Labis akong nasaktan sa aking nabasa na nakapaloob sa sobre ngunit wala na akong magagawa pa.
Ikakasal na aking pinakamamahal na Gabriel na ilang beses na akong sinaktan.
Naiinis ako sa kaniya. Nakakaramdam ako ng pangungulila sa mga yakap niya ngunit ayaw ko na siyang lumapit sa akin dahil labis-labis na niya akong sinaktan.
Ito na ang pangalawang araw namin ni Miguel.
Hindi pa ako handang harapin siya.
Hindi pa.
Biglang may kumatok sa aking pinto.
Dahan-dahan itong bumukas at bumungad si Emilia na may lungkot sa kaniyang mukha.
"Kay lungkot mo naman yata ngayon Emilia?"Tanong ko na may nagkukunwaring katapangan sa aking loob.
"Señorita- paumahin,"sabi niya sabay yuko.
Nagtaka ako bigla sa kaniyang sinabi.
"Anong ibig mong sabihin? Bakit ganyan ang iyong tinig?" Nagtatakang tanong ko.
"Alam ko po kung gaano kayo nasasaktan ngayon at alam ko rin po ang tungkol sa kasal nila Señor Gabriel at ni Señorita Ramira,"sabi niya sa akin habang pinipigilan ang kaniyang mga luha.
"Lalo na po. Alam ko pong lalo kayong nasasaktan dahil ang araw na napili nila ay ang araw ng iyong kapanganakan,"malungkot na sabi niya sa akin.
Biglang kumirot ang aking puso sa aking mga narinig.
Nasaktan ako at hindi ko mawari kung ano ang akimg sasabihin.
Ika-20 ng Agosto nga pala. Hindi ko akalain na parehas kami ng kapanganakan ni Erenda.
Ngumiti ako kay Emilia ng may pait sa aking mga labi.
"Hayaan mo na sila Emilia. Ang mahalaga ay masaya si Gabriel,"sabi ko sa kaniya.
Dahan-dahan niyang inangat ang kaniyang ulo.
"Ngunit- mayroon pa po kayong kailangan malaman,"sabi niya sa akin.
"Ano naman iyon?" Tanong ko.
"Tungkol po kay Señor Miguel,"tugon niya.
Biglang kumalabog ang aking puso. Dali-dali ko siyang nilapitan.
"Anong nagyari sa kaniya?"
Pagpunta namin sa hacienda ng pamilya Amador nakita kong nag-uusap sila Gabriel at Miguel.
Nagtago kami ni Emilia sa hindi kalayuang puno mula sa kanila.
"Ano ba ang iyong iniisip Gabriel?" Naiiritang tanong ni Miguel sa kaniya. "Ikaw ba ay talagang nananadya?"
"Anong pinagsasabi mo?" Pagmamaang-maangan naman ni Gabriel.
"Gabriel, huwag mo nang itanggi. Akala mo ba ay hindi ko malalaman? Sinabi sa akin ni Kuya Luis ang araw ng inyong kasal ni Señorita Ramira at iyon ay araw pa ng kapanganakan ni Erenda," sabi niya kay Gabriel.
Nakita ko kung paano umiwas ng tingin si Gabriel sa mga mata ni Miguel.
"Hindi mo naman nakalimutan ang kaniyang kapanganakan, hindi ba?" Kabadong tanong ni Miguel.
Dahan-dahan tumigin sa kaniya si Gabriel.
"Nalimutan ko na. Nilimutan ko na kung kaya maaari ba tantanan mo na ako!" Naiinis na sagot ni Gabriel.
Huminga ng malalim si Miguel. Ramdam ko ang umaapaw niyang galit.
"Napakawalang hiya mo!" Sigaw niya kay Gabriel. "Hindi mo alam kung gaano nangungulila sa iyo si Erenda!" Galit na sabi niya.
Kinuwelyuhan niya si Gabriel. Naluluha na ang mga mata ni Miguel sa galit.
"Hindi mo alam kung gaano mo siya nasasaktan nang dahil sa iyong kagagawan!" Nangingiyak sa galit na sabi sa kaniya ni Miguel.
Inalis ni Gabriel ang pagkakahawak sa kaniyang kwelyo ni Miguel.
"Umalis ka na Miguel baka malimutan ko pa kung anong meron tayo dati," banta ni Gabriel.
Tinalikuran na ni Gabriel si Miguel.
"Na ano? Malimutan mo na magkaibigan tayo?!" Banat pa ni Miguel.
Napatigil bigla si Gabriel.
"Gabriel, lahat ginawa ko na upang hindi masaktan si Erenda. Hindi ko ninais na agawin siya sa'yo, "nangingiyak na sabi ni Miguel.
Dahan-dahan hinarap muli ni Gabriel si Miguel.
"Oo Miguel. Nasaktan ako sa araw na malaman kong ikaw ang pinili niya at hindi ako!" Naghihinagpis na sabi ni Gabriel.
"Nagsinungaling ka sa akin Miguel! Hindi mo man lang sinabi sa akin na magkakabata kayo ni Erenda! Hinayaan mo pang mahulog ako sa kaniya!" Nagingiyak sa galit na sabi niya kay Miguel.
"Hindi ko ginusto ang nagyari, Gabriel. Ang tadhana na ang kumikilos para sa ating tatlo ni Erenda,"depensa niya. "Minahal ko siya ng lubos ngunit ikaw pa rin ang sinisigaw ng puso niya," kalmado na sabi ni Miguel.
Napahawak ako sa aking bibig. Naluluha na ako ngayon.
Hindi ako makapaniwala sa aking mga narinig.
"Nauna ako Gabriel pero ikaw ang pinili at hindi ako," nangingiyak sa sakit na sabi ni Miguel.
"Kaya nga hinayaan ko na siya sa iyo! Sinabi ko nang hindi na siya ang mahal ko!" Nangingiyak na sabi ni Gabriel.
Tuluyan nang tinalikuran ni Gabriel si Miguel. Nang makaalis na si Gabriel. Nakita kong napaluhod si Miguel sa buhangin.
Naiiyak si Miguel. Naiis ko siyang puntahan ngunit alam kong hindi niya nanaisin na makita ko siyang ganyan.
Nang makabalik na kami ni Emilia. Hindi ako makapaniwala sa aking mga narinig.
Nais kong bumigay ngunit kailangan kong magmukhang malakas.
"Emilia, bakit nagkakaganon si Gabriel?" Naiiyak na tanong ko.
"Señorita, huwag na huwag po kayong luluha. Tiyak sasama nanaman ang inyong lagay lalo na bukas na ang huling araw ng inyong palugit ni Señor Miguel,"paalala niya sa akin.
Tinignan ko siya mata sa mata.
"Emilia? May dapat ba akong malaman?" Naiiyak kong tanong.
Napayuko ang akong doncella.
"Patawad po ngunit hindi ko po maaaring ilahad,"naiiyak niyang sabi sa akin.
"Nakikiusap ako," malungkot kong pagmamakaawa.
Niyakap ako ni Emilia ng ilang sandali.
"Magkakaibigan po sila Señor Gabriel, Iago at Miguel," pagtatapat niya.
"Sina Señor Gabriel at Miguel ay madalas ka po nilang mapag-usap kapag ika'y napaparaan sa kanilang landas," salaysay niya.
"Ano ang kanilang sinasabi?"
"Kinukuplemento nila ang inyong tagling na katalinuhan, kagandahan at marami pang magagandang bagay tungkol sa iyo ngunit hindi sinabi ni Señor Miguel na kababata ka niya. Nagsimula ang pagsasaayos ng inyong kasal ni Señor Miguel sa napakaagang edad ngunit hindi iyon sinabi ni Señor Miguel dahil ayaw niya pong masaktan ang kaniyang matalik na kaibigan ngunit ang hindi niya alam ay mas labis niyang masasaktan si Señor Gabriel," kwento niya sa akin.
Napaupo ako sa lapag.
Hindi ko alam kung kakayanin ko ang aking mga narinig mula sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin.
BINABASA MO ANG
Sa Pangalawang Pagkakataon
Historische RomaneMinsan ka na bang nasaktan ng taong hindi mo inaasahang iyong mamahalin? Nabuo na ba ang mga katanungan na "Bakit" sa iyong isipan kung bakit hindi ikaw ang kaniyang pinili? Pinangakuan ka na rin ba niya pero sa huli nabali rin ang kaniyang salita. ...