Nasa isang buhol kami. Maliliit lamang ang mga damo, may ligaw na mga bulaklak at may nagsisiliparan na mga alitaptap.
Ang ganda.
"Ang ganda rito Gabriel," komplimento ko.
"Dito nagsimula ang pangako at sana'y dito rin magwakas," wika niya.
Napatingin ako sa kaniya na nakatingin ngayon sa tanawin.
Hindi ko mawari kung ano ang nais niyang sabihin. Hindi ko nga rin alam kung ako'y kikiligin o ano.
"Dito tayo nagsumpaan na hinding hindi tayo iibig sa iba," masuyo niyang wika sa akin.
Dahan-dahan niyang binangga ang aking tingin sa kaniyang mga mata.
"Dito mo rin ako tinanong kung paano, kung ipakasal ako ng aking mga magulang sa isang dilag," patuloy niya.
"Dito yun Erenda. Dito nagyari ang lahat ng iyon," sabi niya.
Parang familiar. Parang napaginipan ko nga iyon. Nag-uusap sila Erenda at Gabriel noon dito. Natatakot si Erenda na mawala si Gabriel at maikasal sa iba.
Hindi ko akalain na magbabaliktanaw ako ng live.
Naupo si Gabriel sa damuhan at ganon din ako.
"Pagmasdan natin nang sabay ang tala, pagmasdan natin kung gaano ito kaganda,"sabi niya habang nakatingin sa kalangitan na punong puno nang bituin na kumikinang.
"Wala nang akong nais pagmasdan kung hindi ang iyong malamig na sarili, Gabriel," sabi ko.
Napatingin siya sa akin.
"Dahil alam ko pagtapos nito ay babalik tayo sa normal. Pagtapos nito mawawala ka na sa aking mga kamay at babalik sa kung saan nararapat," malungkot kong sabi.
"Ngunit huwag mong kakalimutan na tumingin sa kalangitan kapag nais mo akong makita, umaga man o gabi," dagdag ko pa.
"Erenda, nais mo ba akong mangako?"
Inabot ko ang kaniyang kamay.
"Gabriel, ayaw kong mangako ka dahil baka hindi mo ito magawa. Ayaw ko nang masaktan nang paulit-ulit," malungkot kong tugon.
Hinawakan niya ang aking kamay.
"Erenda, hindi kita bibiguin," masuyo niyang sabi.
Niyakap niya ako at yumakap ako pabalik.
Alam kong bukas pagsikat ng umaga ay wala na siya at babalik na sa piling ni Ramira.
Mukhang may affair kami dahil parehas na kaming may kasintahan ngunit ang puso namin ay nasa isa't isa pa rin.
Ngunit kailangan namin gawin ang nararapat.
Ooh, ooh, ooh, ooh
Ooh, ooh, ooh, oohFull moon, bedroom, stars in your eyes
Last night, the first time that I realized
The glow between us felt so right
We sat on the edge of the bed and you said
"I never knew that I could feel this way"
Love today can be so difficult
But what we have I know is different
'Cause when I'm with you the world stops turningCould I love you any more?
Could I love you any more?
Could I love you any more?"Gabriel, baka ito na ang huli nating pagkikita," malungkot kong sabi habang humihiwalay sa aming pagkakayakap.
"Mukhang ito na nga," malungkot niyang pagsang ayon.
"Mapapatawad mo ba ako kung hindi na natin matutupad ang mga pangako natin?" Tanong ko.
"Erenda, hindi kita kailangan patawarin sa halip ako ang dapat na humingin niyan,"malungkot niyang sabi.
Sunrise, time flies, feels like a dream
Being close, inhaling, hard to believe
Seven billion people in the world
Finding you is like a miracle
Only this wonder remains"Kung ganon ay napapatawad na kita. Malaya ka nang magpakasal kay Ramira Gabriel," mapait kong wika sa kaniya.
Could I love you any more?
Could I love you any more?
Could I love you any more?Softly, slowly
Love unfolding
Could this love be true?Napansin kong naluluha nanaman siya. Ngumiti siya nang ubod ng lungkot at hapdi.
"Erenda, alam kong matagal mo nang hinihintay itong sagot na ito kung kaya sasabihin ko na," naiiyak niyang sabi habang nakangiti.
Could I love you any more?
Could I love you any more?
Could I love you any more?Could I love you any more? (Question's rhetorical)
Could I love you any more? (Oh, this feels phenomenal)
Could I love you any more? (Love is all there is)"Mahal kita Erenda simula pa noong una."
Matapos niyang sabihin ang mga katagang yun parang nabuhayan ako. Parang nagkaroon muli ng liwanag sa madilim kong mundo.
Hindi ko na alam kung nananaginip ako or what.
Could I love you any more? (It's inexhaustible)
Could I love you any more? (Oh, love is unstoppable)
Could I love you any more? (Love is all there is)Ngumiti ako ng marahan. "Mahal din kita Gabriel at mamahalin kita hanggang dulo," sabi ko pabalik.
Ngumiti siya sa akin habang naiiyak.
Hindi ko namalayan na naluha na pala ako.
Masaya at malungkot ang nararamdaman ko ngayon. Masaya dahil nakuha ko na rin ang sagot pero malungkot dahil huling pagkikita na namin ito.
Hindi ko na naipatuloy ang nais na magyari sa amin ni Lauren.
Marahan niyang pinunasan ang aking mga luha.
"Huwag na huwag kang luluha sa araw nang iyong kasal Erenda. Panatag akong kay Miguel ka mapunta dahil alam kong hinding hindi ka niya papabayaan,"naiiyak niyang sabi.
"Ngunit ako hindi. Hindi ako panatag kay Ramira Gabriel," naiiyak kong sabi.
"Wala tayong magagawa. Buhay natin ang nakasaalalay dito," wika niya.
"Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ko.
"Napilitan lamang ako dahil kung hindi ako papayag na magpakasal ay idadamay nila ang buong pamilya mo,"malungkot niyang tugon.
Nalungkot ako bigla sa kaniyang mga sinabi.
"Akala ko ay kinalimutan mo na ang lahat kaya naging kayo na,"malungkot kong sabi.
"Hinding hindi. Tulad nang sabi ko sa iyo, sa'yo ko lamang nanaisin na maikasal," masuyo niyang sabi.
"Ganon din ako Gabriel."
Nagyakapan kami ulit pero ngayon ay mahipit na tulad na para bang wala nang bukas.
Softly, slowly
Love unfolding
(Could this love be true?)
Could this love be true?Could I love you any more?
Could I love you any more?
Could I love you any more?Song:Could I love you any more by Reneé Domingez ft. Janson Mraz
BINABASA MO ANG
Sa Pangalawang Pagkakataon
Historical FictionMinsan ka na bang nasaktan ng taong hindi mo inaasahang iyong mamahalin? Nabuo na ba ang mga katanungan na "Bakit" sa iyong isipan kung bakit hindi ikaw ang kaniyang pinili? Pinangakuan ka na rin ba niya pero sa huli nabali rin ang kaniyang salita. ...