Nais ko nang patawarin si Gabriel. Hinihintay ko na siya ngayon sa salas. Ayaw ko magmukhang napakasama ko at hindi kayang magpatawad sa simpleng nagawa niya. Sana'y mapatawad ako ni Gabriel.
Maintim ko siyang hinihintay sa salas. Naaawa pa rin ako kay Emilia. Wala naman kasi talagang sinabi sa akin si mama para sumunod ako.
Nagtodo effort na ako ngayon. Inayusan ko ang buhok ko at sarili ko para kapag nakita niya ako eh hindi na kami fight-mood na kun'di sa peace-mood na.
Hinihintay ko pa rin si Gabriel. Kung ako naman ang aasang darating siya... It would be an honor to wait for him because the truth I'm the one who started it.
Hindi rin nagtagal mayroon biglang pumasok.
Laking tuwa ko kung sino yun.
Gabriel.
Napatayo ako at napangiti sa tuwa.
Nagulat siya nang makita ako at napangiti rin.
Pero eto ang mas kinagulat ko nang...
"Magandang umaga aking Señorita Erenda."
...Batiin niya ako.
Kahit na lahat nang ito ay acting lang at least magkaayos kami sa tunay.
"Magandang umaga rin....Gabriel," balik kong bati sa kaniya na may ngiting hindi ko na mapepeke.
Nagulat ako nang biglang kinuha niya ang aking kamay at hinalikan ito.
Nakakaiyak at nakakalungkot dahil hindi ito totoo.
Naging maayos na kami ni Gabriel at lumalabas na kami nang mas madalas.
Nagyon idadala niya ako sa kanilang hacienda. Mukhang magiging maganda ang buhay ko kasama siya.
Nagbihis ako nang bogang-boga at tinulungan ako ni Emilia para roon. Ngayon ko lang muli nakasama si Emilia dahil sa parusa sa kaniya ni mama.
"Tiyak na mahuhumalig sa inyo si Señor Gabriel," komplimentaryo niya.
"Iyon ay ikakagalak ko nang lubos," sabi ko.
Hindi ko naman hate si Gabriel pero medyo noong humpisa kasi ang seryoso at sungit niya.
Parang si Filip. Ay hindi. Malayo siya kay Filip.
Inihatid na ako ni Emilia sa labas at nandoon na si Gabriel. Hinihintay ako.
"Magpakasaya po kayo ni Señor Gabriel, Señorita," sabi ni Emilia.
Tumango lang ako at bumaba na nang hagdan.
Pagbaba ko inalalayan ako ni Gabriel pumasok sa karwahe.
Sa biyahe ay hindi na kami gaanong katahimik tulad nang dati.
"Ang daldal mo pala, Señor" pabiro kong sabi.
Natawa na siya.
"Señorita, hindi ako nag-iisa...o 'di kaya naiinis ka na dahil nalamangan kita," pag-aasar niya sabay tawa.
Tumawa ako sa asar niya.
"Paumanhin Señor," natatawang sabi ko.
"Tama ang aking kapatid na si Laurenzo. Napakamabuti mong tao," sabi niya.
Nagulat ako nang marinig ko ang ngalan ni Laurenzo.
Nami-miss ko na ang batang yun.
"At napakamabuting bata rin nang iyong kapatid....Señor Gabriel," sabi ko naman.
Ngumiti lang siya sa akin at ganon din ako. Na-realize nalang namin na mukha kaming mga tanga.
Hindi rin nagtagal nakarating na kami sa kanilang hacienda.
Ang hacienda nang mga Amador.
Kay lawak at kay ganda nang kanilang hacienda.
"Ang ganda nang iyong tahanan Señor," komplimento ko sa kanilang tahanan.
"Dito tayo maninirahan kapag tayo'y naikasal na...Erenda," sabi niya.
Napatingin ako bigla sa kaniya.
"Ibig sabihin hindi ka tututol sa ating kasal?" Tanong ko.
"Hindi," sagot niya na may ngiti sa kaniyang labi.
Napangiti ako sa sinabi niya. Alam kong mabilis pero mukhang napapaibig na niya ako.
"Halika na?" Alok niya sabay lahad nang kaniyang palad.
Tinanggap ko ito at tumango.
Magkahawak kamay kaming pumasok sa kanilang mansion.
Nang makapasok kami. Mainit akong tinanggap nila Don Enrique Amador at Doña Beatriz Campos sa kanilang tahanan.
"Maligayang pagdating,hija," pagbati ni Doña Beatriz.
Masama man ang first encounter namin pero mabait pa rin siya sa akin.
Habang nagkwekwentuhan kaming apat biglang may tumawag sa akin.
"Señorita Erenda!" Maligayang pagtawag nito.
Nag aking lingunin. Nakita kong si Laurenzo pala ang tumawag sa akin.
Kumapripas siya nang tabok papunta sa akin at niyakap ako nang mahigpit.
"Maligaya akong napabisita kayo!" Sambit niya.
Hinaplos ko ang buhok niya. "Pinapasyal lang ako ng iyong kuya," sabi ko sabay tingin kay Gabriel.
Ang haba nang naging araw namin. Ikinuwento rin niya sa akin ang family history nila at ang mga ninuno nila. Ang dami ko ring natutunan sa kaniya. Kung ano ang mga hilig niya at kung ano talaga siya.
Siya pala ang tipo nang tao na parang ako na naghahangad nang katahimikan at hindi gulo. Tiyak sa oras na maikasal kami ay tatahimik ang lahat. Nandirito kami ngayon sa mga painting portraits sa kanila. Siyempre patingin-tingin ako habang yung jowa kong ala history prof. na si Gabriel ay discuss nang dicuss so hinahayaan ko lang siya. Hanggang sa may kumuha sa aking atensyon na isang painting portrait.
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Nais kong gisingin ang sarili ko pero mukhang wala na akong magagawa. Naguguluhan ang isip ko.
Bigla akong napahakbang palayo. Tinignan ko si Gabriel na patuloy pa rin nagsasalita. Paglingon ko sa gilid ko may nakita akong painting nang isang dalagita at dalagito. Hula ko si Gabriel ito ngunit sino ang babae. Malabong ako ito e 'di hamak na mas maganda ako sa kaniya.
Okay so I think this isn't a good Idea after all. Nakakaloka na ang mga painting na ito. Pinapasakit nila ang ulo ko.
Napabalik muli ang aking atensyon sa painting na kinagulatan ko.
Hindi ko inaasahan na mapapansin ako ni Gabriel.
"Kanina ka pa pala nakatingin sa larawan na iyan," nakangiting sabi niya.
Napatango nalang ako.
"Kilala mo ba siya?" Tanong niya sa akin,
"H-hindi," pagsisinungaling ko.
Kailangan ko itong gawain para makumpirma ko.
Tumawa muna siya bago magsalita. "Siya si Lauren Collins. Ang sayang na babae," sabi niya.
So siya nga.
"Bakit may larawan niya kayo? At bakit mo nasabing sayang siya?" Nagtatakang tanong ko.
Bigla siyang nalungkot.
Nawala ang mga ngiti sa kaniyang mukha at napalitan nang dalumhati.
Bakit kaya siya nagdadalumhati?
"Siguro, dapat mo na rin malaman ang pag-iibigan nila," sabi niya.
"Pag-iibigan nina nino?" Tanong ko na walang kaalam-alam.
"Nila Lauren Collins at Francois Julian Vedal,"
"Fra-Francois? Collins?"
"Sila ang tunay na nag-iibigan sa likod nang magandang painting na iyan," sabi niya.
Ano daw?
Nag-iibigan? Since when?
BINABASA MO ANG
Sa Pangalawang Pagkakataon
Fiksi SejarahMinsan ka na bang nasaktan ng taong hindi mo inaasahang iyong mamahalin? Nabuo na ba ang mga katanungan na "Bakit" sa iyong isipan kung bakit hindi ikaw ang kaniyang pinili? Pinangakuan ka na rin ba niya pero sa huli nabali rin ang kaniyang salita. ...