Yung mga nakasalubong namin ni Iago kagabi ang nagbabantay sa akin.
Binbigyan nila ako ng pagkain na pang preso.
"Patawad kapatid kung nagagawa namin sa iyo," sabi ng isa sa kanila.
"Ayos lang sakin iyon," maunawain kong sabi. "Ano pala ang inyong mga pangalan," tanong ko.
"Ako si Rodrigo at siya namin si Basilyo," sabi ni Rodrigo.
"Maraming salamat, Rogrido at Basilyo. Hulog kayo sa akin ng langit kahit paano," sabi ko sa kanila.
"Paano ka naman napunta rito?" Nagtatakang tanong sa akin ni Basilyo.
"Inaakusahan akong pinatay ang aking pinakamamahal na lalaki," malungkot kong tugon.
"Nga pala may nagpapabigay sa iyo na liham," sabi ni Rodrigo at inabutan ako nang dalawang liham.
Inabot ko naman ito at nagpasalamat sa kanila. Matapos nilang iabot sa akin ang mga liham ay humayo na sila.
Binuksan ko ang unang sobre at binasa ito.
Mahal naming Señorita Erenda,
Señorita, kamusta na po kayo diyan sa bilangguan? Señorita labis-labis ang iyak ng iyong ina at ang iba pang mga cariada at trabahador dito sa ating hacienda kahit din po ako ay labis na nagungulila na rin sa inyo. Kayo lamang po ang nag-iisang pamilya at kaibigan ko tapos ihihiwalay pa po kayo sa akin ni tadhana. Señorita, naninibugho ang pamilya Amador sa sinapit ninyo ni Señor Gabriel. Señorita, humahanap na po kami nang paraan upang ipawalang sala ang iyong kaso.
Labis na nangugulila,
Emilia.Naiyak ako sa sulat sa akin ni Emilia.
Ang dami naman palang nagmamahal kay Erenda ngunit bakit ninais niyang bawian nang buhay?
Nalungkot nalang ako lalo sa mga nabasa ko.
Naluha na pala ako nang hindi ko namamalayan.
Binuksan ko naman ang pangalawang sobre at binasa rin ito.
Mahal kong Erenda,
Erenda nabatid ko ang nagyari sa iyo. Parang dinurog ang aking puso nang malaman kong inakusahan ka ni Ramira sa hindi mo naman ginawa.
Ipagpatawad mo ang aking mga pagkukulang bilang iyong novío ngunit huwag kang mag-alala lalaya ka rin diyan sa bilangguan.
Humahalik sa iyong kamay,
Miguel.Naluha rin ako sa sinabi ni Miguel. Kahit na cold ako sa kaniya ay concern siya sa akin.
Hindi ko akalain na susulat siya at hahanap din siya ng paraan upang makalaya ako.
"May bista ka!" Malakas na sabi ni Rodrigo.
Kaagad kong pinunasan ang aking mga luha.
Nang iangat ko ang aking mga paningin nanlaki ang aking mga mata. Naiyak ako. Napakaimposibleng magyari ngunit...ngunit andito siya.
"Gabriel," mahina kong bigkas.
Napaluhod siya sa harap ng aking selda.
"Erenda."
Naiiyak si Gabriel.
Hindi ako makakurap sa nakikita ko ngayon. Totoo bang buhay pa siya.
"G-gabriel?" Naiiyak kong sabi.
Unti-unti akong lumapit sa aking mga rehas.
Ngumiti siya sa akin ng napakapait na tila ba ang bigat-bigat na ng sakit na kaniyang nararamdaman sa kaniya puso.
BINABASA MO ANG
Sa Pangalawang Pagkakataon
Historical FictionMinsan ka na bang nasaktan ng taong hindi mo inaasahang iyong mamahalin? Nabuo na ba ang mga katanungan na "Bakit" sa iyong isipan kung bakit hindi ikaw ang kaniyang pinili? Pinangakuan ka na rin ba niya pero sa huli nabali rin ang kaniyang salita. ...