Kabanata 25

216 12 0
                                    

Inihatid ako ni Gabriel sa aming hacienda para raw matiyak niyang ligtas ako at wala raw magyaring masama sa akin.

Alam ko at naaalala ko pa ang lahat ng sinabi niya sa akin.

"Mag-iingat ka Señor," sabi ko.

Tumango lamang siya at nagsimula nang umandar ang karwahe.

Nakakalungkot dahil after ng sweet moment namin ay naging hard cold stone hearted ulit itong si Gabriel.

Nang makapasok na ang sa loob ng aming hacienda nakita ko na sumasalubong sa akin si Emilia.

"Señorita!" Pagtawag niya.

Natawa naman ako at napatakbo na papalapit sa kaniya.

"Señorita, nakakakilig naman kayo kanina ni Señor Gabriel," sabi niya.

Nagulat ako sa kaniyang sinabi.

"Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ko.

Nag-uusap kami ni Emilia habang naglalakad papunta sa mansion.

"Señorita, nakita ko pong inihatid kayo ni Señor Gabriel," sabi niya.

Napangiti ulit tuloy ako.

"Aish! Wala lang iyon no," sabi ko sa kaniya.

"Po? Paanong wala lang iyon?" Nagtatakang tanong niya.

"Wala naman talagang kung anong chu-chu or feeling na meron doon. Hinatid lamang niya ako para lang matiyak niyang magiging ligtas ako," paliwanag ko.

Marahan akong umupo sa isang sofá.

"Señorita, ibig sabihin may ibig sabihin ang paghatid niya sa iyo,"nakangiting sabi niya.

Napakunot naman ang aking mga kilay.

"Hah? Paano mo naman nasabi? Malay mo ganon lang ang tao," sabi ko sa kaniya.

Napailing nalang siya.

Napaisip tuloy ako bigla nang kay lalim.

Napaisip ako kung paano kung may ibig sabihin na nga iyon?

Hayst! Naku, Erenda huwag na huwag kang mahuhulog kay Gabriel. Siya na nga nagsabi hindi mo siya pwedeng mahalin at hindi ka rin niya pwedeng mahalin.



Nagtatahi ako ngayon ng pangalan sa isang panyo.

Gabriel

Iyon ang aking inilagay. Nais kong maging regalo ko ito sa araw ng kasal namin.

Ako lang nag-e-effort.

Swad na me.

Nang matapos ako feeling ko ay naka-relive ako.

Napansin kong pala na wala nanaman sila mama.

Naku naman.

"Señorita, may mga liham po palang ibinibigay sa iyo ang takapaghatid ng mga sulat," sabi ni Emilia na nasa harap ko na pala.

Napabatikwas ako ng tayo.

"Ginulat mo naman ako Emilia!" Gulat na sabi ko.

"Paumahin po," sabi niya at marahang tumawa.

"Nga pala galing kanino ang mga iyan?" Tanong ko.

"Hindi ko po alam," sabi niya. "Ilalapag ko nalang po rito ang mga liham at doon muna po ako sa kusina," sabi niya at inilapag ang mga liham sa may lamesita tsaka siya nagtungo sa kusina.

Kinuha ko isa-isa ang mga liham at tinignan ko muna ng mabuti. Ang isa ay kay ganda ng sobre. Ala scent din ng vintage retro eme na pang ibang bansa. Yung isang namang sobre ay plain creme brown kulay at ang huling sobre naman ay kulay brown na may golden articraft designs.

Inuna ko na muna ang plain dahil who knows kung kaninong galing ito. Napaka-plain naman. Feeling ko hindi ako important lel.

Nang aking buksan at basahin...

Abril 26, 1777

Erenda,

Anak mag-ingat kayo riyan ni Emilia. Paumanhin kung hindi ako nakapagpaalam. Ang iyong mama ay ngayon nasa Madrid habang ako ay nandirito sa Laguna upang asikasuhin ang isang importantemg traboho rito.

Nag-aaalala iyong ama,
Reinaldo

Ang galing pala ito kay papa. Bakit naman plain? Grabe naman ah.

Sinunod ko namang basahin ang ala retro vintage na ala ibang bansa ang peg.

Abril 6, 1777

Erenda,

Hindi ko alam kung kailan ito makakarating diyan sa Filipinas. Hindi ko alam kung ano na ang nagyari sa iyo. Matapos ang huli kong pagsulat sa iyo ay wala na akong natanggap na kahit anong katugunan. Nais ko lang malaman kung ano na ang nagyayari sa iyo diyan at ganon pa man kamusta na si Laurenzo?

Lubos na nag-aalala sa iyo,
Lauren Collins

Galing kay Lauren? Nagulat ako bigla. Grabe. Wait. Omegash? True ba dis?

I need to make a reply.

Matapos ko kasing mabasa ang dati niyang sulat nalimutan ko nang mag-reply dahil nga sa mga sunod-sunod na pagyayari.

Pero wag siyang mag-alala magre-reply ako mamaya.

Sinunod ko naman na ang last na sobre.

Abril 25, 1777

Mahal kong Erenda,

Mahal kong Erenda hindi ko akalain na magkikita pa tayo noong nakaraang araw. Masasabi ko mang masakit sa akin na ikakasal na kayo ni Señor Gabriel ngunit huwag kang mag-alala masaya kong tinatanggap ang aking pagkatalo. Nawa'y magkaroon kayo ng magandang pagsasama.

Humahalik sa iyong kamay,
Miguel

Natuwa naman ako sa letter ni Miguel. Buti pa siya hindi niya pagpipilitan ang kaniyang sarili sa babaeng hindi siya mahal.

Ouch!

Burn!

Napansin kong may dala-dalang mga tinapay si Emilia.

"O! Emilia perfect timing! Buti nalang at may dala kang mga mierianda," sabi ko.

Natawa naman sa akin si Emilia.

Inilapag ni Emilia ang mga nakaplatong tinapay sa lemesita.

"Hindi naman po sa nais kong maging chismosa Señorita ngunit ano po ang nilalaman ng mga liham?" Tanong niya habang kumukuha ng tinapay.

"Hmm...galing kay Papa, Lauren at Miguel," sabi ko habang akmang kakain ng tinapay.

Biglang nagulat si Emilia.

"Po!? Si Señor Minguel? Sinulatan po kayo?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

Tumango naman ako.

"Señorita, kay tagal na po bago nakapagsulat si Señor Miguel sa inyo," sabi niya.

Bigla naman ako nagtaka habang kumakagat ng tinapay.

"Bakit? Kaano-ano ka ba siya?" Nagtatakang tanong ko.

Parang kasing close na close ko yata si Miguel ah.

Biglang natahimik si Emilia.

"Bakit? Anong problema?" Nagtatakang tanong ko.

Hindi pa rin sumasagot si Emilia.

Napaisip tuloy ako.

"May magyari bang masama Emilia?" Tanong ko.

Umiling siya.

"Señorita? Seryoso po ba kayo na nais nyo pa po maalala?" Tanong niya.

Biglang napakunot ang aking noo.

Akala ko ba walang nakalimutan si Erenda bakit parang ngayon may nalimutan na siyang memorya. Kaya ba hindi ko rin maalala?

Sa Pangalawang PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon