Naging maayos na ako. Salamat sa pagbabantay ni Gabriel sa akin.
Nang sa aking paggising wala na siya sa aking tabi. Walang paalam o pasabi basta nalang siyang umalis.
Nakakalungkot pero sino ba naman ako para masakatan? Ang sabi ko nga diba hindi ko siya mahal at hindi ko rin siya gusto.
Hays...
Nandito ngayon ang mama ni Gabriel sa aming bahay. Pag-uusapan na namin ang preparasyon sa nalalapit naming kasal ni Gabriel.
Nakakalungkot nga dahil wala dito si Gabriel.
Ang saya naman kausap ni Doña Beatriz. Mabuti nalang at magiging mabait ang aking magiging biyenan.
"Hija, anong paborito mong bulalak. Marapat lang na ikaw ang magdesisyon non dahil iyon ang hahawakan mo papuntang altar," sabi niya.
"Rosas...rosas na puti po," sagot ko.
"Anong paborito mong kulay?" Tanong niya.
"Puti po," sagot ko naman.
Napapalakpak siya sa saya. "Kay ganda naman!"
Weird.
"Gusto rin po-"
"Tiyak magiging maganda ang inyong kasal. Dapat lang na ito'y engdrandeng kasalan," masayang sabi ni Doña Beatriz.
"Sang-ayon ako sa iyo balae,"sabi ni mama.
K. What the heck?
"Ah...maganda nga iyon hehe," awkward na sambit ko.
Okay what the heck?
"Marami dapat tayong imbitahin sa kanilang magaganap na kasal," sabi ni Doña Beatriz.
"Amiga, ikaw na ang bahala sa mga ganiyan dahil alam mo naman na ang aking mga iisasagot," sabi ni mama.
"Kung ganon ako na rin ang magplaplano para sa araw na gaganapin ang kanilang kasal?" sabi ni Doña Beatriz.
"Kung iyan ang kagustuhan mo e maaari naman," sagot nimama.
"Masaya akong kayo na ang magplaplano nang lahat Doña Beatriz," sabi ko.
"Naku hija, Mama Beatriz na ang itawag mo sa akin. Tutal tuloy na tuloy naman na ang kasal," sabi niya.
"Masaya akong maikasal sa inyong anak," sabi ko nang may ngiti sa aking labi pero sa likod non ay kalungkutan.
Sa totoo lang hindi ko na alam kung ano ang magiging pakiramdam ko sa kasalan na ito.
Hays...
Nagplan at nag-usap kaming tatlo sa sala. Ang haba ng mga pinag-uusapan namin nadamay panga kung ilang supling ang gusto ko.
Sa totoo lang... Anim. Anim ang gusto kong maging anak. Kung nandoon lang ako sa dati kong panahon. Grabe I'll face the consequences and magmamakapal face na ako.
Ohah!
Sasabihin ko kay Flip na "Matagal na kitang Crush Filip!" Ano kaya ang magiging reaction niya?
Biglang may kumatok sa pinto.
Sabay-sabay kaming lumingon kung sino ang kumatok.
Biglang lumiwanag ang malungkot kong aura.
Gabriel!
"Gabriel!" Biglang sabi ko at ako'y napatayo.
Napatingin sa akin sina Mama at si Mama Beatriz. Sa una nagulat sila pero nagkangitian nalang yung tinginan bangmay balak sila sa akin.
BINABASA MO ANG
Sa Pangalawang Pagkakataon
Historical FictionMinsan ka na bang nasaktan ng taong hindi mo inaasahang iyong mamahalin? Nabuo na ba ang mga katanungan na "Bakit" sa iyong isipan kung bakit hindi ikaw ang kaniyang pinili? Pinangakuan ka na rin ba niya pero sa huli nabali rin ang kaniyang salita. ...