Matapos ang pagyayari kahapon; patuloy tuloy ako napapaisip.
Inaayusan ako nila Mama at Emilia.
Sina Mama Beatriz at Don Enrique ay nandoroon na sa simbahan.
Ang ganda ng pagkakatahi ni Aling Tesang. May mga rhinestone, perlas at iba pang susyaling dekorasyon sa damit kong pagkasal. Bale puti siyang baro't saya in gown version parang yung maroon kong binili noon pero syempre mas maganda ang wedding gown ko.
Wait.
Parehas silang maganda LEL.
Bakit ba? Wala akong mapilit sinong mas lamang.
Hawak-hawak ngayon ni Emilia ang isang bouquet ng mga puting rosas. Grabe tinotoo ngang white roses ang magiging bulaklak ko.
Enebe Lel.
Hindi ko alam pero bakit parang hindi ako nag-e-excite instead nalulungkot pa ako. Naiisip ko pa rin siguro ang pag-uusap namin ni Ramira.
Hayst.
Bakit ba ganito ang buhay mo Erenda?
Napahinga nalang ako ng malalim habang inaayusan ako nila mama.
"May problema ba anak?" Nag-aalalang tanong ni mama.
"Wala po. Ayos lang po ako," tugon ko.
"Sigurado ka?"
"Opo."
Napansin kong nag-aalala rin sa akin si Emilia.
"Ayan tapos na,"sabi niya.
Ang ganda ng updo ko. May mga perlas na rosas ang nakalagay sa aking buhok na nagsisilbig ipit at mayroon naman mga carvings ornament na mga ipit na halatang galing pang ibang bansa.
"Ang ganda mo po Señorita," puri ni Emilia.
"Maraming salamat," sabi ko.
Dapat maging masaya ako ngayon ngunit bakit ganon? Bakit ang lungkot ko talaga?
Every bride was happy to be wed but why me isn't happy to be?
Naguguluhan ako. Naguguluhan na ako.
Hindi ko alam kung itutuloy ko o hindi.
"Anak, may nais akong ibigay sa iyo,"sabi ni mama.
Hindi nalang ako umimik at hinayaan siyang kunin ang ibibigay niya sa akin.
Isang kahon na kulay puti ang kaniyang kinuha mula sa isa sa mga drawer ng amparador.
Inabot niya sa akin ito at malugod ko naman na tinanggap iyon.
Huminga muna ako nang malalim bago ko buksan ang kahon na puti.
Sa aking pagkabukas may nakita akong gintong panyeta na ubod ng ganda. Mas maganda pa sa suot ko ngayon.
"Mama, napakaganda naman nito," sabi ko ng hindi makapaniwala.
Ngumiti sa akin si mama.
"Nais ipamana ni Abuela Consuelo mo iyan sa iyo," sabi niya.
Kung ganon... Galing pa ito sa lola ni Erenda.
"Makakadalo po ba si Abuela sa aking kasal?" Masaya kong tanong. "Nais ko siyang makita tiyak matagal ko na siyang hindi nakikita Mama," dagdag ko pa.
Natahimik si mama kahit si Emilia.
Parehas silang napalunok.
"Erenda, nalimutan mo na?" Tanong ni mama.
BINABASA MO ANG
Sa Pangalawang Pagkakataon
Ficção HistóricaMinsan ka na bang nasaktan ng taong hindi mo inaasahang iyong mamahalin? Nabuo na ba ang mga katanungan na "Bakit" sa iyong isipan kung bakit hindi ikaw ang kaniyang pinili? Pinangakuan ka na rin ba niya pero sa huli nabali rin ang kaniyang salita. ...