Kabanata 29

191 12 0
                                    

Buong gulat ang reaksyon ko. Napahawak ako sa aking dibdib.

Mah gash ano itong lugar na ito?

Sinarado ko ang pinto para hindi ako mapansin nang mga tao na nagpunta ako rito.

Parang isang daang taon na ito hindi nalilinisan sa dumi nang paligid.

Maalikabok, masapot. Nakakatakot.

May mga baul, amparador, salamin sa paligid.

May mannequin pa nga. May mga panting din na nakalagay sa pagilid.

Pero iisa lang ang nakakuha nang atensyon ko. Isang malaging bagay na nakatakpan at may baul na malaki sa tabi nito.

I wonder kung anong laman ng baul at kung ano ang bagay na nakatakip na iyon.

Tinagal ko sa pagkakatakip ang larawan na iyon at nagulat ako sa nakita ko.

Hindi maaaring....

Kamukha ko nga talaga si Erenda.

Isang portrait ni Erenda. Solo portrait.

Lahat ng features niya ay hawig na hawig sa akin sa dati kong buhay which is ang present at not old era like this.

Hindi ako makakurap sa nakita ko.

Hindi ko namalayan na tumulo na ang mga luha sa aking mga mata.

Napahawak ako sa portriat paiting ni Erenda.

"Bakit kamukha kita?" Tanong ko sa painting.

Alam ko naman na hindi sasagot ako walang buhay na bagay kaya itunuon ko naman ang atensyon ko sa baul.

Nakita kong walang lock ito kung kaya binuksan ko na siya kaagad.

Nakakita ako nang isang kahon.

Napakaluma na nito. Siguro noong bata pa si Erenda kanya na ito.

Binuksan ko ang baul. Nakakita ako ng isang locket at maraming mga sulat.

Napakunot naman ang noo ko.

Yun lang?

Napansin kong luma na rin ang mga sulat na nasa loob nang kahon.

Inilapag ko muna sa sahig ang kahon at nagkalkal pa sa baul.

May nakita akong mga belo, damit, sapatos, libro, pluma at kung ano- ano pa. Tiyak lahat nang ito pag-aari ni Erenda.

Napatingin ako sa isang libro na pabalat ay leather at halatang luma na ito.

Kinuha ko iyon mula sa baul at pinagmasdan nang mabuti.

Nang aking buksan nakita ko isa pala itong talaarawan.

Diary pala ito ni Erenda. May pa-diary pa siyang nalalaman.

Kumabit balikat ako at ibinalik ang talaarawan na iyon sa baul. Ganon din ang kahon.

Isinara ko nang dahan-dahan ang baul upang walang makapansin nang pinakielaman ko ito.

Kinuha ko na rin ang malaking tela na pantakip sa portrait ni Erenda.

Inayos ko nang maigi ang pagtakip upang kunwari walang nagyari o hindi man lang ito natanggal.

Mahirap na kapag naluha ako ni mama o ni papa man dahil baka magwala sila kung bakit ako nagpunta sa bodega e wala naman akong idadahilan basta ang alam ko ang gaga ko lang at savage ko, tapos!

Kaso hindi ko naman pwedeng sabihin iyon kilala mama at papa 'pag nagyari yun dahil alam kong mas lalo lang sila magagalit.

O megash em so genius CHAR!

Sa Pangalawang PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon