Isang magandang umaga ang bumungad sa aking pagkagising. Ang ganda ng araw tila ba parang natapos ang bagyo at paghihirap sa aking buhay nang masinagan ako.
Kaagad akong tumayo sa aking higaan at umunat. Tumingin kaagad ako sa vanity mirror nakita kong humilom na kahit paano ang aking mga pasa at sugat sa pinaggagagawa ni Cristobal. Psychopath ang puta.
Ngayon ko pinagmasdan ng maiigi ang aking kapaligiran. Grabe feeling ko nasa ibang bansa ako. Pakiramdam ko isa akong dugong bughaw sa ganda ng lugar na ito.
Napansin kong may nakapintang larawan sa kwartong ito.
Uti-uti ko iyun nilapitan at pinagmasdan. Isang larawan ng rosas na puti at pula. Ano kaya ang simbolo nito?
Nagtataka lamang ako.
Napansin ko sa vanity mirror na maraming nakalagay na jewelry box at make-ups sa table nito. Wow susyal mas marami pang gamit ang nakatira rito kaysa kay Erenda.
Hindi kaya mas mayaman ang babaeng nakatira dito kaysa sa akin.
May narinig akong kumatok sa may pintuan.
"Pasok."
Pumasok ang dalagita na tumulong sa akin.
"Magandang umaga sa iyo binibini. Nawa'y naging maganda ang inyong pagtulog kagabi," sabi niya sa akin.
Nguminitian ko siya.
"Naging maganda naman ang pagtulog ko sa inyong tahanan, maraming salamat,"malugod kong sabi.
"Naku po. Hindi po ako ang may ari ng tahanan na ito sa halip kami po ay nakikitira lamang," sabi niya sa akin.
Naguluhan ako bigla.
"Kung ganon nasaan ang nakatira rito?" Nagtatakang tanong ko.
Ano ito abandon?
"Matagal na pong umalis ang aming amo at hindi po sinabi sa amin kung kailan sila babalik," sabi niya sa akin.
Lumapit siya sa may dalawang amparador.
Mukhang malalim ang kaniyang iniisip.
Binuksan niya ang kanang amparador at nagulat ako sa mga nakita ko. Isang set ng iba't ibang sapatos.
"Kay ganda!" Biglaan kong sambit.
Humagikgik siya ng tawa.
Kumuha siya ng isang pares ng sapatos na kulay pilak na may embroidered na mga lavender.
Inilapag niya iyon sa isang lamesa na malapit sa mannequin at binuksan naman niya ang kaliwang amparador, muli nanlaki at namangha nanaman ako dahil sa mga nakita ko. Isang set nang iba't ibang mga damit.
Grabi pang Victorian era ang peg. Uso na ba iyon dito?
Kinuha niya ang katernong kulay na sapatos na damit at inabot sa akin.
"Binibini halika na at mag-ayos na po kayo bago po kayo mag-almusal," nakangiti niyang sabi sa akin.
Napatingin ako sa may full length mirror. Grabe ang dungis ko pala talaga.
Tumango nalang ako at ngumiti sa kaniya.
Sinundan ko siya sa may palikuran.
"Ako na ang magpapaligo sa aking sarili," sabi ko.
Pinahawak ko sa kaniya ang damit.
"Sige po."
Ang ganda rin ng palikuran grabe nas susyal pa. Feeling ko hindi Spaniard era ang meron.
BINABASA MO ANG
Sa Pangalawang Pagkakataon
Fiksi SejarahMinsan ka na bang nasaktan ng taong hindi mo inaasahang iyong mamahalin? Nabuo na ba ang mga katanungan na "Bakit" sa iyong isipan kung bakit hindi ikaw ang kaniyang pinili? Pinangakuan ka na rin ba niya pero sa huli nabali rin ang kaniyang salita. ...