Kabanata 44

114 8 6
                                    

Iyak ako ng iyak ngayon sa aking kwarto dahil sa mga narinig ko kahapon galing kay Miguel.

Bakit ang bilis sumuko ni Gabriel? Bakit aalis siya.

Humahangulngol ako ng iyak habang pinipilit kong magsulat ng liham para sa aking pinakaminamahal na lalaki.

Hindi ko kayang mawala sa aking tabi si Gabriel.

Minsan na akong nabigo ayaw ko nang maulit pa.

Kung hindi ako lumaban noon, lalaban na ako ngayon.

Hunyo 29, 1777

Mahal kong Gonzalo Raúl Gabriel,

Gabriel, bakit ka aalis papuntang Canadá akala ko ba mananatili ka at babawiin ako? Pero bakit ganon lilisan ka nanaman muli? Bakit ang bilis mo mawalan ng tiwala.

Ang dami ko pang nais sabihin sa iyo na kahit kailan ay hindi ko nagawang sabihin. Gabriel huwag mo akong iwan. Pakiusap.

Naninibugho,

Erenda

Binaba ko na ang pluma sa lamesa habang tumatangis.

Niyakap ko ang aking liham at hinalikan ito sabay tupi at sabay silid sa kulay puting sobre.

Hindi ko kaya. Hindi ko na kayang masaktan pa.

Bakit sayo pa ako umibig Gabriel? Bakit hindi nalang si Miguel?

Umiyak lang ako ng umiyak hanggang dumating si Emilia.

"Señorita!" Pagtawag niya.

Kita kong natataranta siya.

"Señorita ano po ang nagyari?" Nag-aalalang tanong niya.

"Si Gabriel... Iiwan na niya ako," umiiyak kong tugon.

"Hunyo 29 po ngayon," pabulong niyang sabi.

"Ngayon po ang alis ng barko ni Señor Gabriel," biglaan niyang sabi.

Nagulat ako sa kaniyang sinabi.

"Kailangan natin siyang habulin," sabi ko.

"Kailangan ko siyang makausap," sabi ko pa.

Tumango si Emilia.

Kaagad akong tumayo at kinuha ang balabal ko.

Nakakulay abo ako na baro't saya dahil labis pa rin akong naninibugho.

Dali-dali kaming lumabas ng silid.

Paglabas namin ng hacienda kaagad kaming sumakay sa karwahe.

Si Emilia na nagsabi kung saan ang tutunguhan namin.

Hindi ko akalain na malayolayo ang aming pupuntahin.

"Manong pakibilisan po pakiusap!" Pakiusap ko.

Binilisan ng kutsero ang pagpaandar ng karwahe.

Matapos ang kalahating oras ay nakapunta na kami sa destinasyon namin.

"Emilia, anong barko ang kaniyang sasakyan?" Madalian kong tanong.

"Barkong Carmen po Señorita," mabilis niyang tugon.

Nakita namin ang isang malaki at malawak na barko na nangangalang Carmen.

Parang tinakluban ako ng langit at lupa.

Hindi ako makaluha.

Nahuli na ako sa pagdating. Wala na si Gabriel.

Wala na ang lalaking pinaglalaban ko.

Tinapik-tapik ni Emilia ang aking lukod ng marahan at wala na akong magawa kung hindi umiyak.

"Tama na po Señorita. Malay nyo po may dahilan kung bakit kayo pinaghiwalay ng tadhana,"sabi sa akin ni Emilia.

Pinunasan ko ng dahan-dahan ang aking mga luha.

"Siguro nga tama ka,"sabi ko nalang.

Pagtalikod namin mula sa daungan biglang may nakita akong pamilyar na tao.

Ang mga hawak-hawak niyang bagahe ay kaniyang nabitawan.

Nang iangat ko ang aking paningin nakita ko si Gabriel.

Si Gabriel nga.

Namumuo ang mga luha sa kaniyang mga mata.

"Erenda,"bigkas niya.

"G-gabriel?"

"Erenda, buhay ka," masaya niyang sambit at tsaka kumaripas ng tabok para yakapin ako. Hindi ko siya iniwasan sa halip at yumakap pa ako pabalik.

Hindi ito panaginip. Totoo nga! Totoong si Gabriel ang yakap-yakap ko.

Humiwalay siya sa akin at hinawakan ang aking mga kamay.

"Paano? Paano ito nagyari? Sabi mo sa akin na hindi ito panaginip?" Hindi niya makapaniwalang sambit.

Naluluha akong natawa.

"Hindi Gabriel. Totoo ito. Totoong totoo," masuyo kong sabi.

Niyakap niya ako muli at ganon din ako.

"Gabriel?"

Narinig naming sabi ng isang pamilyar na boses.

Parehas kami napalingon sa direksyon ng nagsalita.

Nagulat ako kung sino ito.

Ramira.

Nakita kong nanlilisik ang kaniyang mga mata sa galit.

Nagdadabog siyang lumapit sa amin at hinila si Gabriel.

Bigla niya akong sinampal ng napakalakas.

"Malandi ka! Anong ginagawa mo rito?! Ginugulo mo nanaman kami!" Galit niyang sabi.

Napahawak ako sa aking pisngi.

"Paano ako naging malandi?"

"Dahil kasintahan ko na si Gabriel,"matigas niyang sabi.

Parang inalon ang isip ko.

Wala akong masabi.

Napatingin ako kay Gabriel na ngayon ay nais na niyang umiiyak.

Naluha na ako ng hindi ko namamalayan.

Tinitigan ko siya sa huling pagkakataon at umalis na kami ni Emilia.

Hindi ako mag-aagaw ngunit parang nagkamali yata ako ng pinaglaban.

Siguro nga nagkamali nga talaga ako.

Akala ko hindi ako sasaktan ni Gabriel ngunit hindi.

Nagkamili talaga ako.

Sa Pangalawang PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon