Kabanata 65

102 7 0
                                    

"Kung ganon patunayan mo. Ang sabi mo inosente ako pero mukhang nagsisinungaling ka lang. Sana maging masaya ka sa mga nasabi mo," seryoso kong sabi.

Natulala siya sa akin.

"Buong akala ko ay may masasandalan na ako. Akala ko ay hinding hindi ako masasaktan sa iyon ngunit isa akong tanga dahil nag-akala ako na alam kong mapupunta rin sa wala," malamig kong sabi.

Nanatili ako kung nasaan ako.

"Kung alam ko lang. Kung alam ko lang Gabriel sana nagpakasal na ako kay Miguel noon pa man."

Tinignan ko siya mata sa mata. Ramdam ko ang kaniyang pagkagulat.

"Sana sa susunod nating mga buhay ay hindi na ikaw ang nakadtadhana sa akin," naiiyak kong sabi.

Naluha si Gabriel at dali-daling umalis sa harap ng aking selda.

Napaluhod ako. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

Paano nalang ito?

Paano na ako?

Si Emilia?

Napahinga nalang ako ng malalim. Malalaman ko nalang bukas.





"Binibini, andito na po si Heneral Hernandez," sabi ni Basilyo.

Kaagad akong tumayo sa aking pagkakaupo sa sulok.

"Bakit mo ako nais makausap?" Seryosong tanong niya.

Unti-unti akong lumapit sa aking mga rehas na aming pagitan.

"Hindi ba ibinenta ako sa iyo ni Ramira?" Panimula ko.

Nagtaka bigla ang kaniyang mukha.

"Oo. Bakit mo naman naitanong iyan?"

"Dahil pumapayag na akong makipag-isang dibdib sa iyo," seryoso kong sabi.

Bigla siya natawa ng malakas.

"Pinagloloko mo ba ako?"

"Hindi Heneral. Handa na akong maging iyong kasintahan," seryoso kong sambit.

Napangiti siya.

"Kung ganon. Ipapawalang bisa ko na ang iyong kaso dahil tutal pineke lamang ang lahat at ganon pa man iba ang ipapapaslang ko upang hindi ka pag-usapan ng mga taong bayan," sabi niya sa akin.

"Basilyo!"

"Si Heneral!"

"Palayain mo si Señorita Erenda ngayon din," utos niya.

"Masusunod po!"

Kaagad binuksan ni Basilyo ang aking kulungan ngunin sa oras na makalabas ako hinawakan niya ng makabila ang aking mga kamay patalikod.

"Isang gawain ko lamang iyan para makumpirma kong hindi tatakas ang aking prometida," sabi niya ng nakangisi.

Nauna nang maglakad siya sa amin.

"Paumahin po Binibini,"malungkot na mahinang sabi sa akin ni Basilyo.

Wala naman kaming magagawa. Ayaw ko naman na maparusahan siya.

"Heneral!" Pagtawag ko.

"Bakit?" Tanong niya habang nakatalikod sa akin.

"Maaari ko bang makita si Laurenzo?" Malungkot kong tanong.

Napahinto si Emilio sa aking nais.

Napalingon siya sa akin.

"Bakit mo naman nais siyang makita?" Tanong niya.

Sa Pangalawang PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon