Nakatulala lang ako sa hapag kainan kanina dahil naalala ko naman ang pangyayaring yun. Hindi ko alam kung kailan ako makaka-move on or kung kailan ko matatanggap na doon sasaya ang taong pinakamamahal ko sa tanang ng buhay ko.
Nakakaiyak isipin. Nakakalungkot. Pero anong magagawa ko? Wala. Wala akong magagawa sa halip matagal ko nang sinabi sa aking sarili na handa akong magparaya kung saan siya sasaya.
Napatingin ako sa librong binabasa ko. Inisip ko kung paano may ibang nais sabihin sa akin ang taong mahal ko? Paano kung napilitan lang siya sa babaeng yun?
Ayan nanaman tuloy. Random thoughts and question ang pumapasok sa isip ko.
May narinig akong kumatok. Dali-daling lumapit doon si Emilia at binuksan ang pintuan. Hindi ko nalang pinansin kung sino man ang taong yun at ibinalik ko ang tingin ko sa aking librong hawak.
"Andyan ba siya?"
"Opo."
"Ayos lang ba siya?"
"Hindi ko po alam."
Narinig ko ang mga yabag nila na palapit sa akin. Inangat ko ang aking tingin at nakita ko si Gabriel.
Naluluha na ako sa mga oras na ito. Hindi ko akalain napaka-emosyonal ko nanaman.
Iniwan na kami ni Emilia at kaming dalawa nalang ang naiwan sa sala.
Wala akong sinabi sa kanya at ibinalik ang tingin sa libro.
Umupo siya sa katapat kong upuan.
"Erenda?"
Hindi ko siya pinansin.
"Paumanhin kung ika'y hindi ko pinapansin o kung naging malamig ako sa iyo," paghihingi niya ng tawad.
Hindi ko pa rin siya pinapansin.
"Inaamin kong napakakulot-salot ko," sabi niya.
Dahan-dahan akong tumingin sa kanya.
"Bakit mo ba ako kinakausap?" Tanging tanong ko.
"Hindi sa kailangan ko. Hindi rin sa kailangan kong magpanggap," sagot niya.
Nainis lang ako sa sagot niya kaya ibinalik ko na ang tingin ko ulit sa libro.
"Dahil alam kong hindi kita kayang tiisin, Erenda,"masuyo niyang sabi.
Natulala ako nang marinig ko ang sinabi niya. Dahan-dahan muli akong napatingin sa kanya ngunit hindi ako kumibo.
"Tama ang narinig mo. Hindi kita kayang tiisin," pag-ulit niya.
Hindi ako makakurap sa sinabi niya.
Sinubukan kong huminga nang malamin ngunit hindi ko magawa. Ang tanging kaya ko lang gawin ay titigan siya.
Makalipas ang ilang segundo nakapagsalita na rin ako.
"B-bakit? Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kaniya.
Hindi ko ba alam pero ang nasa isip ko ay 'may feelings na kaya siya sa akin?'
Iniwas ko na ang tingin ko. "Hindi mo na kailangan sagutin. Alam ko hinding hindi ka sasagot sa mga katanungan kong ganon," malamig kong sabi sabay tayo at pumanik sa pangalawang palapag. Sanay na akong hindi sasagutin ni Gabriel ang mga ganon kong katanungan.
Hindi ko na nga sinilip kung ano ang reaksyon niya or anything basta ako happy na ako...or...not...
Ala heartbroken akong umupo sa higaan ko. Ewan ko ba pero I'm sad.
Hawak-hawak ko parin ang kwentong "Te amo todo mi corazon" na librong ito.
Gustong gusto ko kung gaano katapang at mapagmahal si Lorena sa kwentong ito but still iniwan siya ng taong mahal niya.
Napahinga ako nang malalim.
Hinding hindi ko makakalimutan ang mga days na okay-okay pa kami ni Gabriel.
May kumatok sa kwarto ko.
Nang bumukas ito, pumasok si Emilia.
"Bakit ka nanaman malungkot Señorita?" Tanong niya.
"Kay Gabriel,"matipid kong sagot.
"Ano nanaman po ba ang ginawa ni Señor Gabriel?" Tanong niya.
Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay Emilia dahil baka magmukhang emotional at sensitive lang ako sa kanya kung kaya nanahimik na lamang ako at hindi siya kinubuan.
"Bakit ba ang lungkotin mo ngayon Señorita? Hindi ka naman ganyan dati." Nag-aalalang sabi ni Emilia.
Napatingin ako bigla sa kanya at ang bakas ng mukha kong puno ng lungkot ay biglang napalitan ng curiositiya.
"B-bakit? Ano ba ako dati?" Curious na tanong ko.
Huminga muna si Emilia nang malalim. "Señorita, kayo po ay isang masayahing tao noong hindi pa po kayo naging makalimutin. Halos bumaliktad nga kaming lahat dahil walang makakapagpalungkot sa inyo," paliwanag niya.
Natawa naman ako bigla sa kaniyang sinabi.
"Grabe ka naman sa akin," sabi ko nalang.
Tinapik nalang ni Emilia ang balikat ko at umiling-iling habang papalabas sa aking silid.
Napansin kong habang patagal ng patagal ay parami ng parami ang nalalaman ko. Pakiramdam ko tuloy depress si Erenda.
Napahiga ako sa aking higaan. Napakalambot nito at nais ko na kaagad matulog. Nakatitig lang ako sa kisame at iniisip ang lahat ng pangyayari. Kung papagawain ako ng English teacher ko about sa ganitong panahon I'm so willing.
Biglang sumagi sa isip ko ang mukha ni Gabriel. Napansin kong kamukhang kamukha niya si Filip kaya siguro ganon nalang ako mapatingin sa kanya.
Hindi ko ba alam pero bakit madalas akong masaktan.
Ramdam kong naluluha na naman ang mga mata kaya pumikit na ako kaagad. Ayaw ko nang isip ang mga masasakit na alaala o pangyayari. Basta ang alam ko lang tumitibok na yata ang pusa ko kay Gabriel. Hindi ko na rin alam kung dapat ko ba pagbigyan ang puso ko nang isa pang pagkakataon?
BINABASA MO ANG
Sa Pangalawang Pagkakataon
Historical FictionMinsan ka na bang nasaktan ng taong hindi mo inaasahang iyong mamahalin? Nabuo na ba ang mga katanungan na "Bakit" sa iyong isipan kung bakit hindi ikaw ang kaniyang pinili? Pinangakuan ka na rin ba niya pero sa huli nabali rin ang kaniyang salita. ...