Kabanata 32

159 12 0
                                    

*lubdub...lubdub...lubdub*

Naririnig ko ang tibok ng puso ko.

Ramdam ko ang kinahihigaan ko.

Isang malabot na kung ano.

Hindi kaya isa na itong kabaong?

Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata.

Nakita ko ang kisame ng kwarto ko. Tinignan ko ang buong paligid. Nasa kwarto ako ni Erenda na kwarto ko.

Naupo ako. Nakita ko si Gabriel na nakatulog malapit sa tabi ng aking higaan.

Binantayan niya ako?

Napahawak ako sa aking dibdib.

Napansin kong unti-unting nagising si Gabriel.

Gulat na gulat ang kaniyang reaksyon na naiiyak.

"Erenda? Erenda buhay ka!" Sabi niya.

Niyakap niya ako ng napakahigpit.

Teka paano ito nagyari?

"Akala ko mawawala ka na. Akala ko iiwan mo na ako," umiiyak niyang sabi.

Inalis ko ang pagkakayakap niya sa akin sa labis na hindi ako makapaniwala.

Ramdam kong tumulo ang aking mga luha mula sa aking mga mata.

"Anong nagyari? Bakit kasama pa kita?" Sabi ko nalang na kunwaring ayaw ko sa kaniya.

"Bakit ka pa nandito?!"

"Erenda, huminahon ka," pakikiusap niya.

"Bakit nabuhay pa ako! Bakit kasama pa kita!" Kunwari kong parereklamo.

Sa totoo lang masaya akong nabuhay pa ako at makakasama siya ngunit kailangan namin maghiwalay dahil kailangan kong magparaya.

"Bakit andito ka! Iwan mo na ako!" Paghahangungol ko.

"Erenda, hinding hindi kita iiwan," sabi niya habang tumatangis.

Lalo akong naiyak. Yung tunay kong iyak.

"Anong biro toh? Hah? Gabriel? Ano nanaman ito?" Kalmado kong tanong habang umiiyak.

"Erenda, patawarin mo ako sa pagkukulang ko bilang iyong kasintahan. Hindi ba magandang chansya ito para makapagsimula tayo ulit?" Sabi niya.

Gusto kong pumayag ngunit kailangan namin maghiwalay.

"Hindi Gabriel. Tinatapos ko na ang tayo," sabi ko sa kaniya.

"Umalis ka na!" Sigaw ko nang malakas.

Nagulat si Gabriel sa sinabi ko. Kita ko ang pag-pause ng luha niya.

Ngumiti siya sa akin ng napakapait.

"Sige... Kung iyan ang nais mo," sabi niya at siya'y tumayo na sa kaniyang kinauupuan.

Pinagmasdan ko kung paano siyang umalis.

Pinagmasdan ko kung paano ko siya palayain.

Hindi man ako nagkaroon ng tyansa na sabihin na mahal ko na siya.

Mahal ko na pala siya.

Ngunit hindi ako ang nakatadhana sa kaniya.

Hindi ako.

Napapikit ako sa sakit na nararamdaman ko.

*lubdub lubdub lubdub*

Tumatangis na rin sigurado abg puso ko sa sakit.




Sa Pangalawang PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon