Kabanata 66

91 7 0
                                    

Ilang linggo na akong nakatira sa bahay ni Emilio. Parang mag-asawa na ang turingan namin dahil hinihintay ko siya lagi umuwi galing trabaho ngunit walang pag-ibig ang aking ipinapakita.

Mabait naman si Emilio at maalaga ngunit kapag nais kong bumisita sa pamilya Amador ay nag-iiba ang kaniyang ugali.

Hindi ko nais ang ganitong buhay at ganon din si Erenda, tiyak?

Nagbuburda na lamang ako ng panyo na nakalagay ang pangalan ni Gabriel.

Kahit sinaktan na niya ako ng paulit-ulit siya pa rin ang aking iniibig.

Napahinga nalang ako ng malalim.

Napansin kong may dalang meryenda si Aling Nora.

"Aling Nora! Mabuti at nandito kayo," maligaya kong sabi.

Nginitian ako ng matandang babae.

"Naku po Señorita mukhang maganda ang iyong araw ngayon," nakangiting sabi niya.

Napailing-iling na lamang ako.

"Hindi naman po sa ganon. Sa totoo nga po niya ay nalulungkot po ako," malungkot kong sabi.

Simula na tumira ako dito si Aling Nora lamang ang nagbigay ng kabutihan sa akin sa lahat ng cariada ng bahay na ito. Si Isabel naman na aking doncella ay ubod ng sungit sa akin kung kaya ayaw kong lumalapit siya sa akin.

"Bakit naman po Señorita?" Nag-aalalang tanong niya habang nilalapag ang aking meryenda sa katapat kong lamesa.

"Nalulungkot ako dahil hindi ko makita ang mga taong napahamak ng dahil sa akin. Labis na akong nangungulila sa aking pamilya, sa aking mga kaibigan at lalong lalo na sa aking iniirog," malungkot kong paliwanag.

"Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko," malungkot kong sabi.

Nalungkot bigla si Aling Nora sa kaniyang mga narinig mula sa akin.

"Hanggang ngayon po ba ay hindi po kayo masaya sa piling ng Heneral?" Malungkot na tanong niya sa akin.

Umiling ako.

"Hindi ko planong maging Ginang Hernandez, Aling Nora. Sa halip ang aking pangarap ay ang maging Ginang Amador," malungkot kong tugon.

"Saan po ba matatagpuan ang inyong hacienda?" Tanong niya.

"Sa San Pablo po."

"Alam ko na kung saan iyon. Hindi naman kalayuan ang inyong lugar, "nakangiting sabi niya sa akin.

Huminga nalang ako ng malalim.

"Pero sa totoo lamang po hindi naman po tahanan namin ang gusto kong sadyain," malungkot kong sabi.

Napalitan ng lungkot ang kaniyang mukha.

"Kung ganon... Kanino po?"

"Hacienda ng mga Amador," malungkot kong tugon.

Bigla siyang napailing.

"Alam niyo po na hindi kayo maaari magpunta sa bahay ng mga Amador," malungkot niyang paalala.

"Alam ko po... Ngunit hindi ko kayang tiisin ang tinuturing ko ng kapatid na si Señorito Laurenzo," malungkot kong sabi.

"Si Señorito Laurenzo nga po ba talaga ang nais ninyong isadya o si Señor Gabriel?"

Napaiwas nalang ako ng tingin.

"Señorita, hindi man po tayo lubos na magkakilala ngunit alam na alam ko ang sinasabi ng iyong puso," sabi niya sa akin.

Napabalik ako ng tingin sa kaniya.

"Ano po ang ibig ninyong sabihin Aling Nora?" Nagtatakang tanong ko.

Huminga muna siya ng malalim.

"Umuulan noong araw na iyon noong makilala ko ang kaisang-isang lalaking inibig ko ng sobra-sobra higit pa sa aking sarili.

Nilalamig ako at walang matutuluyan. Nahanap niya ako sa may daan na naglalakad hanggang sa himatayin ako sa lamig.

Lumayas kasi ako noon sa aming tahanan dahil ayaw kong pakasalan ang isang kastilang pilit na ipinagkakasundo sa akin ng aking mga magulang.

Malungkot at masakit para sa akin na iwan sa akin ang aking tahanan ngunit lahat ng iyon ay pinawi ni Alonzo.

Si Alonzo ang nag-aruga sa akin at pinakamamahal ko ngunit hindi kami itinadhana para sa isa't isa dahil mayroon na siyang novia.

Ayaw kong magmukhang mang-aagaw dahil hindi iyon kaaya-aya. Pinagmasdan ko lamang ang ala novela nilang kwento ng kaniyang kasintahan. Kung paano sila magmahalan habang ako ay nasasaktan.

Kaso hindi nagtagal iniwan siya ng babae at labis na nasaktan si Alonzo.

Ngunit doble ang naramdaman ko dahil ang sakit sa akin na makita na nasasaktan ang aking minamahal. Ngunit wala akong magagawa dahil limitado lamang ang aking mga kilos.

Noong humpisa niyang paglimot ay ako ang nasa kaniyang tabi ngunit dumating anag araw na akala ko na magkakaroon ako ng pag-asa ngunit wala pa rin pala dahil dumating ang isang magandang dilag na si Esmeralda.

Siya ay niligawan ni Alonzo. Ikinasal sila sa España habang ako naiwan sa Filipinas at nanatili sa kaniyang bahay na umaasang babalik siya kaso hindi na," malungkot na kwento ni Aling Nora tungkol sa kaniyang pag-ibig kay Ginoo Alonzo.

"Paano po kayo napadpad dito?"

"Ah... Umalis na ako sa tahanan na iyon at namasukan na sa Heneral Hernandez kaya tignan mo matandang dalaga na ako," salaysay niya.

"Ibig po bang sabihin bata palang po si Emilio ay naninilbihan na po kayo sa pamilya niya?"

"Ganon na nga."

Wala na akong ibang masabi.

Hindi ko alam kung may aaminin ba ako or wala.

I don't know.

Bakit kaya ganyan ang buhay? Daming plot twist.

Napahinga nalang ako ng malalim.

Hindi naman namalayan na nakatayo lang pala sa hindi kalayuan si Emilio.

Napatayo ako.

"Andiyan ka na pala. H-hindi ko alam na nakauwi ka na pala," nauutal sa takot kong sabi.

Humakbang siya papalapit sa akin.

Sinenyasan niya si Aling Nora at iniwan na kami.

"Patawad-"

"Huwag kang mag-alala. Hindi ako galit," mahinahon niyang sabi.

"Ngunit-"

"Tama ka. Hindi ko dapat ginagawa sa iyo ito," sabi niya.

Naguguluhan nalang ako.

Like. Okay. What the hell?

"Paumahin ngunit ano ang nais mong iparating?" Nagtatakang tanong ko. "Hindi ko na mabatid kung ano ba talaga ang nais mong iparating," dagdag ko pa.

Hinawakan niya ang aking kamay.

"Erenda, pinakulong ko na si Cristobal dahil nalaman ko kung ano ang kaniyang ginawa. Pinalaya ko na rin sila Laurenzo at Iago," sabi niya sa akin.

"Tama ba ang naririnig ko?"

"Oo Erenda. Bukas pupunta tayong San Pablo upang makausap mo ang iyong mga magulang tungkol sa ating kasal," sabi niya ng nakangiti ng may tamis.

Nalungkot ako bigla.

"Ngunit- hindi pwede," depensa ko.

"Bakit naman?"

"Dahil nakatakda akong ikasal kay Miguel at... At hindi alam nila Mama at Papa na magpapakasal ako sa isang Heneral," sagot ko.

"Huwag kang mag-alala. Ako na ang magpapaliwanag," sabi niya sa akin sabay halik sa likod ng aking kamay.

Sa Pangalawang PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon