Kabanata 33

159 12 0
                                    

Nakausap ko na ang mga magulang ni Gabriel. Nagkasundo-sundo na kami na putulin ang kasunduan.

Halatang ayaw ni Mama Beatriz ngunit ako na ang may gusto na huwag ikasal sa kaniyang anak.

Alam kong magiging balibalita iyun sa kanilang lugar ngunit kunwari wala nalang akong pakealam.

Ngayon ako na ang susunod sa tunay na Erenda. Kung si Miguel ay kaya maging malamig sa malamig well ang puso ko ay magiging mas matigas sa matigas na bato o sa kung anong elemento ng mundo.

"Sigurado ka na hija?" Tanong ni mama Beatriz.

"Sigurado na po ako Mam- este Doña Beatriz. Hindi ko po kayang magpakasal sa inyo anak na si Gabriel dahil napagtanto kong-" bigla akong natigilan.

"Napagtanto mo na ano hija?" Tanong niya.

"Hindi ko siya mahal,"pagsisinungaling ko.

Naluluha nanaman ako.

"Isang mabuting lalaki si Gabriel at marapat na makahanap siya ng kaniyang katumbas at hindi ako iyon Doña Beatriz," sabi ko nalang.

Totoong mabait si Gabriel cold nga lang.

Huminga ng malalim si Doña Beatriz.

"Kung iyon talaga ang iyong desisyon ay... Pagbibigyan kita," malungkot na sabi niya.

Tumango nalang ako ng walang gana.

"Maganda kang maging manugang dahil napakamabuti mo Erenda," pahabol niyang sabi.

Nagulat ako sa sinabi niya at ngumiti nalang ako ng napakapait.

Pinagmasdan ko kung paano sila umalis ng kaniyang asawa.

Mapapatawad kaya ako ni Gabriel?

Matatanggap ba niya ang mga sinabi at ginawa ko?

Bakit concern ako sa kaniya?

Napansin kong palapit sa akin si Emilia.

"Señorita, bakit naiiyak nanaman po kayo?" Tanong niya.

"Wala lang ito," sabi ko habang pinupunasan ang mga luhang namumuo sa aking mga mata.

"Hindi niyo po talaga minahal si Señor Gabriel?" Tanong ni Emilia.

"Emilia, magsasabi ako sa iyo ng biro," sabi ko.

"Ano po iyon?"

"Hindi ko siya minahal," tugon ko.

Niyakap nalang ako ni Emilia at hinaplos ang lukod ko.

"Kinalulungkot ko po ang inyong paghihiwalay," sabi niya.

Kinalulungkot kong sinaktan ko ang sarili ko.

Kinalulungkot ko na sinaktan ko si Gabriel. Kinalulungkot ko na niloko ko ang puso ko.

Anong magagawa ko kung hindi sa palayain siya?

May biglamg kumatok sa pintuan.

"Señorita, may bisita po kayo ," sabi ng isang cariada.

Sino nanaman ang bisita ko?

Lagi nalang kapag malungkot or kapag may pagyayaring ganito may bibisita sa akin.

Hayst...

Nang pinapasok na ng cariada ang bisita ko nagulat ako kung sino ito.

Anong ginagawa rito ni Ramira?

"Ramira? Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ko.

Nginitian niya ako.

Sa Pangalawang PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon