"Señorita, napansin ko po na lagi na muling bumibisita si Señor Gabriel dito," sabi ni Emilia na may malawakan na ngiti sa kaniyang mga labi.
"Naku! Wala lang iyon no. Trip lang niya," sabi ko nalang, pinipigilan kong kiligin.
"Naku Señorita baka magkabalikan kayo niyan," sabi niya.
Natawa nalang ako.
Sana na nga. Sana nga totoo ang sinabi ni Emilia.
May 15 na pala. Ilang araw na rin pala ang lumipas nang mabaril ako sa araw na kasal namin ni Gabriel.
Nang dahil doon nasira ang uganayan namin ni Gabriel.
"Señorita, ang lalim nanaman yata ng iniisip mo," Nag-aalalang sabi niya.
"Huwag mo akong alalahanin. Wala lamang ito," sabi ko.
Tumango-tango lamang si Emilia.
"Emilia anong meron kay Ramira?" Tanong ko.
"Po?"
"Parang siyang sira-ulo na laging galit sa akin. Bipolar ba ang gaga na yun?" Naiirita kong sunod-sunod na tanong.
Umiling si Emilia.
"Si Señorita Ramira po ay anak nila Don Silvestre Carmona at ni Doña Maria Carmona," paliwanag niya. "Malapit po si Señorita Ramira sa mga magulang ni Señor Gabriel at sabay ng iba ay matalik na magkaibigan ang dalawa," sabi niya.
Nakaramdam ako ng selos.
"Matalik na magkaibigan? Hah!"
Biglang tumaray ang aura ko.
"Señorita, ipagpaumanhin mo po,"sabi niya.
"Wala kang dapat hingan ng paumanhin si Ramira dapat ang humingi niyan," mataray kong sabi.
Hindi ako makakapayag na lalong maggulo sa buhay ko si Ramira.
Habang pinakakalma ako ni Emilia may kumatok sa pintuan.
Nang papasukin ito ng cariada may nakita akong hindi ko kilalang binata.
"Sino ka?" Tanong ko.
"Señorita Erenda, ako si Luis ang panganay na anak nila Doña Beatriz at ni Don Enrique, ako ang kuya ni Gonzalo," pagpapakilala niya.
"Ano ang ginagawa mo rito?" Tanong ko.
"Pinapunta ako rito ng aming Mama upang kausapin ka," sabi niya.
Kausapin para saan?
"Nakikinig ako Señor," sabi ko.
"Nalaman nila Mama at Papa na nagpupunta rito ang aking kapatid at ika'y sinusuyo ngunit ang sabi mo naman ay hindi mo siya minahal kung kaya bakit pinapaasa mo pa siya kung alam mo naman na wala siyang pag-asa sa iyo?" Sabi niya sa akin na buong pagtataka.
"Kuya Luis. May nais akong aminin sa iyo. Hindi sa hindi ko minahal ang iyong kapatid ngunit-"
"Ngunit ano Señorita?"
"Siya ang walang pakiramdam sa akin," pag-amin ko.
"Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong niya.
"Hindi kami ang mga tulad ng ibang tao na kaagad mahuhulog sa isa't isa kuya sapagkat parehas bato ang aming mga damdamin," sabi ko pa.
Hindi man ako sigurado sa aking mga sinasabi ngunit iyon ang nararamdaman ko sa malamig na si Gabriel.
"Sa katunayan pa nga niyan ang lamig ng iyong kapatid na si Gabriel. Dinaig pa niya ang yelo sa Alaska," habol ko pa.
"Hindi totoo iyan Señorita," pagtanggi niya sabay iling.
"Ang aking kapatid ay may damdamin sa iyo ngunit hindi lang niya iyon maipakita dahil baka siya'y masaktan muli,"sabi niya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Sa loob na mga nagdaan na taon ngayon ko lang nakita na ngumiti muli ang aking kapatid na abot langit akala mo ba ay wala ng bukas kung makangiti, at alam kong ikaw ang dahilan ng lahat ng iyon," sabi niya.
"Paanong naging ako?" Nagtatakang tanong ko.
Labis na hindi ako makapaniwala sa kaniyang mga sinasabi sa akin.
"Señorita Erenda, kilala ko ang aking kapatid. Alam ko kung ano ang damdamin niya kahit na nahihiya siyang magbukas sa akin," tugon niya.
Napayuko nalang ako. Hindi ko alam kung paano magre-react.
"Nasasaiyo kung nais mong magpaligaw sa aking kapatid at bigyan ng pag-asa ang inyong mga puso," sabi niya.
"Señor, hindi ko matatanggap ang alok ninyo. Hindi ko kayang mahalin si Gabriel," pagsisinungaling ko.
Parang pinana ako nang kung ano sa sinabi ko.
Ang sakit sabihin pero ang hirap gawin.
"Hindi ko kayang makita na natatali lamang siya sa akin. Batid ko sa lahat ng iyong sinabi ay walang katunayan," sabi ko pa.
Napahinga nalang siya ng malalim.
"Hindi ako magtitiwala sa kung anong sabi-sabi hanggang hindi mismo naggagaling sa kaniya, paumanhin," sabi ko.
"Kung iyon ang iyong nais ay malugod kitang hahayaan. Nawa ay maging masaya ka sa iyong pasya," sabi niya sa akin.
Tumango nalang ako dahil hindi ko na alam kung ano pang kasinungalingan ang sasabihin ko.
"Nga pala bago ko malimutan. Nais kang makita ng aking kapatid na si Francisca," sabi niya sa akin at siya lumabas na.
Sino naman si Francisca?
Dali-daling lumapit sa akin si Emilia.
"Señorita, narinig niyo po iyon?"
"Oo. Bakit?"
"Nais ka raw makita ng iyong matalik na kaibigan," sabi niya sa akin.
Wait. What?!
Best friend ko ang sister ni Gabriel?
Paano nagyari yun. How?
"Señorita, ayos lang po ba kayo?" Nag-aalalang tanong niya sa akin.
Hindi ko na namalayan na natulala na pala ako.
Sino ba naman ba hindi magugulat na ang kapatid ng ex-fiancé mo ay best friend mo like what the heck?!
"Paano nyan. Hindi ko siya maalala," sabi ko.
Well true naman no.
Hindi ko siya maalala.
Napaisip si Emilia ng malalim.
"Hindi ko rin po alam Señorita," malungkot niyang sabi sa akin.
Parehas kaming napahinga ng malalim.
Hanggang pumasok sa isip ko ang sinasabi ni Señor Luis sa akin kanina.
"Teka, hindi kaya matuloy ang kasal namin ni Gabriel?" Gulat kong sabi.
"Po? Hindi po ba naghiwalay na po kayo? Paano po matutuloy ang kasal?" Nagtatakang sunod-sunod niyang tanong.
Tiyak na walang kasiguraduhan ang kaniyang mga sinabi. Tiyak rin walang ginagawang ganon si Gabriel.
Isa siyang deputek na cold hearted ang animal kaya paano ako maniniwala. Ang layo ah!
Biglang pumasok sa isip ko ang sabi sa akin ni Doña Beatriz na maganda raw akong maging manugang.
O...mah...gash....
May kasal ngang magaganap.
Magkakabalikan kami ni Gabriel.
Teka! What????
BINABASA MO ANG
Sa Pangalawang Pagkakataon
Tarihi KurguMinsan ka na bang nasaktan ng taong hindi mo inaasahang iyong mamahalin? Nabuo na ba ang mga katanungan na "Bakit" sa iyong isipan kung bakit hindi ikaw ang kaniyang pinili? Pinangakuan ka na rin ba niya pero sa huli nabali rin ang kaniyang salita. ...