Kabanata 8

472 25 1
                                    

"Anak."

"Hijo."

Humagikgik muna sila ng tawa.

"Napagkasunduan namin na kayo ay mag-iisang dibdib," masayang sabi niya.

Parehas kaming nagulat ni Gonzalo at napasigaw pa ng parehas na salita dahil sa sinabi nila sa amin.

"ANO!?" Sigaw naming dalawa.

Nagtingin kami ni Gonzalo. Kung pwede lang magmura magmumura na ako.

"Ganon na nga," sabi ni Mama.

Napa-ehem nalang ako. Wala naman na ako magagawa. Hindi naman ako kagaya nang mga babaeng nanabasa ko sa mga novel na kapag na-arrange marriage eh katapusan na ng mundo.

Hindi nalang ako kumibo sa sinabi ni Mama at baka masampal pa ako.

Hindi na rin kumibo si Gonzalo. Mukhang nahihiya yata ang loko.

Kanina galit, tas nagmasungit, tapos um-okay, tapos ngayon nahihiya? Aba naman.

"Halika amiga mag-usap tayo sa labas," yaya ni Doña Beatriz kay Mama. Sumang-ayon naman si Mama at para raw makapag-usap kami ni Gonzalo.

Naiwan dito sa sala sila Papa at si Don Enrique.

So yeah kami-kami nalang ang nandirito.

"Amigo nais mo bang maglaro ng ajedrez?" Yaya ni Papa. Um-oo naman si Don Enrique.

"Maiiwan na namin muna kayo anak at Señor Gonzalo," sabi ni Papa.

Napatango nalang kami ni Gonzalo nang SABAY bilang tugon.

Si Emilia ay niyaya muna niyang magpunta sa hardin para walang gulo. So ayun. Kaming dalawa nalang dito ni Gonzalo.

Hindi siya umiimik ganon din ako.

So no choice kun'di ako ang magsimula.

"Paumahin sa nagawa ko kanina," sabi ko na over nahihiya dahil sa kagagahan ko.

Tumingin siya sa aking mga mata at kaagad din niya inawas ang mga ito.

"Ayos lang," sabi niya.

Ang awkward ng aura namin.

"Papayag ka ba sa kagustuhan nang mga magulang natin?" Tanong niya.

Napatingin ako sa kanya dahil sa kaniyang tanong.

"Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang iisasagot ko. Sa kadahilanan alam kong wala ring magyayari kung tututol ako," tugon ko. "Ikaw ba?" Tanong kong pabalik sa kaniya.

"Hindi. Kagaya mo, sa ayaw at gusto ko walang magyayari. At siguro eto na ang kabayaran sa kabutihan mo sa aking kapatid na si Laurenzo," sabi niya.

Tumango na lang ako.

"Gonzalo?"

"Bakit?"

"Ano ang buo mong pangalan?" Tanong ko.

"Gonzalo Raúl Gabriel Amador,"sagot niya.

"Maaari ba kitang tawaging Gabriel?" Tanong ko.

Nagulat siya sa nais ko pero um-oo naman siya.

Binigyan ko siya nang hinding pilit na ngiti. Ngumiti rin siya at mabilis na umiwas ng tingin sa akin.

Ouch. Mahihirapan ako neto.

Hindi nagtagal natapos na ang kasiyahan at umuwi na sila. Nagpaalam na si Laurenzo at alam kong mami-miss ko siya.

Nakita kong naluluha si Emilia.

"Emilia? Ayos ka lang ba?" Tanong ko.

"Opo. Siguradong maaalala ko lagi ang batang yun," sabi ni Emilia.

Hindi rin pwede sila Emilia dahil siya a Viente anyos na at si Laurenzo ay Cartorce pa lamang. Sayang, ship ko pa naman din sila.

"Hayaan mo na," sabi ko, sabay pat to her back.

Matapos ang mahabang araw dumilim na muli ang langit.

Biglang may naalala ako sa encounter nang mga ngiti namin ni Gabriel kanina.

Maganda ang araw non.

Masaya naman at maaliwalas. Nagkataon na nakasalubong ko ang lalaking iniibig ko. So ayun siya nagkaupo habang nagce-cellphone. Huminga muna ako nang malalim bago ko sabihin ang katagang "salamat" sa kaniya. Binigyan ko siya nang napakagandang ngiti. Pero ganon pa man natulala na muna siya at mabilisang ngumiti at biglang nawala at nagbalik na sa kaniyang ginagawa.

Syempre hindi ko nalang isinaisip iyon. Nangibabaw pa rin ang kilig sa akin pero at the same time malungkot.

Napansin ko nalang na lumuluha na pala ako habang pinagmamasdan ang ganda nang gabi.

Nakakalungkot pero tapos na. Kung mababalik ko lang ang nakaraan kong buhay aayusin ko na. Aamin na ako agad pero hindi. Mayroon kasi akong tinatawag na pride.

Malungkot akong pumikit. Pagdilat ko parang nakabalik ako sa araw na kung kailan ko siya unang nakita. Ang ganda ng kaniyang mga ngiti. Ramdam ko ang init ng liwanag ng araw na bumabangga sa kaniya. Pero wala.

Tapos na.

Tanggap kong hanggang panaginip nalang ang lahat

At eto na ang bago kong buhay.

Lumuha pa nang isang beses ang aking mga mata.

Naramdaman ko muli ang sakit na nadama ng puso ko noong araw na yon.

Hinding hindi ko makakalimutan kung paano ko ibulong sa hangin na mahal ko siya kasama ang kaniyang pangalan.

Sabi ko pa noong araw na iyon magiging matigas na ang puso ko. At oo nga matigas na siya ngayon at hinding-hindi ko nang hahayaan na lumabot pa ito.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata.

Nakikita ko siya mula sa malayo. May ngiti sa kaniyang mga labi habang ako eto...nasasaktan at nagdurusa sa sugat na natamo ng puso ko. Hindi ko ba alam kung bakit ayaw ko pang sumuko. Panay nalang niya ako nasasaktan nang hindi niya alam o masyado lang akong assumera kaya ako nasasaktan? Ang daming bakit sa isip ko at ang daming nais itanong sa kaniya kung parehas ba kami nang nararamdaman o hindi.

Simula ngayon kakalimutan ko na ang mga alaalang yun. At dito...dito ako magsisimula nang bago.

Hindi na ako ang dating babae sa panahon ko dahil sasanayin ko na ang sarili ko na bilang Erenda Lorensa Fecila Porgues Castellón.

Ang haba naman nang pangalan ko grabe na ito ah.

Nakakaloka man pero wala akong magagawa.

Tsaka alam kong magiging masaya naman ako.

Sana maging masaya ako sa piling ni Gabriel kapag naikasal kami dahil kung hindi para ko lang ikinulong ang sarili ko sa kaniya.

Mali.

Nagsakalan lang kami sa kasalan na iyon. Ayaw ko naman na maging ganon.

Lalo na gusto ni Mama na magkaroon siya nang apo. Kung hindi ko siya mabibigyan baka patayin niya ako. Naku! Halatang hindi siya maawa sa akin.

Lumalalim na ang gabi mabuti pa kung matulog na ako.

Sa Pangalawang PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon