Kabanata 10

397 19 10
                                    

Hindi raw makakabisita ngayon si Gabriel dahil may kailangan siyang asikasuhin.

Hindi naman ako nalulungkot sa halip e natutuwa pa nga ako. Hindi ko kasi makalimutan yung nagyari kahapon. Grabe napapangiti tuloy ako.

Bigla akong nagulat nang may magsalita sa tabi ko.

"Kay ganda naman yata ng inyong araw Señorita!" Biglaang sabi ng nasa likod ko.

Hinarapan ko ito. Nako! Emilia!!!

"Bakit ba nanggugulat ka?" Naiinis kong tanong.

Natawa naman ito at sinamahan ako sa balconahe.

"Mukhang naging maganda ang lakad ninyo kahapon ni Señor Gabriel kaya hindi naipinta ang lawak nang ngiti mo sa iyong mukha, Señorita," pag-aasar niya sabay hagigik nang tawa.

Inirapan ko nalang siya pero hindi ko mapigilan ang pagngiti ko.

"Mukhang may kasalan ngang magaganap," asar pa niya.

Tinignan ko siya nang masama.

"Sabi ko na nga po. Mananahimik na," natatawang sabi niya.

Huminga muna ako nang malalim bago magsalita. "May kasalan naman talagang magaganap," sambit ko.

Biglang kinilig si Emilia

"Naku! Señorita! Sa wakas nagseseryoso ka na," sabi niya.

Napakunot-noo tuloy ako sa sinabi niya.

"Bakit? Lagi naman akong seryoso," sambit ko.

Umiling-iling naman siya.

"Milagro nga talaga. Sa sobrang laking milagro eh pati sarili mong alaala ay nalimutan mo na,"sabi niya habang pailing-iling.

Eh? Anong magagawa ko? Kung ang alaala ko sa nakaraang buhay ang meron ako at hindi ang kay Erenda.

"Anong magagawa ko kung ibang alaala ang naaalala ko?" Naiinis kong sabi.

Biglang nanibago ang emosyon niya. Gulat at pagkalito ang bumabakas sa kaniyang mukha.

"Ano po ang ibig ninyong sabihin?"

"Ah? Eh? Wala!" Sabi ko nalang. "Yun ang pumasok sa isip ko kaya iyon ang sinabi ko," palusot ko.

Mukhang nakumbinsi ko naman siya.

Phew!

"Emilia?"

"Bakit po?"

"Umibig na ba ako dati?" Tanong ko.

Curious lang akong malaman kasi hindi ko talaga matanggap na hindi marunong magseryoso si Erenda na sa ngayon ay ako na.

"Hindi pa po," sabi niya.

Tumango-tango nalang ako habang nakatingin sa langit.

Ang ganda nang kulay. Parang may pintang rosas at topaz ang langit ngayon.

"Sana maging masagana ang buhay namin ni Gabriel," sabi ko.

"Sang ayon ako sa inyong sinabi," pagsang-ayon niya.

Ngumiti nalang ako pero hindi pa rin naaalis ang aking tingin sa langit.

Katahimikan lamang ang aking hahangarin sa aming magiging kinabukasan at buhay sa oras na may kasalan nang naganap.

Nagdaan ang mga araw at panay akong binibisita ni Gabriel. Maraming activities ang ginagawa namin at kung saan-saan kami nagpupunta. Masaya akong kasama si Gabriel at hindi na ako naiinis sa kaniya. Ang astig nang akin kasi ako ang sumusulat nang ala-historical fiction kong buhay. De joke lang. Kunwari, para sa akin ito ay isang malaking panaginip na aking sinusulat.

Sa Pangalawang PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon