Kabanata 15

324 18 0
                                    

Araw-araw ay ginagambala ako ni Cristobal. Minsan ay nagkakasabay pa sila ni Gabriel. Ganon pa rin naman ang pakikitungo ko sa lalaking yun. Cold as usual. Ayaw ko siyang pansinin kahit na ba siya ay kababata ko sabi niya.

Masaya na ako sa kasintahan ko na sa kontrata lang, na si Gabriel.

Kahit na alam kong wala kaming nararamdaman para sa isa't isa ay masaya na ako. Kahit na minsan cold siya tapos minsan ay hindi. On and off ba. Pero, sino ba naman ako para maging sweet siya sa akin. Eh... Kundi nga lang sa arrange eme na yan ay hindi kami magkakalapit. So yah. Sapat na sa akin ang ganito.

Hindi ko naman siguro ikakamatay diba?

Nakatulala ngayon ako sa box na luma na bago na hindi ko maintindihan, kung saan andirito lahat ang mga liham nila Eleanor at Lauren. Hanggang ngayon hindi ko pa rin kilala si Eleanor kung ano ang related niya kay Lauren. Hays....

Ang dami ko bang hindi nababasa.

Mabuti pang magbasa-basa muna ako nang mga ilan habang hinihintay si Gabriel.

Binuksan ko na ang box at nagbasa.

"July 11, 1776

I don't know why this is happening to me but then I'm fine with it even though it's kinda weird ,and also very unbelievable. If ever I'll tell this from my dad and mom they'll surely won't believe me. Although it's weird that my parents in this era thinks that I lost my mind. Well who knew? Maybe I already do.

Eleanor"

"July 24, 1776

What a surprised! I'll own a huge sum of wealth if I married Mr. Vincent Cornell. I would be delighted.

Eleanor "

Whut? new Character.

Kaloka naman eto.

"July 25, 1776

It's been a while since I left again. I missed this aura. Although that I had fun in other time. I'm still not satisfied. Why? There's things I need to avoid, there's a dream I need to understand, and there's secrets to find out. Should I be happy? Should I be feel satisfied that I still not found out what's truth?

Lauren, "

Naloka lang ako sa nabasa ko pagdating kay Lauren. Anong secrets? Dream? At to avoid???

My mission siya?

Biglang may kumatok sa pinto. Matapos non ay pumasok na kung sino man ang kumatok.

....si Emilia lang pala....

"Emilia, andiyan na ba si Gabriel?" Kaagad kong tanong.

"Opo. Andiyan na po si Señor Gabriel," sabi niya. Bigla siyang napatingin sa box. "Mukhang nagbasa-basa po kayo nang iilan," sabi niya.

"Ah! Oo," sagot ko naman." O siya! Pupuntahan ko na si Gabriel. Ikaw na ang bahala sa kahon," pamamaalam ko.

Tumango lang ito.

Nang makarating sa salas nakita kong may dalang bulaklak si Gabriel. Isang puting rosas.

Nagulat ako bigla roon.

"Ah...S-señor? Para saan iyan?" Nauutal na tanong ko.

Napatingin siya sa hawak niya.

"Para sa iyo,"matuwid na sagot niya, sabay abot sa akin.

Tinanggap ko naman ito.

Nalimutan tuloy namin mag-good morning.

"Salamat sa rosas...Señor,"

"Walang....anuman,"

Grabe naiilang yata kami sa isa't isa.

"T-tara na?"

Tumango lang siya at humayo na kami.

Nang makarating kami sa aming paparoonan. Nagulat ako sa ganda nang lugar.

Isang malawak na damuhan na may magandang view nang dagat.

"Ang ganda hindi ba?" Tanong niya.

"Oo."

Napangiti ako sa sobrang ganda at napatingin sa kaniya.

"Ngunit hindi ito sing ganda mo... Erenda," masuyong sabi niya.

Nagulat ako bigla.

"A-ano?"

Bigla siyang natauhan at nag-ala cold eme.

"Namali ka lang nang rinig," sabi niya.

Siguro nga.

Inenjoy nalang namin yung view.

"Gabriel?"

"Bakit?"

"Ano tayo?" Tanong ko na nakatingin lang nang diretsyo sa kawalan.

Wala akong narinig na sagot mula kay Gabriel.

Kinalungkot ko iyon.

"Erenda?"

"Bakit?" Tanong ko sabay tingin sa kaniya.

"Ano ako para sa iyo?" Tanong niya habang dahan-dahang tumingin sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

"Ganiyan ako. Hindi alam kung anong isasagot kung ano tayo,"biglaan niyang sambit. "Wala lang tayo. Iyon siguro," sabi niya nang malinaw sabay iwas nang tingin.

Nasaktan ako sa aking narinig. Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin o kung paano ako aasta.

Tumango-tango nalang ako na sinusubukang hindi ipahalata ang aking lungkot.

Buong araw ay tahimik ang bumingi sa amin. Nakapagitan lang ito nang parang matigas na pader na hindi mababali. Siguro ay nagkamali ako na magiging masaya at masigla ang aming magiging pagsasama pero yun pala ay hindi.

Nang dumatal ang dilim sa langit.

Malungkot akong nahiga sa aking higaan. Sumilip sa aking kwarto si Emilia na bakas sa harap nang kaniyang pagmumukha ang lungkot.

"Emilia? Bakit ka malungkot?" Tanong ko.

"Dahil malungkot po kayo binibini," sagot niya.

Napangiti akong may halong lungkot.

"Emilia? Bakit kaya ganon si Gabriel? Bakit bigla nalang siya sasagot nang 'wala'?" Malungkot kong tanong.

Nilapitan ako ni Emilia.

"Señorita, huwag niyo na pong isipin iyon," sabi niya.

Napahinga nalang ako nang malalim.

Nakakapagod din ah.

Pinaabot ko nalang kay Emilia ang box.

Naupo ako at nagbasa nalang muli nang mga liham.

"July 31, 1776

This is the day I won't forget. The day where I thought I succeed in my first mission that I should avoid Julio Vedal. But it turns. The fate played me and it's still where the first time I and him met in my last life. I know it sound impossible but Madam Elena said that, I died because of him. She only says for I asked. As Eleanor.

Lauren, "

Parang gusto kong maglaho dahil sa nabasa ko. Hihimatayin ata ako. Hindi ko maintindihan anong kalokohan o kaguluhan ito. Nais ko yatang masiraan nang ulo.

Paanong hindi? Kung biglang malalaman ko na si Lauren ay nagtanong kay Madam Elena(raw) as her na Eleanor? Teka anong tinanong niya? Naguguluhan pa rin ako.

Uso na ba ang story eme noong panahon este ngayon?( since life ko na ang old ages). Mukhang marami pa akong dapat kalikutin hanggang sa dulo patungkol kay Lauren Collins.

Mahihirapan nga lang ako dahil sa sobrang dami. Paano na kaya ako neto?

Mukhang ako naman yata ang magiging Lauren Collins the second.

Sa Pangalawang PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon