Kabanata 51

108 7 0
                                    


"Kailangan niyo pong iligtas si Señorita Lauren. Si Señorita Lauren Eleanor," malungkot niyang pagkikiusap.

At that moment my heart stops for a second trying to digest everything I heard.

Gusto kong mawala sa mundo ng saglit.

Si Lauren at Eleanor ay iisa?

Hindi ako makapaniwala. Impossible iyon hindi ba?

Teka. Wait a sec. Nothing is impossible in this world.

Ibig bang sabihin nag-time travel si Lauren? Pero saan?

"Kailangan niyo pong iligtas siya dahil nalalapit na po ang Hulyo," mas lalo siyang nagmamakaawa sa akin.

"Ano bang meron?" Natatakot kong tanong. "Anong meron sa Hulyo?"

Huminga muli siya nang malalim at binitawan na ang aking kamay.

"Señorita... Nais ko pong basahin niyo po ito," sabi niya sabay abot sa akin ng isang liham.

Nanginginig kong inabot ang liham.

Dahan-dahan ko itong binuksan.

Binasa ko ito nang buong takot.

June 1,1777

My dear Erenda,

My dear friend I dare you to help me. Its for our sake but before I tell you want is the problem I need to confront you. Erenda from the moment you wrote back to my letter I knew it was not you. You are not the Erenda that I know. That's why I'm writing this letter in my own language. I know that you can understand English but the Erenda I know doesn't know how to speak and she is not interested to learn my language by the way. You may be at Erenda's body and your name will be also hers but I know your true colours inside. There's a bright light that no one can break that because you are an optimistic person but the Erenda I know wasn't because of an heart break when she was still young. I'm asking for your help because my fate will come. I know how I will die. I know how my story will flow, and so as yours. Erenda this is your second life. This is the life you wish you had. You wish that Gabriel won't leave you and he didn't. Gabriel was always remember you and never forget you. Gabriel is there to save your destiny. He need to act cold because he doesn't want you to die. You are destined to die again Erenda, like me. Gabriel doesn't know who you are because you are developing the real Erenda but I,  I know who you are. Erenda I want also to bid you goodbye because in the last day of the July I'll die just to save Francois Julian the future of Julio Vedal, the love of my life. I need to sacrifice my life so that him and Delilah will be together. Elanor and I is one. Eleanor is my future self and I know when I died I will forget Julio or Francois Julian and everything about my travel. Erenda help me to prevent your death that is why I'm speaking for your help.

Your deariest friend,

Lauren Eleanor Collins.

Naluha ang aking mga mata sa mga babasa ko. Unting unti gumuho ang aking mundo.

Hindi ko akalain na sa July 31 mamatay na si Lauren at hindi ko akalain na si Eleanor at Lauren ay iisa lamang.

Kaya pala nakikiusap siya sa akin dahil para rin pala sa akin. Nais niya akong mabuhay ng masaya ngunit paano ko gagawin yun kung si Gabriel na mismo ang lumayo at ako'y nanatili.

Napahangulngol ako ng iyak sa labis na sakit ng aking nadarama.

Hindi alam ni Erenda kung gaano nangungulila si Gabriel sa kabiyang piling at hindi ko alam na nakatadhana na, na maging ako si Erenda upang itama at bigyan ng pagkakataon ang aking puso na maging masaya.

Niyakap ako ni Amilia.

Hindi ko namalayan na sa sobrang sakit nang nararamdaman ko napaluhod na pala ako sa sahig.

Ang sakit ng damdamin ko.

Hindi ko mapaliwanag. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko o kung ano ang sasabihin ko.

Hindi ko alam kung susulat ako pabalik o hindi na.

Hindi ko na alam! Wala na akong magagawa! Kasalanan ko ito! Kasalanan ko ito!





Maimtim ko lang pinagmamasdan kung gaano sila kasaya. Siguro ito ang nakatadhana sa amin ni Filip. Hindi kami para sa isa't isa pero bakit ganon. Bakit kung hindi kami para sa isa't isa bakit pilit na pinagtatagpo kami ng tadhana.

Mahirap ang umasa. Bakit pa kasi ako umaasa na sasabihin din niya sa akin kung ano ang totoo. Bakit ba umaasa ako na magkakaroon pa ng kaligayahan ang puso ko.

Mas maganda nang magparaya kaysa sa maging sakim.

Ayaw ko na sa araw-araw na magkasama kami ay iba naman ang iniisip niya.

Mas mabuti na rin ito.

Ngunit sana sa pangalawang pagkakataon ay makapiling ko siya kahit sa isang saglit lamang.

Tumulo na ang mga luha sa aking mga mata. Pinunasan ko ito gamit ng aking palad at naglakad na papalayo.

Masakit ma para sa akin ngunit kung doon talaga siya sasaya magpaparaya na ako.

Paalam na Filip.










Dapat hindi na ako humuling. Dapat hindi na ako nagsalita.

Hindi ko akalain na si Gabriel ay si Filip.

Hindi ko akalain na si Erenda ay ako.

Labis akomg naninibugho.

Labis akong nasasaktan.

Labis akong nangungulila kagaya ni Erenda.

Ngunit parehas kaming walang magagawa.

Walang magagawa dahil tapos na.

Nagyari na ang dapat na magyari.

Nanalo na si Tadhana.

At natalo kami pareho ni Lauren.

Sa Pangalawang PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon