Nasa byahe kami papuntang sa aking hacienda. Kinakabahan ako. Alam kong naghihintay sa akin si Miguel doon at ayaw kong maging luhaan siya lalo pa naman din siya ang nasa tabi ko noong heartbroken ako kay Gabriel.
Ayaw kong masaktan pa lalo si Miguel.
"Kay lalim yata ng iyong iniisip," nag-aalalang sabi ni Emilio.
"Paumahin. Hindi kasi ako makapaniwala na ikakasal ako sa isang Heneral," pagsisinungaling ko.
Tumango-tango na lamang siya.
"Emilio?"
"Hmm?"
"Paano mo ako nakilala?"
Natawa siya bigla sa tanong ko.
"Erenda, may sakit ka ba o ano?" Natatawang sabi niya sa akin.
"Kung andito lamang si Emilia siya nalang ang magpapaliwanag kung bakit ako nagkakaganito ngayon kung bakit ang dami kong hindi maalala," malungkot kong sabi.
Biglang nawala ang pagtawa ni Emilio.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Mahabang kwento Emilio. Mas marapat nang hindi magkwento sa iyo," malungkot kong sabi.
"Bakit ka ba nagkakaganyan Erenda? Hindi na ikaw ang tulad ng dating Erenda na nakilala ko," malungkot niya sabi.
"Paumanhin mo ngunit matagal nang namatay ang dating Erenda," sabi ko nalang.
Sa bawat bigkas ng aking sinabi alam kong niliteral ko ang mga kahulugan ng iyon.
Hinawakan niya ang dalawa kong kamay.
"Bakit? Bakit ka nagbago? Hindi ba ang sabi mo ayaw mo na sa buhay mo?"
Ramdam ko ang pagdadalumhati ni Emilio dahil hindi na ang dating Erenda ang kaharap niya.
Binawi ko ang aking mga kamay.
"Patawad, ngunit mahal ko pala ang aking buhay. Ngayon lang ako naliwanagan noong tunay ko nang makilala ang lalaking tunay na isinisigaw ng aking puso ngunit iba ang kaniyang gusto,"malungkot kong tugon.
Napasapo siya sa kaniyang noo at napasandal.
"Bakit? Bakit hindi mo na ako maalala. Ang masuyo nating pagsayaw? Hindi mo na rin ba maalala?"
Tanging pag-iling lamang ang aking sagot.
"Emilio. Hindi pa huli ang lahat maaari kang umurong," mapait kong sabi.
Ayaw kong maikasal sa kaniya dahil hindi ko alam kung sino talaga siya. Baka mamaya isa nanaman siyang ala Cristobal na nagbabalatkayo.
Huminga nalang siya nang malalim. Hindi namin namalayan na tumigil na pala ang karwahe.
Nauna siyang bumaba at hindi na ako hinintay.
Tinulungan ako ni Basilyo.
"Ipagpaumahin mo siya Señorita ngunit labis nasasaktan ang Heneral sa kaniyang mga narinig mula sa inyo," sabi ni Basilyo sa akin.
Wait. What?!
"Nakikinig ka sa aming usapan Basilyo?" Naiirita kong tanong.
"Alam kong masama po ang aking ginawa ngunit alam ko po kung paano makatulong."
Napaisip ako bigla.
"Bueno. Hayaan mo na ako. Nais ko nang makita ang aking mahal sa buhay," seryoso kong sabi.
Pagdating sa loob ng aking tirahan naiyak ako sa saya sa aking nakita. Si mama, papa, Erenda at Miguel.
Kumaripas ako ng takbo sa kanila at isa-isa sila niyakap.
BINABASA MO ANG
Sa Pangalawang Pagkakataon
Ficción históricaMinsan ka na bang nasaktan ng taong hindi mo inaasahang iyong mamahalin? Nabuo na ba ang mga katanungan na "Bakit" sa iyong isipan kung bakit hindi ikaw ang kaniyang pinili? Pinangakuan ka na rin ba niya pero sa huli nabali rin ang kaniyang salita. ...