"Tumupad ako Erenda,"sabi pa niya.
Ano? Ano ba ang pinagsasabi niya.
"Ano ba ang iyong pinagsasabi Gabriel?"Nagtatalang tanong ko.
Hinawakan niya ang aking kamay at hinalikan ito.
Lumuha na si Gabriel. Nasasaktan akong makita siyang ganiyan.
"Hindi ko akalain na ikakasal ka na kay Miguel. Kung iyan talaga ang ibig mo. Itigil na natin ang laban. Magpapakasal na lamang ako kay Ramira kung iyon ay iyong ikakasaya," sabi niya sa akin habang tumutulo lamang ang mga luha niya.
Gabriel.
Hinaplos ko ang kaniyang mukha. Pinunasan ko ang kaniyang mga luha gamit ang panyong ibiburda ko sa kaniya dati.
"Gabriel, hindi. Hindi ko nais magpakasal sa kaniya," maiiyak-iyak kong sabi.
"Ngunit hindi na tayo maaari. Sinabi ko lamang iyon para sa ating ikakabuti,"dagdag ko pa.
Niyakap ako bigla ni Gabriel.
"Erenda, ang dami kong nais aminin ngunit hindi ko masabi. Hindi na ako pwedeng umurong," umiiyak niyang sabi sa akin.
Napayakap nalang din ako sa kaniya.
Hindi namin namalayan na nakatayo si Miguel sa may pintuan. Galit na galit ito at naglakad sa amin papalapit.
Kaagad kaming humiwalay sa yakap namin.
Sinuntok ni Miguel si Gabriel.
"Miguel!" Sigaw ko.
Ibinaling sa akin ni Miguel ang kaniyang nanlilisik na matalim na tingin.
Lumapit sa akin si Miguel at hinawakan ako ng mahigpit sa magkabila kong balikat.
Nakita ko si Gabriel na napatayo sa kaniyang pagkakatuba. Nakita kong ang lala nang pagkakasuntok ni Miguel sa kaniya.
Dumugo ang bibig ni Gabriel.
"Sinungaling ka Erenda!" Galit na galit niyang sabi sa akin.
Wala na akong maisagot na iba sa kaniyang sinabi.
"Hindi siya ang may kasalanan Miguel!" Sigaw ni Gabriel.
Napalingon sa kaniya si Miguel.
"Ano ba Miguel nasasaktan ako," sabi ko.
Ang higpit masyado. Hindi ko na kinakaya.
Binalik sa akin ni Miguel ang kaniyang tingin.
"Hindi ba tayo tapos Erenda,"pabulong niyang banta.
Binitawan niya ako at hinarap si Gabriel.
"Hayup ka!" Sigaw niya at sinapak pa muli si Gabriel.
"Miguel! Miguel tama na!" Pagmamakaawa ko.
Sinubukan kong awatin ang away ngunit ayaw siya tigilan ni Miguel.
Hindi lumalaban si Gabriel.
Ano ito?! Feeling niya ba na deserve niya ang lahat ng bugbog ni Miguel.
"Manihimik ka Erenda! Inaagaw ka sa akin ng gagong to!" Sigaw niya.
"Wala akong inagaw sa iyo Miguel!" Galit na sigaw ni Gabriel sa kaniya.
"Sasagot ka pa!"
Sunod-sunod siyang pinagsusuntok ni Miguel sa kahit anong parte ng katawan ni Gabriel.
Hindi ko na kaya.
Pumagitna ako at niyakap si Gabriel.
Nasuntok ako sa aking likod.
BINABASA MO ANG
Sa Pangalawang Pagkakataon
Ficción históricaMinsan ka na bang nasaktan ng taong hindi mo inaasahang iyong mamahalin? Nabuo na ba ang mga katanungan na "Bakit" sa iyong isipan kung bakit hindi ikaw ang kaniyang pinili? Pinangakuan ka na rin ba niya pero sa huli nabali rin ang kaniyang salita. ...