Kabanata 41

120 7 0
                                    

"Hindi na ako lalakas Emilia. Wala na si Gabriel. Wala na ang taong dahilan kung bakit ako nagbalik," humihikbi kong sabi.

Hindi ko masabi na nagkukunwari lamang kami ni Gabriel noong mga panahon na iyon.

"Señorita. Alam ko na po ang lahat," sabi niya sa akin.

Nagulat ako sa kaniyang sinabi. Hindi ko alam kung paano magre-react sa sinabi niyang alam na niya ang lahat.

Anong ibig niyang sabihin. Paano niya nalaman ang lahat? Anong naging reaksyon nila mama at papa?

"Nagkakwentuhan po kami ni Señor Gabriel at sinabi niya sa akin ang lahat...

"Emilia, mayroon akong dapat aminin sa iyo," sabi sa akin ni Señor Gabriel habang siya ay umiiyak sa sobrang sakit ng kaniyang nararamdaman.

"Hindi ba bukas na ang huling araw ng iyong amo para magising? Bukas ng alas' siete ng umaga?"

"Opo Señor."

"Emilia, sa totoo niyan. Lahat ng nakikita ninyo sa amin ni Erenda noong magkasintahan pa kami ay lahat ng iyon ay isang malaking pagpapagap lamang namin na masaya kami sa isa't isa ngunit hindi ko akalain na sa pagpapanggap namin na iyon ay nanaisin kong totohanin. Labis akong nasaktan noong makipaghiwalay na siya sa akin at mas labis akong nasaktan na nalimutan ko siya," paliwanag niya.

...Hindi ko na nga po alam kung ano ang magiging reaksyon ko ngunit kahit kailan ay hindi ko po nilaglag ang iyong sikreto lalong lalo na po kay Señor Miguel."

Ngumiti ako kay Emilia.

"Salamat Emilia, salamat dahil niligtas mo nanaman ako. At hindi lang ako ngayon kundi pati na si Gabriel," sabi ko.

"Alam ko po kung anong nararamdaman ninyo Señorita, dahil... Dahil minsan na akong umibig ngunit hindi ako inibig pabalik," paliwanag ni Emilia.

Bigla akong nagulat ng sabihin niya iyon.

Huminga muna siya ng malalim.

"Walang iba kundi si Señor Iago lamang ang aking inibig ngunit hindi ako ang gusto niya. At alam kong hinding hindi ako ang kaniyang iibigin," malungkot niyang saad.

Nalungkot ako para kay Emilia. Alam ko kung gaano kasakit iyon.

Biglang may pumasok sa aking kwarto.

Nakita ko si mama na mukhang kagagaling lang sa iyak.

"Anak.." Naiiyak niyang sambit.

"M-mama."

Dali-dali siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

Kahit na minsan mukhang dragon itong si mudra e lab naman pala niya ako.

"Akala ko mawawala ka na sa amin anak," humahangulngol na sabi ni mama.

Hindi naman ako makasagot.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

Hindi ko alam kung paano ko siya mapapatahan.

Mahina pa rin ako. Naghihina.

Lumayo sa akin si mama at hinaplos ang aking mukha.

"Akala ko hindi ko na makikita na didilat pa ang iyong mga mata anak ko," sabi niya habang sumisingot-singhot dahil sa kakaiyak.

"Mama," tanging bigkas ko lamang.

Hinawakan ko ang kaniyang kamay.

"Akala...ko rin po... Na hindi na kita makikita," sabi ko ng naghihina.

Ramdam kong tumulo nanaman ang mga luha sa aking mukha.

"Huwag ka nang umiyak. Andito na ako," sabi niya sa akin.

Biglang may pumasok sa aking alaala.

"Mama! Mama! Mama!" Humahangulngol kong sabi.

"Patawarin mo ako Erenda. Patawad ngunit kailangan umalis ni Mama," sabi niya sa akin.

Umiling ako.

"Hindi! Hindi mo ako iiwan! Sabi mo po sa akin na mananatili ka na sa tabi ko! Sabi mo hindi ka na aalis papuntang Inglatera!" Sunod-sunod kong sabi.

Naluha si mama sa aking mga sinabi.

Hinaplos niya ang aking mukha.

"Andiyan si Emilia upang alagaan ka. Nariyan din ang iyong Papa. Erenda tandaan mo na mahal na mahal ka ni Mama," sabi niya sa akin sabay lisan ng madalian.

Pilit akong nakahawak sa kaniyang saya na tila ba ayaw ko siyang umalis. Ngunit nabigo ako dahil inawat ako ni Papa at ni Emilia.

Nakasakay na si Mama sa karwahe. Wala na. Wala na akong pag-asa na makasama pa siya.

Naluha ako muli.

Ngumiti ako ng may pait kay mama.

"Pangako po ba na hindi na ninyo ako iiwan?" Biglaan kong tanong.

Ngumiti sa akin si mama.

"Oo. Oo anak. Pangako," sabi niya sa akin.

Naging payapa ang aking loob na alam kong ngayon ay tutupad na siya na hinding hindi na niya iiwan si Erenda.

Pumikit na muli ako para makapagpahinga.

Ramdam kong umiiyak pa rin si mama. Sigurado na natatakot siya na baka bukas ay hindi nanaman na niya ako makitang buhay at nabuhay lang ako para magpaalam.

Nawa ay hindi naman nga sa ganon dahil ayaw kong bigyan pa ako para makapagpaalam dahil pag-akyat ko sa langit ay mahihirapan akong kalimutan siya.

Malilimutan ko kung paano maging manhid.

Ayaw kong dumating sa punto na makikita ko kung gaano kahirap mag-a-adjust ang magpapatuloy ng buhay ni Erenda.

Hindi ako papayag! Ako na ang magtatapos sa kahilingan ni Erenda at ako na ang magpapatuloy ng buhay niya alang-alang sa chance na ibinigay niya sa akin.

Hinding hindi ko ito sasayangin.

Hindi na.

Sa Pangalawang PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon