Kabanata 5

558 28 0
                                    


"Alam mo samahan mo na lamang ako sa bayan," sabi ko sa kaniya

Umayon naman siya.

Teka saang bayan naman?

R. I. P. Sa akin. Hay nako.

Ang dami ko pa palang dapat pag-aral sa panahon na ito.

"Alam mo kahit saang bayan mo na akong dalhin ha?" Sabi ko sa kaniya.

Tumango-tango na lamang siya.

Kami ay umalis na at nagtungo sa bayan daw ng San Pablo.

Pagkarating namin excited akong bumaba ng kalesa.

Grabe so excited akong umapak sa sahig ng makalumang era.

Lumuhod ako sa lapag at niyakap ito. Inaawat ako ni Emilia at napansin kong wala nga pala ako sa kasalukuyan.

Dali-dali akong tumayo.

"Saan na ang pamilihan?" Sabi ko nalang kasi ang awkward ng ginawa ko para akong tanga.

Itinuro sa akin ni Emilia ang daan.

Nang makapunta kami sa mga pamilihan. Nakakita na ako agad ng gusto kong bilhin.

Dali-dali ako nagpunta sa pamilihan na iyon.

Nang makapasok ako ang daming magagandang kadamitan.

Ngunit isa lang ang nakapagpakuha ng aking mga mata. At iyon ang kulay maroon na damit. Gown sya na baro't saya.

"Kay ganda,"bulong ko sa hangin.

Napalapit ako sa damit na iyon at feeling ko it speaks mah soul.

"Siyang tunay," sabi nang hindi ko kilalang boses.

Paglingon ko isang matabang babae na mukhang mayaman ang nasa harap ko.

"Ako ang nagtitinda dito," sabi niya. "At mukhang may nahiligan ka na,"dagdag n'ya pa.

Tumango na lamang ako.

"Nais kong bilhin ang kasuotan na ito,"sabi ko sa kaniya.

Umiling-iling naman siya.

"Naku hija mukhang hindi mo gugustuhing gawin yan," sabi niya na may tone of regret sa boses niya.

"Bakit naman po? Tignan mo ang damit na ito napakaelegante at isa pa babagay sa akin ito," depensa ko at panay hawak sa damit.

"Hija, iba nalamang ang iyong piliin," pangungulit niya.

Nataasan ko tuloy siya ng aking kilay.

"So? Anong sinasabi mo? Hindi ito babagay sa akin?" Masungit kong tanong.

Grabe, feeling ko nasasaniban ako nang kung ano.

"H-hindi s-sa ganon,"nauutal niyang tugon.

Halatang natatakot sa akin ang babae.

"Paumanhin," sambit ko sabay hakbang nang palayo.

Napayuko tuloy ako sa kahihiya.

Napansin ko nalang na nag-approach siya sa akin.

"Ako si Tesang,"pagpapakilala niya.

Nahihiya akong magpakila.

"A-ako po si Erenda,"tipid kong sagot.

Nanlaki ang kaniyang nga mata.

"Ang anak nila Doña Alejandra Alvarez at ni Don Reinaldo Castellón?" Gulat na pangungumpirma niya.

Napatango lamang ako nang may :is there's anything a problem-look'.

"Hija, wala ako talagang balak ibenta sa iyo ang damit na ito ngunit kung talagang nais mo ito ay pumapayag ako. Naway malaman mo kung bakit," babalang tono niyang sinambit.

Sa Pangalawang PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon