Naramdaman ko ang isang malakas na pag-ihip ng hangin. Minulat ko ng dahan-dahan ang aking mga mata at nakita kong...
Nasa kasalukayan ako.
"Elaine!" Rinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses.
Paglingon ko nakita ko ang pinakamatalik kong kaibigan.
Kumaripas ako ng takbo at niyakap siya ng napakahigpit.
"Anna!"
Nagulat si Anna. Humiwalay na ako sa kaniya.
Tuwang tuwa akong umikot.
"NAKABALIK NA AKO!" Maligaya kong sabi.
Nagtataka sa akin si Anna.
"Hah?! Anong pinagsasasabi mo riyan? Eh kanina lang sabi mo magpapakamatay ka na," nagtatakang sabi niya.
Nagtaka ako bigla hanggang sa maalala ko kung paano ako namatay.
Tumungtong ako sa pinaka-edge ng building na ito at nadulas ng malaman kong iba ang mahal ni Fidel.
"Ayos na ako no. And duh? Ano ako baliw?" Sabi ko nalang.
Natawa nalang sa akin si Anna.
Naalala ko sa kaniya si Emilia.
"Alam mo punta tayong dunkin' donuts libre ko," yaya ko.
Pumayag naman kaagad itong lokaret at nag-dukin kami.
Masaya akong nakabalik na ako sa aking tunay na tahanan.
"Alam mo ba hindi ka maniniwala pero nakakaloka ang nagyari sa akin. Pakiramdam ko nanaginip lang ako," pagkwento ko kay Anna.
"Huh? Hindi ah!"
"Kasi pangalan ko raw si Erenda tapos may gwapong lalaking nangangalan na Gabriel ang fiancé ko ohah lupet," kwento ko pa.
Natawa sa akin si Anna.
"Wala ka ngang jowa since birth tas may fiancé ka? Damn that's a dream!" Pabiro niyang sabi.
Medyo nami-miss ko na ang makaluma ang peg.
Hanggang sa may babaeng nakalaglag ng lumang sobre.
Dinampot ko ito at sinabukan kong habulin ang babae ngunit naglaho nalang siya ng parang bula.
Napansin ko ang lumang-lumang sobre.
Erenda
Napa-WTF ako ng malakas.
Is this real?
Binuksan ko at binasa ang nakapaloob na liham.
Agosto 20, 1777
Mahal naming Erenda,
Ilang taon na nung mawala ka. Labis na nagdalumhati ang pamilyang Amador sa sinapit ng inyong pamilya. Ganon pa man kami ni Señor Iago ay malaya nang naikasal. Labis ako nangungulila sa iyo aking mahal na kapatid.
Nangungulila sa iyong piling,
EmiliaNakaramdam ako ng lungkot sa nabasa ko na liham sa akin ni Emilia.
Sa oras na natapos ko itong mabasa bigla itong naging abo.
Napatingin ako sa langit.
Nawa ay nasa maganda kang kalagayan Emilia.
Hindi ko namalayan na nasa tabi ko lang pala si Anna.
"Huy! Parang kang aneng dyan. Bakit ka nakatingin sa langit may namatay?" Natatawa niyang tanong.
BINABASA MO ANG
Sa Pangalawang Pagkakataon
Fiction HistoriqueMinsan ka na bang nasaktan ng taong hindi mo inaasahang iyong mamahalin? Nabuo na ba ang mga katanungan na "Bakit" sa iyong isipan kung bakit hindi ikaw ang kaniyang pinili? Pinangakuan ka na rin ba niya pero sa huli nabali rin ang kaniyang salita. ...