.
Ay naku po!
"Ah- wag-"
"Hindi na kailangan Señor Miguel," sabi ng isang pamilyar na boses.
Nagulat ako bigla.
Gabriel?
Napalingo kaming dalawa sa pinagmulan ng boses na iyon.
"Gabriel? Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya.
"Señor Miguel, dapat nga ako ang magtanong nyan," pagbalik na sabi ni Gabriel.
"Gabriel, ano ba ang ginagawa mo?" Bulong ko sa kaniya.
Hindi naman ako sinagot ni Gabriel.
"Erenda, kilala mo ba itong si Señor Gabriel?" Tanong ni Miguel.
"Ah! Oo naman! Kung hindi mo lang naman mamarapatin siya ay aking novío," proud kong sabi sabay yakap sa bisig ni Gabriel.
Nagulat si Miguel.
"H-hindi ko alam na kayo na pala," malungkot na sabi ni Miguel.
Nagulat si Gabriel sa aking ginawa at napatingin siya sa akin. Nagkabangga ang aming mga paningin.
"Ah- Oo nga pala malapit na ang aming kasal," sabi ni Gabriel na seryoso ang kaniyang mukha.
Lalong nagulat si Miguel sa sinabi ni Gabriel.
"Paumahin Señor ngunit kailangan pa namin umalis ng aking novía," sabi ni Gabriel.
Tumango nalang si Miguel at naglakad na kami palayo ni Gabriel.
"Anong ginagawa mo rito ng mag-isa?" Tanong ni Gabriel.
"Wala lang," sabi ko naman.
"Hayst! Dapat nagpasama ka may Emilia paano kung-"
"Señor! Tama ba ang naririnig ko? Nag-aalala ka sa akin?" Pabiro kong sabi sa kaniya.
"Psh! Hindi ah," sabi niya.
Nginisihan ko siya.
"Anong nginingisi mo diyan?" Tanong niya.
Natawa ako ng marahan. Napansin kong iniwas na ni Gabriel ang kaniyang tingin.
"Ay naku, si Señor Gabriel umiiwas dahil kinikilig," pag-aasar ko sa kaniya.
Napansin kong biglang namula ang kaniyang tenga at pisngi.
Napatulala tuloy ako bigla.
I never espect that he will blush.
Bigla tuloy uminit ang puso ko. Hindi ko alam pero ang tindi ng timbok ng puso ko.
Napatigil kami sa isang stand store na may maraming bulaklak.
Humiwalay muna ako kay Gabriel para ire-cover ang nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Sa Pangalawang Pagkakataon
Historical FictionMinsan ka na bang nasaktan ng taong hindi mo inaasahang iyong mamahalin? Nabuo na ba ang mga katanungan na "Bakit" sa iyong isipan kung bakit hindi ikaw ang kaniyang pinili? Pinangakuan ka na rin ba niya pero sa huli nabali rin ang kaniyang salita. ...