Biglang pumasok sa aking isipan ang tanungin kung saan galing ni Emilia ang mga bulaklak.
"Nga pala! Saan mo galing ang mga bulaklak na iyan?" Tanong ko habang tinuturo ang bulaklak na nasa vase.
Napatingin doon si Emilia.
"Galing po ito kay Señor Gabriel sa totoo nga po niyan dapat po ibibigay ko po ito sa inyo kaso hindi pa po kayo gising kung kaya mas pinili ko nalang po ilagay ang mga bulaklak sa isang lagayan,"paliwanag niya.
Tumango-tango nalang ako.
"Nga pala nagwo-worry ba sa akin si Gabriel?" Tanong ko.
Napakunot naman ang noo ni Emilia.
"Po? Ano po ang wori?" Tanong niya.
"Ah- ibig sabihin non ay nag-aalala,"paliwanag ko.
Tumango-tango siya.
"Opo. Sobra nga pong nag-aalala si Señor Gabriel kahit hindi niya po ipakita eh nahahalata naman po siya sa tono ng kaniyang boses," sabi niya.
"Kamusta na si Señorita Erenda?" Tanong ni Gabriel.
"Natutulog pa po siya," sagot ni Emilia.
Napahawak si Gabriel sa kaniyang batok.
"Napapano ba si Erenda?" Bulong niya.
Napangisi naman si Emilia.
"Naku! Si Señor nag-aalala kay Señorita Erenda," pangangasar ni Emilia kay Gabriel.
Napangiwi si Gabriel.
"Hayst! Tumigil ka nga Emilia," naaasar na sabi ni Gabriel.
Napatingin si Emilia sa nakatago sa likuran niyang kamay.
"Señor, ano po ang inyong tinatago?" Tanong ni Emilia.
Inilabas ni Gabriel ang kaniyang tinatagong mga bulaklak. "Ah- eto? Para sana kay Erenda ngunit siya pa ay tulog," sagot niya.
Napatili si Emilia. "Naku Señor Gabriel paumanhin sa akin inasal ngunit hindi ko mapigilan ang aking ngiti sa inyong dalawa," sabi niya.
Natawa ng marahan si Gabriel. "Puro ka biro binibini," sabi nalang niya.
Inabot na ni Gabriel ang mga bulaklak kay Emilia at humayo na.
Napangiti ako bigla. Hindi ko maintindihan pero nakakaramdam ako ng init sa aking puso. Pakiramdam ko ay may sanib yata si Gabriel.
Napailing nalang ako.
"Naku, Señorita ah! Kinikilig po kayo kay Señor Gabriel," sabi niya na may malawak na ngiti.
Napailing nalang ako.
"Aish! Tumigil ka nga! Hindi naman ako kinikilig no eww,"sabi ko nalang na pinipigilan ang aking ngiti.
"Señorita, nalimutan ko po pala na may ipinabibigay nga po palang liham sa inyo," sabi niya.
Napataas naman ang aking kilay.
"Liham?"
"Opo."
"Kaninong galing? May ibinigay ba sa iyong liham si Gabriel bago siya lumisan?" Sunod-sunod kong tanong habang tinitignan ng maayos ang liham.
"Wala po. Sa katunayan nga po nyan hindi ko nga po alam kung saan galing ang liham na iyan basta po raw iabot ko po raw iyan sa inyo," paliwanag ni Emilia.
Tumango-tango nalang ako.
"O siya! Ako'y aalis na muna,"pagpapaalam ko.
"Po? Saan po kayo tutungo Señorita?" Tanong ni Emilia.
BINABASA MO ANG
Sa Pangalawang Pagkakataon
Ficción históricaMinsan ka na bang nasaktan ng taong hindi mo inaasahang iyong mamahalin? Nabuo na ba ang mga katanungan na "Bakit" sa iyong isipan kung bakit hindi ikaw ang kaniyang pinili? Pinangakuan ka na rin ba niya pero sa huli nabali rin ang kaniyang salita. ...