Kabanata 4

603 32 0
                                    

"Maliagayang pagbabalik....mama...at...papa," pagbati ko with matching pilit smile.

Napatingin naman ang mama ko raw kay Laurenzo.

"Mukhang may bisita pala tayo," malamig na sabi niya.

Mas malamig pa sa aircon at convo ng mga hopeless romatic ang boses niya.

"Mama, siya po'y aking tinulungan dahil natagpuan naman siyang nakakaawa at napakarungis," pagpapaliwanag ko.

Tinignan ako ng aking mama.

Beast mood ata si mader.

"At sinong may sabing tumulong ka?" Malamig na tanong naman niya.

"Wala. Ngunit hindi ba halata isa siyang minor de edad kung kaya kailangan ay tulungan ko siya," depensa ko.

Hindi naman na nakipagtalo ang maderski ko sa halip nag-walkout siya. Mah gale qiqil nya ako.

Huminga nalamang ako nang malalim at hindi makapaniwala na ganong ang kaniyang asal.

Nilapitan naman ako ng papa ko raw.

"Pagpasensyahan mo na hija. Pagod lang ang iyong ina kung kaya nagsusungit siya,"pagpapaumanhin niya.

Tinanguan ko lamang ang aking papa at tsaka na siya umalis.

Umupo muli ako sa aking kinauupuan at naghingi ng pagpaumanhin kay Laurenzo. Hindi rin nagtagal inutusan kong ihatid na agad ni Emilia si Laurenzo sa kaniyang silid at baka anong eksena pa ang maganap at masaksihan ng bata.

Kinabukasan. Malungkot akong gumising sapagkat hindi ko feel na belong ako sa family na eto. Pero.... At least andyan si Emilia para maging happy and satisfied ako.

Walang gana akong tumayo sa aking higaan. Hindi kalaunan ay na karinig ako nang katok sa aking pintuan.

"Pasok!" Sabi ko.

Pumusok ang kumatok. Si Emilia. Thank goodness.

"Señorita, maaari ko ba kayong tulungan?" Tanong niya.

Natawa na lamang ako.

"Psh! Wag na. Hindi ba sabi ko sa iyo nagkaroon ng milagro so thats means that I can do it all by myself," mayabang na sabi ko.

Ang yabang ko syems. Tas syempre kinahiya ko ang inakto ko.

"Joke lang. Maaari mo ba akong tulungan sa pampaligo ko," sabi ko nalang.

Tumango siya na may ngiti sa kaniyang mga labi. Psh! Weird.

Binuksan ko ang amparador ko at tinignan kung ano ang maiisusuot ko ngayon.

"Señorita, nakahanda na po ang susuotin niyo sa araw na ito," sabi ni Emilia.

So ibig sabihin ala buhay princessa ganon? May dress for the day.

Wow nakalagay pa sa mannequin. Ganon pa man di kagandahan ang mannequin pero okay lang. Understandable naman.

Baro't saya na kulay azul. Tapos may pañuelong kulay navy blue. May mga anking desenyo kung kaya mamasabing pang-buena familia nga ang ganitong kadamitan.

Teka wala nang tapis? Hinanap ko yung tapis eme kaso wala talaga. So I guess eto na yun. No choice.

Matapos akong maligo. Isinuot ko na ang mga damit na nakahanda para sa akin. Inayusan ang aking sarili pero para mas mabilis tinulungan na ako ni Emilia. Nakalugay ako na parang hindi kasi may ipit ako sa likod ng aking ulo.

"Kay gandang panyeta" narinig kong komplimento ni Emilia.

So siguro half pony tail to na mas marami ang nakalugay? Thank goodness mah hair is makapal na maganda.

Sa Pangalawang PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon